CHAPTER 14 TRAV'S POV

120 8 2
                                    

Nalulungkot ako. Nalulungkot ako dahil halatang ayaw ni Miel sa akin. Ganon pa man, handa akong gawin lahat upang mapalapit siya sa akin.

Habang nagkwekwentuhan sila, nakikitawa lang si Miel. Ang ganda ganda niya. Mukha siyang anghel. Tinitingnan ko lang siya nang walang reaksyon sa mukha ko. Bakit kaya ganon na lang siya sa akin?

Bumalik na kami sa classroom. Doon kami sa mga upuan namin noong unang subject, kaya katabi ko si Miel. Wala na atang balak magpalit pa ng upuan ang mga kaklase namin since halos lahat naman daw ng mga teachers e ganito ang gustong seating arrangenents.

Ilang minuto lang ay dumating na ang next na teacher. Nagpakilala siya. "I am sir. Roque. Get one fourth sheet of paper."

"Sir, quiz kaagad?"

"Hala. Bakit ganon?"

"Siiiiir!"

"Kinakabahan ako."

Reklamo ng mga kaklase namin.

Ngumisi si Sir. Roque. "Wag kayong kabahan. Hahaha! Kayo naman. Di naman irerecord ang score niyan. Pero may incentive ang top 2 sa klase." Naglakad lakad siya sa gitna ng classroom at tumingin pa sa arm chair ng kaklase namin. "Plus 5 sa recitation grade ang pinakamataas at plus 3 naman ang susunod na pinakamataas."

"Hala. For sure si Miel na naman ang pinakamataas niyan." rinig kong sinabi ng kaklase ko.

Ganon siya kagaling? Impressive. --,

20 items ang exam kaya mabilis lang ito. Nagpalitan ng papers ang magkakatabi. Oo, hawak ko ang papel ni Miel. Idinictate ni Sir Roque ang answers. Nagulat ako sa mga sagot ni Miel. Tama lahat maliban sa isa.

"Ganito ha. Wag niyo muna ibibigay sa katabi niyo ang mga papel. Kukolektahin ko yan by scores." Umupo si Sir sa upuan niya at nagsimula na magsabi ng scores.

Nagsimula sa zero. Halos one third ang tumayo para magbigay ng papel. Nang dumating sa eleven, twelve, thirteen ay pa-isa isa na lang ang nagpapasa ng papel. Sixteen, seventeen, at eighteen ay dalawa na lang ang tumayo. Sa nineteen ay tumayo kami ni Miel ngunit nauna kong iniabot ang papel niya at saka niya inabot ang akin.

Ngumiti si Miel sa akin. Ang nakakatunaw niyang ngiti. This time, kita ko sa mga mata niya ang tuwa.

Shiyeeeeeets kaaaa!!! Nakakatunaw!!! Miel, mahal na kita!!!

"Congrats Ms. Francisco and Mr. Franco. May plus 3 and plus 5 kayo sa recitation grade niyo." Ngumiti si Sir Roque at pumalakpak pa.

Halata sa mga mukha ng aming mga kaklase ang halong pagkalungkot at pagkamangha. Tumingin si Jay nang nangaasar na naman.

"Ang galing nila."

"Oo, kaya nga bagay na bagay silang dalawa e."

"Baka naman nagkopyahan silang dalawa."

"Sus! Kayang kaya ni Miel yan kahit walang tulong galing sa iba."

"E si Travis kaya?"

Aba! Mga lokong to. Anong akala nila sakin, cheater? Tch. NEVER!!

"Hindi sila magkokopyahan. Mukha kayang matalino si Travis."

Ayan ang gusto ko!  --,

Bulungan ng aming mga kaklase. Nagbigay ng babasahin si Sir at saka nagpaalam.

May isa pa kaming subject.

Introduce.

Introduce.

Walang katapusang pagpapakilala. Sandali pa ay nagdismiss na.

How to Make Ms. Wrong Fall In Love [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon