Narinig ko ang buntong hininga niya.
Nakarating kami sa school nang wala nang umiimik. Dumerecho si Miel sa classroom. Sa tingin ko, iniiwasan niyang pumunta sa puno para hindi kami makapagusap. Kinuha ko ang sandwich sa bag ko. Hinila ko siya papunta sa puno. Umupo kami pareho sa harang ng lupa.
"Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha ko? Nakakasama mo naman ako lagi ah. Magkatabi pa nga tayo sa mga klase natin." Itinuon niya ang baba niya sa kamay niya habang nakapatong naman ang mga siko niya sa mga binti niya. Liningon niya ako nang magsasalita na ako.
"Hinding hindi ako magsasawa sa iyo, Miel. Isa pa, iba yung feeling na tayo lang ang magkasama. Yung tumabi ako sayo sa bar, yung dito sa puno, yung sa living room niyo, at yung kanina sa sasakyan ko. Miel, I didn't know if gusto pa ba ang matatawag dito but..."
Muling kumunot ang noo niya. Yung tingin na nagsasabing, ano bang pinagsasasabi mo. Masakit at mabigat sa pakiramdam. Tumungo ako at naalala ko ang hawak ko. Inabot ko ito sa kaniya nang nakatungo pa din. Ngunit tinanggihan niya ito. "Busog pa ako. Kakabreakfast ko lang."
Nanahimik na lang ako. Sobra na ang rejection na pinaparamdam niya sa akin. Kaya naman nang dumating ang apat, inalok ko sila ng sandwich. Kukunin na sana ni Bea at Jay nang biglang kunuha ni Miel. "Teka, samin yan ni Travis."
"Samin na lang, Miel. Hindi pa kami kumakaen. Sige na." ani Bea.
Dumukot si Miel ng pera sa bulsa niya at iniabot kay Bea. "Bumili na lang kayo ng gusto niyo."
"Salamat, Miel. I love youuuu!" tumungo si Bea at hahalikan na sana si Miel sa pisngi.
"Bea! Bumili na kayo ng food niyo. Bilisan niyo, 30 minutes na lang." sabi ko kaya naman hindi niya naituloy ang paghalik niya. Umalis na ang apat kaya naman grinab ko na ang opportunity para tanungin si Miel. "Akala ko ba ayaw mo niyan?"
"Wala akong sinasabing ayoko. Sabi ko lang, busog pa ako. Magkaiba un." sabi ni Miel na nakatingin na naman sa akin.
Bawing bawi, Miel. You always make me feel down but you're also the reason why I smile again.
Iniabot niya ang sandwich at kinuha ko naman ito. This time, nginitian niya na ako.
Aish! Ang ganda niya. Napapatulala ako sa ngiti niya.
Maya maya pa ay bumalik na ang apat dala dala ang mga food nila. Umupo sila sa simento at kumaen.
"Kayo na ba ni Miel?" Tanong ni Alex sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Alex at naisipang itanong iyon.
Ngumisi si Miel. "Mukha bang kami na? Kung ganon kami kasweet ,e baka ganon na nga yun." Lalo siyang ngumisi.
"Seryoso ka Miel?" tanong ni Alex na seryoso ang mukha.
Lumingon si Miel sa akin. "Tayo ba, Travis?" Ngumisi siya.
Tumungo ako. Nalungkot na naman ako dahil alam kong nantitrip lang siya. Alam kong ayaw niyang matali sa kahit anong relationship.
"Tss. Nanliligaw pa lang yan." ani Miel. Ipinatong niya ang ulo sa magkakrus na braso sa mga binti.
Napalaki ang mata ko, mga three times bigger.
Anong nangyari? Kahapon, ayaw niya na manligaw ako. Ngayon, sa mismong magagandang labi pa niya nanggaling.
Ngumisi si Jason at Alex samantalang sobrang ngiti naman ng dalawang girls na animo'y kinikiliti.
"Tara sa classroom, magbebell na." Tumayo si Miel saka naglakad nang walang hinintay sa amin.
Humabol ako sa kaniya at inakbayan siya. Lumingon ako sa kaniya kaya naman medyo lumapit ang mukha ko sa kaniya. Yon lang, medyo nakatingala siya dahil may katangkaran ako. "Seryoso ka ba doon sa sinabi mo? Pumapayag ka na manligaw ako?"
