Chapter 7

1.5K 78 69
                                    


Soonyoung's POV

Napagdesisyunan kong dalhan ng paborito nyang pagkain si Jihoon at humingi na rin ng pasensya sa kaniya dahil napagbintangan ko sya.

Inayos ko ang aking sarili pati na rin ang pagkaing niluto ko para kay Jihoon.

Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam ako kay Mama. Lumabas naman ako kaagad matapos kong magpaalam at kinuha ang aking bike na gagamitin ko papunta kayla Jihoon. Tatlong kilometro lang naman ang layo ng bahay nila saamin. Tsaka di naman kami ganun kayaman para magbus pa ako papunta doon.

Sumakay na ako sa bike ko at inilagay ang pagkaing inihanda ko para kay Jihoon sa harap ng bike ko. Nang maiayos ko na ang lahat pumadyak na ako papunta kayla Jihoon.

30 minuto ang lumipas at nakarating na ako sa bahay nila Jihoon. Di katulad namin, ang bahay nila Jihoon ay malaki. Isa itong mansion na may automatic na gate, may passcode ang pinto at lima ang palapag.

Kilala na ako dito kayla Jihoon dahil madalas kaming mag-bonding sa hardin ng mansion nila.

"Oh, Soonyoung! Ang sarap nyang dala mong pagkain ah. Para kanino yan?" Tanong ng gwardya sa gilid ng gate nila Jihoon nang makapasok ako sa loob.

"Para kay Jihoon po." I smiled at ipaparada na sana ang bike ko nang magsalita ulit ang gwardya nila.

"Hala! Umalis sila Jihoon eh. Kasama si Mrs. Lee." Kamot-ulo niyang saad. Napakunot naman ang noo ko. Hindi naman kasi mahilig gumala sila Tita.

"Saan po sila nagpunta?"

"Sa ospital, Yung J.Hong Hospital ba yun?" Walang kasiguraduhan nyang sabi. Pero alam ko naman kung saan yun.

Yung ospital na pagmamay-ari ng mga magulang ni Joshua hyung.

"Ah sige salamat po. Mauna na po ako." Kinuha ko nang muli ang bike ko at lumabas.

Hays. Pupunta ako sa ospital.

Pagkadating ko sa ospital ay pinarada ko ang bike sa gilid at nagtungo sa lobby dala-dala ang niluto ko para kay Jihoon.

I'm not a good cook like Mingyu but I tried just for Jihoon.

"Hello po. Asan po si Lee Jihoon at Lee Jiya? I heard they're here po." I smiled at the girl incharged at the lobby. Nakita kong nacucute-an ito saakin pero di ko sya pinansin dahil para kay Jihoon lamang ako.

"Hmm.. 3rd floor at Mr. Hong's office." Napa-isip ako bigla.

Isa kasing Neurologist si Mr. Hong. Nakwento saamin ni Jisoo hyung iyon at si Mrs. Hong naman ay isang Cardiologist.

Ang ipinagtataka ko ngayon ay bakit pupunta ang mga Lee sa isang Neurologist?

Umakyat na ako sa 3rd floor at hinanap ang office ni Mr. Hong. If I'm curious about something, I need to find about it with myself.

Bukas ang pinto sa office ni Mr. Hong at rinig hanggang sa labas ang tinig ng kung sino mang nag-uusap sa loob.

Chismoso na kung chismoso pero may masamang kutob talaga kasi ako kaya pinakinggan ko ang usapan nila.

"Jihoon, are you doing well these past few weeks?" Sa pagkakarinig ko ay si Mr. Hong yun at kausap nya si Jihoon.

"Yes. Wala naman pong pagsakit ng ulo na nangyayari sa ngayon."

"Hmm. That's good but I have a reminder to you.." Napatigil si Mr. Hong kaya lalo kong ilapit ang tenga ko sa kaniyang opisina.

"Your brain tumor is getting worse. Kung ayaw mong magpa-surgery, then you only have 6 months to live. If you want to undergo the surgery, there's 50% chance of you to be alive and pag nabuhay ka, you know what happens right?"

"Yeah... All my memories would be erased."

"But there's still a chance for you to get all your memories back... if ever you'll undergo the surgery."

"I still don't wanna undergo the surgery. I'd rather die than live. Knowing I have no chance for Seungcheol to love me back."

Nagulat ako ng naramdaman ko na lang na nababasa na ang kamay ko ng mga luha na pumapatak mula sa mata ko.

Ang sakit. Ang sakit marinig mula sa kaniya na ayaw na nyang mabuhay.

I'm supposed to be mad at him. Dahil tinago niya sa amin ang sakit nya. And ngayon nalaman ko na ang tungkol dun but It's getting worser to the point na may taning na ang buhay nya.

'Di ko magawang magalit sakaniya, bakit ganun?

Saktong nabalik ako sa realidad ay lumabas si Jihoon kasama si Tita Jiya.

Nanlaki ang mata ni Jihoon nang makita niya ako.

"A-anong ginagawa mo d-dito?! K-kanina ka pa ba-" Di na niya natuloy ang kaniyang mga katanungan ng bigla ko siyang yakapin ng mahigpit at doon na ako nagsimulang humagulgol.

"You're so selfish! Bakit hindi mo sinabi sa akin?" He's still not hugging back but I can feel that he's also tearing up.

"I-im sorry Soons... Naduwag ako... Ayoko na maawa kayo saakin." Saad niya habang humihikbi.

"You should not be scared! You should've told us ASAP. Edi sana inaalagaan ka namin diba? Kung di ko pa nalaman baka mawala ka na lang sa mundo na hindi namin nalalaman ang tungkol sa kalagayan mo."

"Pinapatay mo naman agad ako eh!" Hinampas nya ang dibdib ko.

"Please... don't lose hope on living... my love..." Halata ko ang pagka-gulat nang marinig niya ang tawag ko sakaniya. He tilted his head upwards to face me. Yeah you're right, di parin kami kumakawala sa yakap.

"Y-you love me?" He asked with the cutest voice he has.

"I do. Since the first day we met..." A smile beamed in his lips. But It doesn't show happiness.

"I-im sorry, I think I can't return your love. You know, I love Seungcheol." I just nodded.

"Naiintindihan kita Jihoon. I never expected you to love me back either. I know it'll end up like this if I confess to you and tama nga ako." I chuckled.

"Please... don't tell the others about my condition, especially Seungcheol."

"Why don't you want them to know?"

"I'll die anyways..."

"Please don't say that. My heart aches."

"M-my brain h-hurts."

Nang sabihin niya iyon ay agad akong bumitaw sa yakap at timawag si Tita. Naalarma naman siya at tumawag agad ng nurse para i-assist si Jihoon.

I can't take it... I don't wanna see him suffering like this.

Please be well, My Love. :(

mahal ka ba? ; soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon