Make It Work

15.2K 187 4
                                    

Prologue



Sabi ko dati gusto ko ng anghel

Eh bakit demonyo ang dumating?

Sabi ko dati gusto ko ng tahimik na buhay

Bakit sinimulan nyang guluhin.



I hate him. Tagos sa buto

Hindi ko alam kung nanadya ba sya o ano.

Pero dahil sa kanya nagbago ang mundo ko

Pero di' ako nagpapasalamat na dumating sya sa buhay ko

Will I able to erase him from my life?

Or everything will just go with the flow

And Make it Work.





CHAPTER 1



Dumating na ko sa simbahang tinext sakin ni Sir Trey. Kuntodo paganda pa naman ako, ako lang ata ang saksi.



"Sorry I'm late" napalingon ako sa biglang nagsalita. "Ay tapos na ba?" Nagtataka nitong tanong sabay tingin sakin.



"Kadadating ko lang din"



Tumango naman ito "Are you here to stop this wedding missy?" Nagtaas naman yung kilay ko sa sinabi. Aba anong akala sakin ng lalaking to!?



"Excuse me?"



"Dadaan ka? You are free to go. I don't want my friend's wedding to be ruin by you"



Hinarap ko sya. Kung pwede lang sampalin tong lalaking to ginawa ko na. May manners pa naman ako. Ehem at si Lord nasa tapat namin baka di pa ko papasuking heaven.



"Excuse me but I'm invited in this wedding. Galleria is the name, Eri for short. Kung maiinsulto ka bakit hindi ikaw ang umalis. Kahigh blood ka mygosh nalalagas make up ko sayo!"



"Sorry Gal--- I mean Eri for insulting you. Sino ba naman kasing..." sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa "Pupunta ng simbahang nakaganyan" at pinasadahan ako ng tingin from toe to my beautiful and angelic face.



Kasalanan to ni Trey. He called me earlier telling me na ikakasal na sila ni Mina. Eh hindi ako prepared at gahol na sa oras para magpalit. Kaya ito kagagaling lamg ng bar. Shorty short tapos sexy top. Nasa bar kasi kami kanina ni Rigz parte parte lang kasi pafly away na si jowaers sa malayo next year pa balik.



"Sorry ha urgent kasi eh" I answered full of sarcasm.



"So do I" sabi pa nya habang nakangisi. Pasalamat sya gwapo sya,mahaba pasensya ko sa gwapo.



Pumuwesto ako sa kabila malayo sa kanya. Ayoko syang makatabi in my beautiful, stunning , and sexy body!



"Migo nga pala" sabi nya. Pakielam ko. "Huwag kang masyadong masungit maaga kang tatanda"



"Wag ka ring magalala LOLO ako tatanda pa lang ikaw minamanuhan na tsk. Don't talk to me again" at naghalukipkip na lang ako sa gilid. Asan na ba yung lovebirds naiirita na ko sa lalaking to.



"Meron ka ngayon no"



Tumingin ako sa kanya "Nakita mo?"



An evil smirk form on his lips. "Hindi, but if you're willing titingnan ko"



Nagtangis ang bagang ko dun "PERVERT!"



"Ikaw ang nagsimula"



"Argh! Alam mo kung wala ka naman magandang masasabi just shut up! I don't want to talk to a scumbag like you. So will you zip your mouth?" Lord konting pasensya pa po at baka sya ang pakuin ko.



Make It WorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon