Pagkauwi ko sa bahay, tinext ko si Miel. Siyempre, hiningi ko sa friends niya ang number niya habang kinukuha niya ang wipes.
*Compose message*
Miel
See you tomorrow. Eat your dinner. ^_^
-TravisTumunog ang phone ko matapos ang ilang minuto kaya naman agad kong binuksan ang phone ko.
--Jason--
Tch. Si Jay lang pala. Akala ko naman magrereply na si Miel.
Masaya ka na naman, niyan? Grabe, pre. Hindi ko ineexpect na magiging kaklase pa natin sila.
Tumunog ulit ang phone ko kaya hindi ko na muna siya nireplyan.
--Miel--
Ikaw din. Thank you sa treat kaninang recess and lunch. Saan mo pala nakuha number ko?Naiimagine ko ang wala niyang reaksyon habang sinasabi yang tinext niya. Napangiti akong parang tanga.
*Compose message*
Miel
You're welcome. Kina Dane at Bea. Grabe no? Nakakagulat. Ang liit ng mundo, lagi tayong pinagtatagpo. --,Hindi ko na tinext si Jason at hindi na ulit nagreply si Miel. Ang haba ng araw na ito kaya naman di ko namamalayang nakatulog na ako. Nagising na lang ako nang nakaramdaman ang gutom. Bumaba ako sa kitchen. Naghahanda na ng food si Martha, ang helper namin sa bahay. Nagdinner lang ako with mom and dad at saka umakyat ulit.
Habang nagpapahinga, chineck ko ang phone ko.
--Miel--
Mm. Sige, mag-ambisyon ka pa. Linisin mo na pala yung sugat mo. Ge, bukas na lang ulit.Tch. Ang feeling naman neto. Nakakainis ang pagkamayabang niya.
*Compose Message*
Miel
Ang sweet mo talaga e, no? At caring pa --, Sige, see you tomorrow. Good night Baby.--Miel--
Good night TRAVIS.Tch. Kailangan talaga all caps? Ayos to a. Hindi ko talaga ugaling maghabol. Kapag alam kong walang pag-asa, titigil na ako pero bat sa babaeng ito, handa kong gawin ang maghintay.
Dahil hindi pa ako dinadalaw ulit ng antok, nagexercise na muna ako. Nagpakapagod. Nagpakapawis. Humarap ako sa salamin.
Shiyeeeeets! Bakit kaya ang hot ko? Paano ba naman akong hindi magugustuhan ni Miel? Tsk. Tsk. Bwahaha.
Flinex ko pa ang bisceps at triceps ko habang nakatitig sa salamin. Pinunasan ko ang pawis kong tumutulo sa noo, leeg, dibdib, at sa abs ko. Nagpahinga lang saglit saka nagshower.
Kinabukasan, pumunta ako agad sa classroom pero wala pa sila Miel. Hinanap ko sila kung saan saan pero hindi ko sila nakita. Biglang naisip kong puntahan ang puno na pinuntahan namin ng snacks at lunch. Si Miel at Alex pa lang ang naroon. Bigla akong narkaramdam ng kung ano. Parang pinipiga ang puso ko nang nakita kong tumatawa si Miel. Linapitan ko sila.
"Good morning! Nasaan sila?" tanong ko agad. Tumabi ako kay Miel sa simento. Asa harang ng lupa kasi nakaupo si Alex.
"Wala pa. 6 am pa lang. Maya maya pa ang dating ng mga yun." sabi naman ni Miel
"Bakit ang aga niyo?" tanong ko na naman. Hindi ko matanggap na magkasama sila.
"Napaaga ang punta ko dito e. Nagkita kami ni Miel kanina sa parking lot. Balak niya daw mahiga dito...kaya sinamahan ko siya." Nakangising sabi ni Alex habang nakatuon ang mga braso sa legs niya.