Sobrang nakakapagod ang week end na ito. Pagkauwing pagkauwi ko ay umupo ako sa sofa ng sala namin. Tumabi sa akin sila mommy at yaya Faye.
"Kumaen ka na ba? Gusto mong magmerienda?" tanong ni yaya Faye.
"Anong balita? Ayos na ba ang lahat? Kamusta si Travis? Okay na ba siya? Makakapasok na ba siya bukas?" sunod sunod na tanong naman ni mommy.
Pumikit lang ako, isinandal ang ulo sa sofa at ipinatong ang paa sa center table. "Nakakakaen na ko yaya." ani ko. "Mom, okay na lahat. Back to normal na as if walang nangyari. Ex ni Travis yung may pakana ng mga nangyari."
Halatang nag-aalala sila sa nangyari. "Sana, hija, ay hindi na mauulit ito. Ayow kong may mapahamak pa na kahit na sino sa inyo." si mommy.
Here comes the sermon.
"Yes, mooom~." sagot ko na parang walang gana. Pagod talaga ako kaya wala ako sa mood makipag-usap at lalong lalo nang makakinig ng sermon. "Magpapahinga muna po ako sa kwarto ko. Wake me up for dinner, mom. Namiss ko kayo." Hindi ako sanay na maging sweet sa kahit kanino kaya hindi ko na hinintay na makapagsalita pa silang dalawa. Tumayo ako saka pumunta sa kwarto.
Ipinahinga ko ang katawan ko para makaligo na. Matapos kong maligo ay dumapa ako para matulog. Hindi ko na natuyo ang buhok ko dahil ang gusto ko lang ay ang napakasarap na tulog sa kama ko.
*Tok Tok Tok*
Naimulat ko ng bahagya ang mata ko. Kinusot kusot ang mga ito at inunat pa ang mga braso.
"Miel, wake up. Dinner's ready." boses ni mommy sa labas ng kwarto. Binuksan ko ang pinto saka kami nagtungo sa kitchen.
Tss. Dalandan. Yan yung kinain noon ni Travis noon dito. T-teka... Bakit ba iniisip ko yung lalaking yon.
Napailing na lang ako at dun pa lang ako bumalik sa katinuan.
"Miel, hija, nakapagpahinga ka ba ng ayos?" tanong ni mommy.
Tumango ako. Ang dami kong nakaing kanin at sweet and sour fish. Bukod kasi sa ang dami kong gutom ay favorite ko ang food na ito. Kumuha ako ng dalandan saka nagtungo sa gym.
Binalatan ko ang dalandan. Pagkakagat ko sa isang piraso ay agad kong nailayo ito sa sobrang asim. Parang kiniliti ako sa pagkakakilig ko sa asim nito. Paano niya kaya nakayanan kainin ito. Ang asim asim kaya.
Teka, bakit ko na naman ba siya iniisip? Tss.
Pinilit kong ubusin ang kinakaen ko sabay nagpalakad palakad upang bumaba lahat ng kinaen ko. Maya maya pa ay nagsimula na akong magexecise. Nang matindi na ang pawis na nasa katawan ko ay tinuyo ko ito saka nagpahinga para makaligo. Nagbasa basa ako ng mga lessons, gumawa ng homework, advance reading, at natulog na ulit.
Kinabukasan, ilalabas ko na sana ang sasakyan ko nang napansin kong may nakapark na sasakyan sa tapat ng bahay. Lumabas siya sa sasakyan.
"Good morning prettiest!" sabay ngiti ng pagkatamis tamis.
"O Trav, bakit hindi ka nagdoorbell? Nagbreakfast ka na ba?" tanong ko.
"I wanted to surprise you. Mm, tapos na, thanks." nabaling ang atensyon niya sa likod ko. "Good morning tita Yasmin. Susunduin ko po sana si Miel... kung okay lang po sa 'yo yon."
"Good morning Travis!" pasweet voice ni mommy. "That's very sweet of you. Take care, okay? Dahan dahan sa pagdadrive."
"Opo naman tita. Basta para kay Miel." tumingin siya sa akin saka kumindat. Natitigan ko ng maigi ang mukha niya. May mga pasa pa din pero naglighten na naman na. Mabuti na lang at hindi na kasing lala nung sabado ng gabi. "Una na po kami! Ingat din po!" Kakaiba ang aura niya ngayon. Parang ang gaan gaan ng pakiramdam niya. Ang sarap niyang titigan.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Agad akong sumakay. Nang makaupo siya sa driver seat, bigla na lamang niya hinila ang ulo ko palapit sa dibdib niya. Nakayakap ito sa kanyang kanang braso na agad naman akong hinalikan sa noo. "Salamat, Miel. Hindi ko nagawang pasalamatan ka sa mga ginawa mo sa akin, sa pagligtas mo, sa pag-aalaga mo nung week end, sa pag-asikaso sa prisinto. Salamat ng marami Miel." Malumanay na halos pabulong niyang wika.
Ramdam ko namang uminit ang aking pisngi sa paghalik niya sa akin sa noo. Kakaiba sa pakiramdam sapagkat siya ang kauna unahang lalaki, bukod sa daddy ko, na ikiss ako sa noo.
Humiwalay siya sa akin. Ngumiti ulit siya. "Salamat, Miel." Nag-umpisa na siyang magmaneho papalayo ng bahay. Pinalilibutan kami ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Ilang sandali pa ay bigla siyang nagsalita. "Ang swerte ko sayo." ngumisi siya. "Hindi pa man tayo ay kinikitaan mo na ako ng pagmamahal na maaari mong ibigay kapag tayo na."
"Sino namang nagsabing magiging tayo? Pinaparamdam ko na sayo dahil hindi mo na muling mararamdaman pa iyan." ngumisi rin ako. Ngisi na akala mo ay nang-aasar. Natahimik siya. Nagtaka naman ako kung bakit kaya naman nilingon ko siya. Nakita kong may luha na sa gilid ng kanyang mga mata. "Im just kidding, Trav." I gave him assuring smile. "Dont worry, dadating din tayo diyan." pinunasan ko ang luhang nagsisimula nang tumulo.
Grrr! I hate guys who cry. It makes my heart melt. Dont do this Trav. ╥﹏╥
"Dont say that again. You already mean a lot to me now. And I dont think makakayanan ko pang mawala ka." aniya
"Oo naaa. Wag ka na malungkoooot. Ito naman." Tinusok ko siya sa tagiliran. Haaay sus... Hanlandi mo Miel. Tsk tsk.
"Woooi! Nagdadrive akooo!!!" malakas pala kiliti niya doon. "Wag ka magulo. Nag-iingat nga ako magdrive para sayo tapos mapapahamak tayo sa ginagawa mo."
"Ang sungit mo. Ge, hindi na." tahimik na kami hanggang sa marating namin ang school. Hindi ko na rin hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto. Bumaba na ako at agad kong nakita sila Jason, Alex, Bea, at Dane.
Naglakad kami papasok ng building namin na wala akong kinikibo ni isa sa kanila. Inakbayan ako bigla ni Jason na agad kong ikinagulat.