Soonyoung's POVDALI-DALI kong binigay ang excuse letter sa prof namin. Wala silang pake kung umabsent ka. Ang importante ay may excuse letter. Dinamay ko na ang mga kaibigan ko para masaya.
Nang mapirmahan na iyon ay umalis na ako ng campus at pumunta na sa ospital.
"Wonwoo, nasa'n si Tita?" Tanong ko pagkapasok sa loob ng kwarto ni Jihoon. He's still not awake.
"Ewan ko! Halos kakarating ko lang din eh." Sabi n'ya at nilantakan ang prutas sa gilid ng hospital bed kung sa'n nakahiga si Jihoon.
"Makakarating kaya yung nga yun dito before 12?" Tanong n'ya habang ngumunguya ng mansanas.
"Oo. Nabigay ko na yung letter kay Prof. eh. Baka mga isang oras lang nandito na yung mga yun." Sagot ko.
Pinaalis ko s'ya sa pagkaka-upo sa gilid ni Jihoon at ako ang umupo doon. Inilapit ko pa lalo ang upuan sa kama at hinawakan ko ang kamay n'ya.
"Jihoon-ah, I believe na magiging successful ang surgery mo. Sana after nun, maging maayos ang lahat ag sana ako naman ang pansinin mo." I whispered to him. Kahit na alam kong di nya ako naririnig.
Inilapit ko sa bibig ko ang kanyang kamay at hinalikan iyon. Nobody knows how much I love this guy.
"H-hyung..."
Napatingin kami ni Wonwoo sa pintuan at nakita namin si Seokmin na tila ba nanghihinang nakatingin kay Jihoon.
"Seokmin..." Tinawag ko s'ya pero hindi nya ako pinansin at nilapitan lang si Jihoon.
"Insan, pukingina mo!!! Ba't di mo sinabi saakin na may sakit ka???" Nagulat kami nang malaman na pinsan pala niya si Jihoon. He never told us. May sinabi pa si Seokmin pero di na namin narinig yun.
Bumukas nanaman ang pinto at iniluwal nito si Chan na dali-daling nanakbo papunta kay Jihoon at humagulgol.
"H-hyung.... putek! Wag mo naman ako iwan. Iniwan na nga tayo ni Papa tas pati ba naman ikaw??" Mas lalo naming ikinagulat ang sinabi ni Chan.
K-kapatid nya si Jihoon?! How come we didn't know?!
"Uy di pa mamamatay si Jihoon. Mag-papasurgery lang." Pagpapaalala ko kay Seokmin at Chan.
Pero imbis na kumalma sila ay umiyak lang sila lalo ng umiyak. Bumukas nanaman ang pinto at iniluwal nito ang mga kaibigan namin.
"J-jihoon..." Akmang lalapit na si Seungcheol kay Jihoon pero pinigilan ko sya.
"Hyung mamaya ka na. Yung iba muna..." Sabi ko at itinabi s'ya.
Nagsilapitan na yung iba kay Jihoon habang kaming tatlo ni Wonwoo at Seungcheol ay nasa gilid lang.
"Kinukutuban ako sa surgery ni Jihoon." Biglang sambit ni Seungcheol hyung kaya tinignan namin siya ni Wonwoo.
"Same, cheol hyung! Kahapon pa. Parang may balak si Tita Jiya eh." Sabi ko sakanya. Tumango naman si Wonwoo.
"Kids! They need to take Jihoon for the surgery na." Sabi ni Tita Jiya kaya napatingin kaming lahat na magkakaibigan sakanya.
Pumasok na ang mga lalaking nurse para dalhin si Jihoon sa O.R. Napa-atras ang mga kaibigan naming nasa tabi ng kama ni Jihoon. Nang ilalabas na nila si Jihoon ay sinundan namin sila. Sinundan namin sila hanggang sa labas ng O.R.
"Hanggang dito nalang po kayo." Sabi ng nurse at ipinasok na nila si Jihoon sa loob. We stayed outside.
Umupo kami sa gilid. Ang iba saamin ay sumandal nalang sa pader dahil konti lang ang mga upuan sa hall na ito.
"Hyung, kain muna kami ah. Babalik din kami agad." Pagpapaalam ni Seungkwan kasama si Hansol, Chan, at Seokmin.
"Sige. Mag-ingat kayo."
"Asan si Tita Jiya?" Tanong saakin ni Wonwoo habang nakaupo kami.
"Ewan ko. Diba dapat nandito sya? Operasyon ng anak nya wala sya dito." Sabi ko at napa-tingin nalang sa O.R kung saan inooperahan si Jihoon.
' Sana maging maayos ang operasyon... ' Sabi ko saking sarili.
After 2 hours.
Lumabas ang doctor na nag-oopera kay Jihoon. Napatayo naman kami ni Wonwoo at Tita Jiya. Kaya pala wala s'ya kanina ay dahil inayos nya raw ang bayad para sa operation ni Ji.
"Doc, ano na po nangyare kay Jihoon namin?" Medyo kinakabahan kong tanong sa kaharap namin ngayon.
"S-si Jihoon......"
BINABASA MO ANG
mahal ka ba? ; soonhoon
Short Story【 soonhoon 】 ❝mahal mo nga, mahal ka ba?❞ 『status: completed』