Umakyat ako hawak ang tray na may four cups of soup at si Martha na buhat ang four glasses of water.
Hindi nakaugaliang pumasok ni Martha sa mga bedrooms kapag may tao kaya naman sa may pinto lang siya. Inuna ko ang room ni Travis dahil mas malapit ito sa staircase. Hindi nakasara ang pintuan kaya naman dahan dahan ako naglakad papalapit sa kama ni Travis.
Pagkalagpas ko sa sala, napahinto ako nung makita kong pinupunsan ni Miel si Travis sa katawanan. Yes, topless ang anak ko. Pero hindi ko ito ininda dahil alam kong nag-aalala lang si Miel. And isa pa, wala namang kareareaksyon ang mukha niya.
Hindi ko na muna inistorbo sila Miel. Ibinaba ko muna ang soup sa center table ng sala sa room ni Travis at saka pumunta sa guest room. Agad ko nakita sila Alex at Dane, nagpapahinga. "Kumaen na muna kayo, eto ang soup." Agad silang umupo. Inabot ko ang natirang soup at kinuha ang water kay Martha. "Doon sa kabilang room ang tutulugan niyo ni Miel ha. Dadalhan ko na din kayo ng pampalit."
"Thank you tita. Pasensya na po sa abala. Hihintayin ko lang po si Miel para sabay na kami magpahinga." wika ni Dane.
"It's alright, Dane. O, sige. Pupuntahan ko lang sila ha." Nagtungo ulit kami ni Martha sa kwarto ni Travis. Kinuha ko ang tray na may dalawang baso ng tubig. This time, nakaupo na si Travis sa kama, nakashorts and sando na siya. Sinusubuan siya ni Miel ng soup.
You're both lucky to have each other. Wag niyo papabayaan ang isa't isa.
I smiled dahil sa naisip ko. Lumapit ako sa kama and ipinatong ang glasses of water sa side table. "How are you, Travis?"
"M-medyo a-ayos na. Aww! M-magaling... ang n-nurse ko e." mahinang wika ni Travis saka nilingon si Miel. Ngumiti naman ng pilit si Miel.
"That's good." tumingin ako kay Miel. I dont know what she's thinking pero mukhang malalim ang iniisip niya. "Miel, ano pala ang nangyari kanina? Anong sabi ng mga police? Are you okay? Bakit daw nila ginawa iyon?" Sunod sunod na pagtatanong ko. Nagwoworry pa din ako para sa kanila kahit na hawak na sila ng mga police.
"Tita, ayaw pa magsalita. Pero ang sabi nila, napagutusan lang daw. Iniisip ko nga po kung ano ang dahilan. Wala po akong nakakaaway, hindi din po ako sanay ng mga ganyang mga pangyayari."
"Pero ang sabi nila Dane ay nakaya mo daw sila."
"Oo nga, Miel. Aww!!" Sumakit ang panga ni Travis. Sa suntok ata ng mga lalaki. "B-bakit marunong... kang... s-sumuntok? Bakit hindi... ka man lang... nagalusan? Aaaaw!" si Travis na may pagtataka rin sa boses.
"Nang mamatay po ang daddy ko, napuno ako ng galit. Gusto ko magalit sa mundo. Wala po akong kinausap na kahit na sino for months. Nawala ang friends ko. Sa mga panahong iyon, nag-enrol ako ng boxing sa gym." She paused for a second. "Sila Dane and Bea, kelan ko lang naman sila nakilala. And kahit ganito ang ugali ko, hindi nila ako hinusgahan."
"I'm sorry to hear that Miel. I'm happy that you met your friends though." sabi ko with sincerity sa tono ng boses ko.
"S-sino nga... k-kaya... ang n-nagutos... s-sa mga iyon?" tanon na naman ni Travis.
"Wala akong idea. Bukas pupunta ulit ako doon. Baka sakaling magsalita na ang mga iyon." Nagscoop ng soup si Miel then sinubo niya ito kay Travis.
"Aww. Ang sweet naman ni Miel." kinikilig ko pang wika. She smirked. "Oo nga pala. Miel, dun kayo sa third room ni Dane ha. Ako na bahala sa clothes niyo. May mga clothes pa akong kakabili lang. Sa inyo na iyon ni Dane."
"Opo. Salamat at pasensya na po talaga sa abala." Muli niyang sinubuan si Travis ng soup.
"M-mom, s-si... d-dad po... p-pala, n-nasaan?" pabulong pa ring wika ni Travis.
"Nasa room na siya. Napagod kakalinis ng sasakyan niya. Nagpunta pa sa shop kanina. O, sha. Ipaghahanda ko na muna ng mga damit ang friends mo ha. Kukuha na din ako ng damit mo for Alex." Nagnod lang si Travis kaya naman kumuha na ako ng shirt and shorts. "Nagamit mo na ba to?" Ipinakita ko ang shirt and shorts na kinuha ko. Umiling si Travis kaya naman finold ko ulit ang mga damit saka iniabot kay Alex sa kabilang room. Nagpasalamat si Alex.
Pumunta ako sa walk-in cabinet namin ni Luke, daddy ni Travis, at kumuha ng pajama. Inipatong ko ang mga damit sa kama nila Miel.
Bumalik ako sa kwarto ni Travis nang maabutan kong pinapainom ng gamot ni Miel si Travis. "Oh, anong gamot yan, Miel?"
"Para po mabawasan ang sakit ng katawan niya lalo na bukas. For sure, mahihirapan pa siya tumayo. Tita, matulog na po muna kayo. Ako na bahala kay Travis." Binaling niya ang atensyon niya kay Travis. "Wag ka na muna tatayo bukas. Magbed rest ka para makapasok ka sa monday."
"Sige, mauna na ako sa inyo. Good night. Matulog na rin kayo ha. Late na masyado." Nginitian ko sila. I went to my bed room at tumabi na kay Luke.
Hindi ako nakaramdam ng pag-aalala para kay Travis dahil alam kong maalaga si Miel. May tiwala ako sa kaniya based sa nakita ko kanina. Wala man akong makitang emosyon sa mga mata at labi niya, alam kong nasa puso niya ang lahat ng nararamdaman niya.
Maya maya pa ay dinalaw na ako ng antok kaya naman natulog na rin ako.