"Yaya Faye, si Travis po, kaklase ko. Travis, si yaya Faye." Pagpapakilala ni Miel sa akin. Nagbihis si Miel sa kwarto niya saka bumaba ulit.
Tsk. Sabi nang wag magsusuot ng maikling shorts e. Ang kulet ng babaeng to. Linalagnat pa siya sa lagay na yan a.
Dahil sa mataas na lagnat niya kanina, nakatulog agad si Miel habang nakaupo. Nakatungo siya. Ginising ko siya para makahiga siya ng maayos kaso mahimbing na ang tulog niya. Binuhat ko siya saka inihiga ng maayos.
Ang gaan ni Miel. Tch. Kung kumaen naman, akala mo kung sinong halimaw. Kakaiba talaga ang isang to.
"Yaya, pahingi naman ng kumot. Baka lamigin si Miel dito. Thank you po." Pakisuyo ko kay yaya Faye.
Kinumutan ko si Miel saka naupo sa katabing sofa. Pagkatapos ng isa't kalahating oras, may pumasok na babae. Palagay ko ay mommy ito ni Miel. Maganda siya at halos magkahawig sila. Mukhang bata pa. Nagulat ata siya dahil ako ang unang nakita niya.
"W-who are you?" tanong ng mommy niya.
"I am Travis ma'am. Classmate po ako ni Miel. Sinamahan ko lang siya dito kasi nagkalagnat po siya." pagpapakilala ko.
Lumiwanag ang mukha niya. "Bakit ngayon lang kita nakilala? Matagal na ba kayong magclassmates ni Miel?"
"Hindi po. Una po kaming nagkakilala sa bar noong Monday." Napalaki ang mata niya pero ngimiti siya agad. "Unexpectedly, naging magkaklase pa po kami this year."
"Unexpectedly?" Pagtataka niya.
"Yes ma'am. Galing po kasi kami ng friends ko sa all boys school kaya po nagtry po kami magco-ed school bago maggraduate."
"That's nice. Call me tita Yasmin na lang." Ngumiti si tita.
"Baby, Are you feeling well already? Hindi mo sinabi, ang pogi pala ng nakilala niyo nung isang araw." sabi ni Tita nang mapansing gising na si Miel. Lumaki ang mata ni Miel. Palagay ko ay dahil sa sinabi ng mommy niya. Tinignan ako ni Miel na akala mo'y nagtatanong kung anong sinabi ko kay tita. "Hahaha. Dont worry, baby. Hindi naman ibinuking ni Travis ang mga kalokohan mo. Come, let's eat na."
Pumunta kami sa kitchen. Habang naghahain ng food si yaya Faye, hinintay kong makaupo si Miel saka tumabi sa kaniya. Tahimik kaming kumaen ng dinner. Nang matapos kami kumaen, "Miel, 8 pm na. Uminom ka na ng gamot." Iniabot ni Miel ang gamot sa kamay ko. "Next na inom mo, 12 am. Dont forget, okay?"
Tumango siya sabay inom ng gamot. Pumunta siya sa may sink para maghugas ng kamay. Tinake advantage ko yung time na malayo si Miel. Iniabutan ko si yaya Faye ng isa pang gamot at binulungan. "Yaya Faye, ibigay niyo po kay Miel mamayang 12 am. Thank you po."
Naupo na ulit siya sa tabi ko. "Gabi na, umuwi ka na. Hatid na lang kita sa may sasakyan mo."
"Okay. Good night, Miel." Nagnod ako kay tita at saka nagpaalam. "I'll go ahead tita Yasmin. Nice meeting you po." Nakipaghand shake ako sa mommy ni Miel.
"Nice to meet you too, Travis. Balik ka ha. Bye!"
Inihatid ako ni Miel hanggang sasakyan. Kumaway ako nang makapasok sa sasakyan saka nagdrive palabas ng village. Kinuha ko ang Lisensya ko sa guard.
