Friday night, umuwi akong iyak ng iyak. Hindi ko na alam ang gagawin. I feel so weak. Why do I even feel this way? Nahihirapan akong tanggapin.
Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko kaya naman lumapit na ako sa tatlong lalaking malalaki ang pangangatawan sa fraternity ng college sa school namin, Lakeview University o mas kilalang LU.
"Jerome... Mark... Patrick... sigurado ba kayong madadala niyo sa akin yung babaeng yon?" paninigurado ko. Tumungo sila kaya naman nakampante ako. "Wala kayong sasaktan ha. Lalo na ang kasama niya."
"Kami na ang bahala. Umuwi ka na, gabi na." wika ni Mark.
Natapos na ang gabi pero wala pa rin ang tatlo kasama ang babaitang mukhang lalaking iyon. Nakatulog na ako kakahintay. Dumating ang umaga pero wala pa rin talaga. Hindi ako makakain sa kakaisip kung ano na ang nangyari. Alas dos na ng hapon nang biglang...
-Tok tok tok-
"Bree, may naghahanap sa iyo." wika ng helper namin. Wala lagi sa bahay ang parents ko dahil sa business nila kaya helper lang namin ang lagi kong nakakasama.
Tumakbo ako agad pababa. "Iwanan mo na muna kami yaya. Salamat." Ibinaling ko ang atensyon ko sa tatlo. "Anong nangyari? Nasaan si Miel? Bakit kayo puro may pasa?"
"Nakalaban namin. Hayop pala sa pakikipagbugbugan yun. Ni hindi namin nahawakan kahit buhok eh." wika ni Patrick.
"Oo nga. Pero kawawa samin yung dalawa niyang kasamang lalaki. Bugbog na bugbog. Lalo yung malaki ang katawan na singkit ang mata." ngumisi si Jerome.
Napahilamos ako sa mukha. "Sabi sa inyo, huwag niyong sasaktan yung lalaking kasama niya." nafrufrustrate ako sa mga binalita nila. Nasestress ako. "Ano naman ang nangyari sa iyo? Bakit ngayon lang kayo?" masama na ang pakiramdam ko sa mga ito. Palagay ko ay may hindi sinasabi ang mga lalaking to.
"Eh kasi..." Etona etona etonaaa!!! Bumibilis ang kabog ng puso ko. Bakit?! "Naaresto kami kagabi hanggang kaninang umaga." sagot naman ni Mark.
"P-paano kayo nakalabas?" Napaupo ako bigla sa sofa.
"Sinabi sa amin kung sino ang may pakana at saka pinakawalan ang mga iyan!" Nagulat ako sa boses na iyon. Pagtalikod ko, nandoon si Travis kasama si Miel.
"T-tr-travis..." hindi ko alam ang dapat sabihin. Natatakot ako sa sasabihin ni Travis.
"Pwede bang paalisin mo na muna sila kung ayaw mong ipahuli ko ulit ang mga yan?!" maotoridad niyang utos. Tinanguan ko naman ang tatlo. Nang makaalis sila ay saka lang ulit nagsalita si Travis. "Paano mo nakilala si Miel?! Anong gusto mo sa kaniya?!" malamig niyang wika.
"Huwag ka naman sumigaw. Hindi ko intensyon na masaktan ang kahit na sino sa inyo." tumango ako.
-FLASHBACK-
Lunch time na ng mga schools and dahil mabait akong bata, nag-absent ako. Excited na ako makita siya.
Nagiikot ikot ako habang hinahanap siya. Nakangiti kong iniikot ang aking paningin. Akala ko ay namamalik-mata lang ako nung nakita kong may nakahiga sa hita niya.
Lumapit ako sa tinatambayan nila at nagtago sa isang malaking puno kung saan maririnig ko ang paguusap nila.
"Miel, date naman tayo bukas. Saturday naman e." wika ni Travis. Sumisikip ang dibdib ko. Parang hindi na ako makahinga. Gusto kong lapitan sila pero gusto ko mapakinggan ang pinaguusapan nilam
"Kei. San tayo?" Nakapikit na sabi naman nung Miel.
"Ah... Eh... S-sa... a-a-ano..." Utal utal pang ani ni Travis. "S-sa mall na lang tayo. Susunduin kita sa inyo... kung ayos lang sayo."
Tumango si Miel. Nang biglang dumating sina Alex, Jay, at may dalawa pang babae.
"Woi! Bwahahaha." Malakas na tawa ni Jay. "Miel, ang sweet mo ngayon a." wika niya sabay ngisi niya.
Nag-usap pa saglit si Miel at Jay. Kumaen sila at nagpicture gamit ang mga telepono nila. Di ko alam kung anong meron sa babaeng iyon at parang walang kabuhay buhay ang mukha niya. Ano ba ang nagustuhan ni Travis dun? Hindi na ako makahinga sa pagpipigil ko ng aking iyak.
"Travis, lets go. Bakit ayaw mo pang tumayo diyan?" tanong ni Alex.
"A-ahh. O-oo. Eto na, tatayo na." bumalik sila ng classroom habang naiwan ako ditong mag-isa.
-END OF FLASHBACK-
"Anong kinalaman nun sa pagdadakip niyo kay Miel?" Hinawakan niya ko ng mahigpit sa magkabilang braso ko. Napakasakit nito na di ko napigilang maluha. "Huwag kang iiyak iyak jan! Nabugbog ako, tapos ineexpect mo na pasasamahin ko si Miel sa mga lalaking yun?!" malakas na sigaw ni Travis.
Lalo akong naiyak. Hindi niya ako sinasaktan ng ganito noon. Hindi niya ako sinisigawan noon. Bakit gankaganito?
"Travis, nasasaktan siya. Tigilan mo yan." ani Miel.
Bakit ang bait niya kahit na nagawa ko iyon sa kanila? Bakit gustong tumulo na lang ng mga luha ko? Gusto kong ilabas lahat ng namumuong tensyon sa katawan ko. Bigla akong itinulak ni Travis palayo.
"Travis!" napalakas na wika ni Miel. Iniabot niya ang kamay ko saka tinulungan akong makatayo. "Hindi porke nasaktan ka ay may karapatan ka nang saktan siya." malamig na tugon niya.
"Alam ko na kung bakit ka niya nagustuhan. Salamat Miel. Alagaan mo siya ha. Hindi ko na kayo guguluhin ulit." Yinakap ko siya ng mahigpit saka muling tumulo ang mga luha ko.
"Mabuti naman dahil kapag may nangyari ulit sa amin, lalo na ay Miel, ay ikaw na mismo ang mananagot." kunot noo niyang banta sa akin. "Tara na, Miel." matigas ang boses niya. Hinila niya ang kamay ni Miel saka lumabas ng bahay.
Tumakbo ako papasok ng kwarto at nagsimulang umiyak ng umiyak ng umiyak.