Still, Soonyoung's POVNagmadali akong pumadyak papuntang ospital. Nang makarating ako ay iniwan ko nalang basta-basta sa labas ang bike ko. Kampante ako sa bike ko. May GPS yun at tutunog yun kapag hindi niya kilala ang humahawak sakanya.
Pumasok ako sa loob ng ospital at itinanong sa lobby kung saang room si Jihoon. Doon parin pala kung saan yung room nya nung na-confine siya last week.
Agad kong pinuntahan ang kwarto ni Jihoon at kumatok bago pumasok.
"Soonyoung..." Wonwoo greeted and smiled. The smile was fake.
Hindi ko na siya pinansin at pinuntahan ko agad si Jihoon na nakaratay sa kama at walang malay.
"Inatake s'ya ng sakit nya. He's screaming in pain kaya dinala na namin dito. We can't take to see him like that. We want him to live longer." Sambit ni Tita Jiya at humagulgol.
Tinitigan ko ang pigura ni Jihoon sa harapan ko. His skin is pale. Maputi siya pero hindi ganito ang kulay ng balat n'ya dati.
Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama nya at hinawakan ko ang kamay n'ya.
"I want him to take the surgery." Biglang sambit ni Tita Jiya kaya gulat na napatingin kami ni Wonwoo sakanya.
"A-are you sure, Tita?"
"Yes." Sagot n'ya. "Mabubuhay s'ya after the surgery... alam ko yun."
"Pero, Tita... baka magalit si Jihoon sainyo?" Sabi ni Wonwoo.
"He won't. Actually the only reason why he doesn't want to take the surgery was me. He was just waiting for ny decision. We wanted to do the surgery kasi in the States kaso ayaw naman n'ya. He wanted to do it here. Kaya ngayon, pumapayag na ako na dito s'ya magpa-surgery." Mahabang saad ni Tita Jiya.
Napa-tango nalang kami ni Wonwoo.
"Maiwan ko na muna kayo dito. Kakausapin ko na ang Doctor ni Jihoon." Pagpapaalam ni Tita Jiya at lumabas na.
Nagkatitigan kami ni Wonwoo. Feeling ko ay naiisip niya rin ang naiisip ko.
"Right after the surgery... dadalhin niya si Jihoon sa States. I can sense that." Saad ko at napa-ngisi si Wonwoo.
"Alam ko. Yan din naisip ko. Narinig ko kasi kay Papa na after mamatay ang Papa ni Jihoon, mayroong foreigner ang boyfriend ni Tita. I guess doon nila balak magstay pag nagpunta sila ng States." Saad ni Wonwoo.
"A-ayokong ilayo ni Tita si Jihoon saakin..." Malungkot na sabi ko at lalo ko pang hinigpitan ang hawak sa kamay ni Jihoon.
"Ako rin, Soonyoung..." Sabi ni Wonwoo at tumingin kay Jihoon. "Pero alam kong magpupumilit bumalik si Jihoon dito."
"Sabagay... ayaw pa naman nun lumabas ng bansa natin."
Napatahimik na uli kami ni Wonwoo nang makabalik na si Tita Jiya mula sa labas.
"Naka-usap ko na ang doctor. The surgery's tomorrow."
Nanlaki ang mata namin ni Wonwoo sa biglaang sabi ni Tita.
'Hayaan mo na s'ya.' Wonwoo mouthed. Tumango nalang ako.
"T-tita eh hindi pa po gising si Jihoon ah???"
"Mas okay nga yung hindi pa s'ya gising, para hindi nya masyado maramdaman ang sakit sa operasyon."
Napa-'Ahh okay' nalang kami ni Wonwoo.
"Sige po Tita, u-uuwi na po kami ni Wonwoo." Alam kong hindi pa uuwi si Wonwoo pero pinanlakihan ko sya ng mata kaya napatango na rin siya.
"O-opo tita. Mauna na po kami. Babalik nalang po kami bukas bago magsimula ang operasyon ni Jihoon."
Lumabas na kami ni Wonwoo at nagpunta sa nearest convenience store. Mag-uusap muna kami bago umuwi.
"Iba na kutob ko kay Jihoon. " Singhal ko.
"Parehas tayo. Ewan ko ba! Feeling ko di magiging successful ang operasyon n'ya." Napasabunot si Wonwoo sakanyang buhok.
"Let's not lose hope, Jeon."
"Hayyyy! Sige na nga, mauna na ako. Umuwi ka na rin tapos bukas ah, pumunta ka sa ospital. Sasapakin kita pag wala ka." Pagbabanta ni Wonwoo.
"Nga pala, paano yung mga bugok? Di pa ba natin sasabihin?" Tanong ko sakanya.
"Mamaya sa group chat, dun natin sabihin." Sagot nya at tumayo na.
Tumayo na rin ako at lumabas na kami ng convenience store.
Lord, wag nyo pa po sana kunin si Jihoon saamin. . .
BINABASA MO ANG
mahal ka ba? ; soonhoon
Short Story【 soonhoon 】 ❝mahal mo nga, mahal ka ba?❞ 『status: completed』