Nang makauwi, naabutan ko pa sila mommy and daddy na nanonood ng movie sa living room. "Sorry. Hindi na ako nakapagpaalam. Nagkaenergency mom e." Humalik ako sa cheeks ni mommy at saka nagmano kay daddy.
Lumingon sila sa akin. "Very important, Travis? Kumaen ka na ba?" tanong ni mommy.
"Finish mom. It's about the girl I met at the bar. She's my classmate. Nagkasakit siya kanina kaya sinamahan ko muna siya." Umupo ako sa maliit na sofa.
"You really like her, dont you? How about your ex?" Tanong naman ni daddy.
Ngumiti ako ng pagkalaki laki ngunit napawi din agad. "Dad naman. I dont believe in second chances. Besides, she already left me. Now, Miel is here and yes, I really like her."
Ngumiti si mom and dad. "As long as you're happy, then we'll support you, Travis. Magbihis ka na then rest. Okay?"
Tumango ako at nagtungo sa room ko. Umupo ako sa sofa, nagpahinga, at naligo. Nag-aral ako sa mga nadiscuss na lessons kanina. Nagadvance reading na din ako if ever may mga surprises ang mga teacher bukas. Bumaba ako para uminom ng malamig na tubig nang madaanan ko ang wall clock sa living room. 11:45 pm na pala. Kailangan na palang uminom ni Miel ng gamot. Umakyat ako sa room ko at nahiga.
*Calling Miel*
Hello? inaantok pang boses niya.
Ang cute ng boses niya kapag bagong gising. Bwahaha. Bad trip! --,
Miel, wake up. It's time to drink your med.
Sige. Salamat.
Ibinaba niya ang line kaya naman tinext ko na lang siya.
*Compose Message*
Good night, Miel. Sleep well para gumaling ka kaagad.
Bigla kong naramdaman ang antok nang magvibrate ang phone ko.
-Miel-
Good night. Thank you sa time. Matulog ka na din.
Sobra ang ngiti ko kahit antok na antok na.
Kinabukasan, gumising ako ng maaga. Naligo ako ng matagal makasigurado lang na sobrang gwapo at bango ko. Nasa mood ako kaya naman gumawa ako ng chicken sandwich para sa amin ni Miel. Inilagay ko ang sandwich sa bag ko. Umalis ako sa bahay nang nakangiti. Dinaanan ko si Miel sa village nila. Hinintay ko siya hanggang sa lumabas siya ng gate.
Ibinaba ko ang window ko. "Good morning, Miel." Nginitian ko siya.
Napaawang ang bibig niya. "Anong ginagawa mo?"
"Sinusundo ka. Hindi ka pa makakapagdrive ngayon diba?" Lalo ako ngumiti at nakita kong kumunot ang noo niya.
"Tawagan ko lang si Bea." Tinawagan ni Miel si Bea. Nang sagutin ni Bea ang line, "Hello, Bea. Hindi na ako sasabay ha. Magkita na lang tayo sa school... Sige... Bye." Sumakay siya sa passanger seat at saka nagseat belt.
Nginitian ko siya bago magdrive pero nakita kong tulala siya. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kaniya. Sinimulan ko na magdrive papuntang guard house. Kinuha ko ang lisensya ko sa nakaduty na guard.
Tumango si Miel. "Medyo." Nagpause siya sa pagsasalita. Alam kong may mali. Alam kong meron pa siyang gusto sabihin. "Travis, kaya ayaw kong may pumupuntang mga bisita sa bahay dahil ayoko mangyari yung ganito." Nakuha ko kaagad ang ibig niyang sabihin. "Sana ay iwasan mo ang pagpunta sa bahay. Ayoko sa lahat ay yung pupunta doon ng biglaan."
"Sorry for doing this. I just want to be there for you lalo na't may sakit ka." Halatang nungkot ang boses ko. "Hindi na ulit ako pupunta sa bahay niyo pero sana hindi mo tanggalin yung kagustuhan kong makasama ka."