꧁SHERRI꧂
THE excitement in my heart grew as soon as I stepped into Andrea's house. Kumakapa na naman ang mga tenga ko, mga butas ng ilong ko at pati na rin ang mga ovaries ko. May kakausap daw kasi sa'kin bago ako lilipad papuntang Dubai bukas.
There's only one person in my mind—Kate. Sino pa ba, di ba?
For the past few months, I came in contact with Kate again because of Andrea. If I were to look back on my high school days, it wouldn't cross my mind that Andrea and I will be this close, not very but close.
But if there's something unexpected than that, it's the existing flames of the past hidden beneath my every cell. Pagkatapos namin ni Gabby, I thought I was over Kate. But why is Kate giving me butterflies in my stomach nowadays?
Sabi nga nila things happened for a reason. So, moving on from a painful ending with Gabby didn't seem so hard anymore. And that's because of Kate. Pinapangiti na naman kasi niya ako sa mga oras na iyon ang kailangan ko.
Well, of course, my friends, Francine, Faye and Andrea, are always there. They never grew tired of me. Andyan lang sila upang gumabay sa'kin. Minsan nga ay mas sila pa ang affected.
Twists and turns. You stumbled but in the end, you realized it was a memorable adventure on a bumpy road after all.
"Oy, Sherri, just relax, alright?" panimula ni Andrea. "You have to promise me na magre-relaks ka lang. Keep your heart and wrinkles tight and happy."
"Andrea, ano ba'ng pinagsasasabi mo?" natatawa kong reaksyon dito. "Bukas pa po ang flight ko, kaya save that for tomorrow."
"Ano kasi—"
"Bakit ba? Anong meron? At sino ang kakausap sa akin?"
Pinatalikod ako nito at pinapasok sa kwarto nya. Kunwari nagtanong para hindi naman madismaya si Kate na hindi ako na surpresa.
"You both will talk here so you guys will have your privacy, okay? Kung ayaw mo na, kung tapos na, at kung kailangan mo ng SOS, nasa living room lang ako, alright?"
Napalingo na lang ako. I will never need an SOS from Kate.
"Oo na po. Ikaw yata ang dapat na magrelaks, eh."
"O sya, I'm going out now. Hintayin mo nalang siya rito. I'll just be in the living room, okay?"
"Opo. Sige na. Choo!" pagbibiro ko rito but she just responded with a worried smile.
Whatever Andrea! Gino-goodtime mo lang ako.
Habang naghihintay ay naglibot-libot muna ako sa kwarto. Naglakad ako papunta sa may bintana upang ngumiti sa magandang tanawin. Ang ganda ng pagsikat ng araw ngayon, a sign of good luck and good vibes.
Maya-maya nyan ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto na sinundan agad ng pagsarado nito. I was so excited I don't know what to say first. Hinihintay ko nalang ang katagang 'Spice' upang lumingon ako.
But instead...
"Babe," mahinang tawag ng isang pamilyar na boses na kahit kailanman ay ayoko nang marinig.
Napalingon agad ako.
Gabby?!! How dare her have the courage to see me?!
I still hate her! Ni anino nito ay ayokong makita pati na ang marinig ang boses nito. But well, like I said, I moved on. Ang mga masasakit na nakaraan ay dapat ko nang kalimutan. Gaya nga ng sabi ni Kate, I need to move forward because looking back on the pain of the past would certainly do me no good at all.
So, show Gabby what she deserve, Sherri!
"O Gabby, ikaw pala. Akala ko pa naman si Kate."
"Kate? Yung ex mo na iniwan ka dahil hindi ka na mahal?"
"Yap. My ex who got the ovaries to tell me the truth rather than cheat on me. Yes, sya nga. Well, anyways, ano ang gusto mong pag-usapan natin at kailangan pa ng privacy? Oh, must be because of Paula."
Naglakad ito papalapit sa'kin.
"I would highly appreciate kung dyan ka lang muna. Mahirap na kasi at baka biglang sumugod dito ang partner mo."
"I came here not to argue but to speak with you. Pwede bang gawin natin 'yon?"
"We are already talking, Gabby."
"Babe, please. I want you back."
Inihanda ko ang sarili ko sa paghingi nito ng patawad pero hindi ang balikan ang tapos na.
Napalingo ako at hindi lubos makapaniwala.
"Nagbibiro ka ba? Ganyan nalang ba talaga kababa ang tingin mo sakin? Ano ako, laruan, na kung kelan ayaw mo na, iiwan mo at kung kelan gusto mo na naman ay babalikan mo? Gasgas na ang linya na 'yan pero baka lang hindi mo maintindihan."
"Babe, it's not like that! Alam—"
"And stop calling me, Babe, Gabby! Tapos na tayo! Matagal na tayong tapos kaya tawagin mo ako sa pangalan ko. Kung ang girlfriend mo ay kayang matulog sa gabi na may taong niloloko, pwes ako hindi!"
"I'm going to break up with her! At susundan kita agad sa Dubai! It might take a month siguro dahil kailangan ko pa mag-render ng resignation sa trabaho but I swear I'm going there for you."
Hindi ko na mapigilan ang mainis dito.
"And do you really think that will bring us back together?! Gabby, no! Iyong tiwala ko sayo ay hindi ko na kayang ibalik pa. And that love? I'm sorry. I couldn't love someone I don't trust anymore. Kaya kung ako sayo, ituon mo nalang ang buong oras mo sa girlfriend mo. You gave up so many things and people just for her, so might as well keep her."
Iniwan ko ito upang lalabas na sana ng kwarto pero hinila niya ako at niyakap na lang bigla. I froze! I wasn't expecting for that! Pero ang hindi ko inaakala ay ang pagbalik ng sakit na dulot nito.
"Please, Babe. I need you back. Gustuhin mo man o hindi ay susundan kita dun. At patutunayan ko sayo iyan."
Kumawala ako sa pagkayap nito.
"Bingi ka ba o nagpapakatanga lang?! Wala ka na ngang babalikan Gabby! Wala na! At kahit pa pumunta ka pa ng Dubai, parehong sagot pa rin ang ibibigay ko sayo. You had your only chance but you threw it away. I'm sorry. Hindi na kita mahal at hindi na kita kayang mahalin pa! I hope this will be the last. Goodbye, Gabby. Thanks for the past!"
This time, ay tuluyan ko na itong iniwan at tuluyan na din niya akong pinalaya. Sana. Sana nga. Dahil kung meron man akong isang bagay na natutunan sa pinagdaanan kong sakit kay Gabby, that's to fix my broken pieces again.
Pain does not only shatter us to tiny bits. It also teaches us how to put those broken pieces back together again. Stronger. And that's who I am now. Mas malakas. Mas matapang. Mas wais. Mas handa sa mga pagsubok ng buhay.
BINABASA MO ANG
HAUNTING - Haunting Past Book 3 / Sequel ( Lesbian Story)
Romance| GxG | On-Going | Filipino | The hardest part of moving on is being able to feel the pain no matter how hard you try. And for Sherri Garcia, she couldn't be anymore thankful to her support system who did not leave her side, misunderstood and misjud...