Tumango si Miel. "Oo, pero kapag hindi mo inalis yang braso mo sa akin, babalian kita ng buto."
Tinanggal ko ang braso ko. Hindi ko alam kung mautuwa ba ako o maiinis.
Babalian ako ng buto? Tch. Paano na lang ako makakagawa ng mga bagay bagay para sa kaniya?
Napangisi ako sa naisip ko. Wag kayong green. Mga sweetness lang ang nasa isip ko. --, Kapag naging kami ni Miel, sisiguraduhin kong prinsesa ang trato ko sa kaniya. Bwahahaha!
Nagsimula na ang class namin. Walang kamatayang discussions at recitations na naman ang nangyari. Salamat na lang at Friday na.
Friday na! Hindi ko makikita si Miel ng dalawang araw! Hindi maaari! Dapat gumawa ako ng paraan!
Nang maglunch time, bumili na ulit ang apat ng food namin. Umupo ako sa simento nang biglang humiga si Miel sa may hita ko. Bahagya akong nagulat dahil sa mga ikinikilos ni Miel. "Ano ba ang nakain mo? Kanina pang may bago sa iyo a."
"Ano bang pinagsasasabi mo na naman?" Tumaas ang isang kilay ni Miel habang nakakunot ang noo.
"Kanina ka pa kasi e. Una, kinuha mo sa kanila ang sandwich na gawa ko. Pangalawa, pinayagan mo akong manligaw. Tapos ngayon, pahiga higa ka na lang sa hita ko."
Ngumisi lang siya saka ipinikit ang mga mata. "Ikaw pala gumawa non? Masarap ah."
Mahabang katahimikan ang nanaig sa amin kaya naman eto na ang pinakamagandang pagkakataon. "Miel, date naman tayo bukas. Saturday naman e." Nagbabakasakaling tanong ko.
"Kei. San tayo?" Nakapikit pa rin ang mata niya. Nakakainis. Bakit ba ang ganda niya titigan? Biglang minulat niya ang mata niya saka tumingin sa mukha ko.
"Ah... Eh... S-sa... a-a-ano..." Umiwas ako bigla ng tingin. Bakit imbis na siya ang naconscious ay ako pa ang nakaramdam nito? Weird. "S-sa mall na lang tayo." Ngumiti ako ng pilit at tumingin na lamang sa puno. "Susunduin kita sa inyo... kung ayos lang sayo."
Tumango siya't napangiti naman ako sa pagpayag niya. Nagulat ako nang may tumapik sa akin. "Woi! Bwahahaha." Malakas na tawa ni Jay. "Miel, ang sweet mo ngayon a." Lumingon siya't ngumisi.
"Wala kang paki, Jason. Masakit ang ulo ko. Sinisinat pa ako." Umupo si Miel nang magsunuran sa likod sila Alex, Dane at Bea.
"Kaya naman pala. May sakit. Bwahahaha." Pang aasar na naman ni Jason. Tinignan siya ni Miel ng masama. Inawat naman ni Bea si Jason. "Joke lang, Miel. Tara, kaen na tayo." Inakbayan siya ni Jay kaya naman inalis ko ang kamay nito at inihagis ito sa binti niya.
Kumaen kami ng lunch habang nagkwekwentuhan at nagpipicture gamit ang mga phone namin. Smile diyan, smile dito. Wacky diyan, wacky dito. Super saya ng lunch na ito. Yun nga lang, syempre, si Miel, basag trip na naman. Pilit na ngiti at ngisi lang ang laging pose. Kaya naman, habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan, panakaw na picture ang ginagawa ko. Ang gaganda ng shots. Natural na natural ang tawa niya. Ang sarap titigan.
"Travis, lets go. Bakit ayaw mo pang tumayo diyan?" tanong ni Alex.
"A-ahh. O-oo. Eto na, tatayo na." Naglakad kami pabalik ng clasroom.
Lumipas ang dalawang oras na puro discussions. Pagkalabas ng huling teacher, pinaalala ko kay Miel ang lakad namin habang naaayos ng gamit ang apat. Nang lumapit sila, nagyaya na silang umuwi. "Miel, ihahatid na kita." Tumango siya kaya naman dumerecho na kami sa kanya kanyang sasakyan.