"Tch! Ano bang gusto niya?! Nakakainis!" sabay sipa ko sa gulong ng sasakyan ko. Napahilamos pa ako sa mukha ko sa sobrang frustration ko.
Lumingon ako kay Miel at nakatitig lang siya sa akin habang magkakrus ang braso. "Tapos ka na?"
Nahulog ang panga ko sa sinabi niyang iyon. "Ano?! Wala man lang sayo ang mga nangyari?!"
"Travis, tapos na. Nangyari na ang lahat. Sino ba yun?" pagtataka niya.
"Bree, my ex girlfriend. Siya ang reason kung bakit nasa bar kami last week." paglilinaw ko.
"Kaya naman pala ganon ang reaksyon niya nung friday. That's normal. Kakabreak niyo lang. Malamang may chance pang makipagbalikan sa 'yo." nakatungo siya habang nakatingin sa akin sa gilid. "Hayaan mo na yon. Hindi na naman daw siya manggugulo diba?" Tumabi siya sa akin saka hinaplos ang likod ko.
Narelax naman ako kahit papaano. "Fine. Pero kapag ginulo niya pa tayo, hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Tara na sa bahay. Masyado na napasarap ang dalawa sa inyo at wala na atang balak umuwi." ngumisi siya kaya naman napangiti na din ako.
Makarating sa bahay, may nakahandang merienda sa kitchen. Kumaen kami nila Dane, Alex, Miel, and mom.
"Anong balita, Travis? Kilala na ba ang may kasalanan nito?" tanong ni mommy.
"Yes, mom. Si Bree. Nakita daw kami sa school nung friday, lunch time. Nagselos ata. Tch." kunot noo kong sagot.
"Talaga? Ano daw ang gusto niya kay Miel?" tanong ni Alex.
"Hindi namin alam. Hindi ko na natanong e. Masyado na akong nadala sa galit kaya naman lumabas na kami kanina sa bahay niya." Ang sakit sa ulo ng usaping to.
"Sa tingin ko naman ay gusto niya lang ako kausapin dahil nabanggit niya kanina na hindi naman niya planong makasakit." si Miel sabay subo sa snacks na hinanda ni mommy. "Pero sabi naman po niya na hindi na siya manggugulo."
"Mabuti naman kung ganon." ngumiti si mom saka uminom ng juice niya.
Inubos lang namin ang snacks at magtungo sa kwarto ko. Umupo kami sa sofa. Magkatabi kami ni Miel sa mahabang sofa, nakaupo si Dane sa floor katapat ng center table, habang si Alex naman ay nakaupo sa maliit na sofa habang magkakrus ang mga braso
"Travis! Kaloka naman pala yang ex mo! Naloka na sayo." wika ni Dane.
"Tss. I hate that girl." sabay kunot ko ng noo.
"Why Trav?" tanong ni Miel.
"When she broke up with me, ang sabi niya ay may nagugustuhan siyang iba." Nagpause ako sa pagsasalita dahil naalala ko pa ang bawat pangyayari. "But the truth is... matagal niya na akong linoloko."
"Have any proof?" masungit na pagkakatanong ni Miel.
"Yup. I saw those happenings with my own eyes." wika ko. "One afternoon, I went to her house. Birthday niya nun and I planned the perfect date for her. Hindi niya napansin na nasa likod niya na ako. She kissed the guy then hug him. Nang makaalis na yung lalaki, naisipan niyang tawagan ako. Bumaba ako ng sasakyan kaya nagulat na lamang siya nang may nagring sa likuran niya."
"Seriously? Hindi man lang niya napansin yung sasakyan mo nun? Kaloka!" si Dane na nagulat sa kwento ko.
"Continue." malamig na wika ni Miel na akala mo ay gusto nang marinig ang kasunod pero parang hindi interesado. Ewan! Medyo magulo siya.
"Iba ang dala kong sasakyan nung araw na iyon dahil nasira yung akin." baling ko kay Dane. "Ayun, tinanong ko kung sino yung bisita niya pero sabi niya lang ay pinsan niya ito."
"Naniwala ka naman?" napahawak si Dane sa noo niya.
"Hindi. May maniniwala bang pinsan niya iyon kung sa labi niya hinalikan? Ganon pa man, hindi ko na iyon pinansin." pagpapatuloy ko sa kwento ko.
"Nagpakasuper hero ka at itinuloy pa din ang date niyo. Tama?" tanong ni Miel saka ngumisi. "Tch. Yan mahirap kapag tanga sa pag-ibig e."
"Ooouch! Masakit yun a." kumunot ang noo ko.
"Pagpasensyahan mo na yan Travis. Wala pang nagiging boyfriend e. Haha." pangaasar ni Dane at natawa din si Alex.
"Makatawa ka Alex. Akala mo, nagkagirlfriend na a." sabay sabay kami tumawa maliban kay Miel. Ngumisi lamang siya.
"Dane, uwi na tayo." malamig na wika ni Miel.
Napangiwi naman ako. "Bakit? Maya maya na, Miel."
"Nagpaalam ka ba sa mommy at daddy mo?" malamig pa sa yelong tanong ni Miel.
Ang cute niya pag nagagalit. Haha. Ang sarap ikiss ng lips niya kaso baka bigla akong sampalin neto. Saka na lang kapag kami na. Napangisi ako dahil sa naisip ko.
"Miel, sanay na naman sila. Kapag di ako umuwi, either nasa bahay nila Bea ako or nasa sa inyo." agad namang bwelta ni Dane.
"Una na ako. Nandiyan naman si Alex para ihatid ka sa inyo. Bye." tumayo si Miel saka naglakad palabas ng kuwarto ko.
Hinabol ko siya sa labas. Kahit na naglalakad lang siya ay hindi ko masyado maabutan dahil masakit pa din ang mga pasa ko sa katawan.
"Miel!" tawag ko sa kaniya nang bahagya kong higitin ang kamay niya. Kumunot ang noo niya at naitulak ako sa balikat. "Aray ko!" maluha luha kong wika.
"Hala. Sorry, Trav. Nakalimutan ko." sagot naman niya habang inaalalayan ako. "Mukha naman kasing okay ka na. Nakikipag-asaran ka pa dun e. Tss. Tsaka sino ba naman nagsabing sundan mo ako?" malamig na namang aniya.
"Huwag ka na muna umalis. Sumabay ka na sa kanila umuwi." sabay nguso ko.
Kumunot ang noo niya. "Magkikita naman tayo ulit bukas. Mag-aaral pa ako. Sige na."Tinapik niya ako sa balikat. "Bumalik ka na sa kwarto mo. Magpahinga ka na. Pauwiin mo na rin sila. Bye." saka siya naglakad na palabas ng bahay.
Nagstay pa ng dalawang oras sila Dane at Alex. Pag kauwi nila, agad akong nahiga sa kama at nagbasa na ng lessons namin.