Chapter 49

574 19 6
                                    


INIRAPAN ni Jihoon si Soonyoung dahil sa paminilit nito sa kaniya. Si Soonyoung naman, hindi basta-basta sumusuko.

"Sige na kasi, Jihoon! Sumama na kayo ng mga bata sa Company vacation." Sabi ni Soonyoung kay Jihoon pero inilangan lang siya ulit nito.

"Mahirap mag-gala ng may dalawang bata na dala, Kwon Soonyoung."

"Mas mahirap mag bakasyon kung 'di mo kasama ang taong mahal mo, Kwon Jihoon." Napatawa si Jihoon sa narinig pero agad ding bumalik na walang emosyon ang mukha niya.

"Hindi pa ako Kwon, Soonyoung." Sabi ni Jihoon kay Soonyoung at binelatan ito.

"Edi gagawin kitang Kwon." Kinindatan ni Soonyoung si Jihoon. Napasinghal na lang ang nakababata tsaka umakyat sa kwarto nila para matulog.

Nakahiga na sa higaan si Jihoon at nagulat siya nang biglaang dumagan sa kaniya si Soonyoung.

"A-ano ba Soonyoung! Hindi ako makahinga!" Pilit na itinutulak ni Jihoon si Soonyoung palayo sa kaniya.

"Sumama na kasi kayo!!" Pagpupumilit pa ng nakatatanda. Napasinghal si Jihoon at tumango.

"Oo na! Basta't siguraduhin mong ikaw ang magbabantay sa kambal." Agad na tumango-tango si Soonyoung at ngumisi.

Kung alam lang niya... ang pinaplano ni Soonyoung.

=====

"Soonyoung! Ano ba 'yan, kala ko ba ikaw ang unang gigising para asikasuhin ang kambal? Eh tulog ka pa rin hanggang ngayon!" Sigaw ni Jihoon sa ngayo'y nakahilata at nakanganga pa ring Soonyoung.

Lalong nag-init ang dugo ni Jihoon dahil sa ginawa ni Soonyoung.

Nagtalukbong ito ng kumot at nagpanggap na walang narinig. Hindi na nakapagpigil si Jihoon kaya kumuha siya ng malamig na tubig mula sa baba at binuhos kay Soonyoung.

"Ano?! Hindi ka pa babangon diyan?!" Sigaw muli ni Jihoon. Bumangon na kaagad si Soonyoung at dumiretso sa C.R para maligo.

"Malaking tao, takot sa akin. HAHAHA!" Natatawang saad ni Jihoon at tsaka lumabas.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay tapos nang maligo si Soonyoung, inayos na niya ang mga gamit na dadalhin niya pagkatapos ay dinala ang kambal.

Hindi alam ni Jihoon na mayroong sorpresa si Soonyoung na naghihintay sa kanila doon sa pupuntahan nila.

"Wala ka na bang naiwan?" Tanong ni Jihoon kay Soonyoung. Agad niyang naalala ang dalawang maliit na box kaya kinuha niya iyon mula sa kaniyang drawer.

=====

Tahimik lamang sila habang nagmamaneho si Jeongin. Si Jihoon ang nasa tabi ni Jeongin habang si Soonyoung ay nasa likod para bantayan ang kambal.

Kanina pa nakangisi si Jihoon dahil nakikita niyang medyo nahihirapan mag-alaga si Soonyoung sa kambal.

Pero masarap din sa feeling niya kasi sa wakas nakapagpahinga rin siya sa pag-aalaga sa kambal.

Ilang oras pa ang lumipas, nakarating na sila sa resort kung saan gaganapin ang sinasabi ni Soonyoung na company vacation.

Pagkapasok nila sa resort, walang katao-tao. Tapos yung mukhang hindi bakasyon pinunta nila dito.

Parang kasal...

"Soonyoung, ano ba talaga pinunta natin-" Nilingon ni Jihoon si Soonyoung pero wala na 'to sa tabi niya at si Chan ang nakita niya.

"Oh, Chan? Asan si Soonyoung?" Tanong ni Jihoon kay Chan hindi siya sinagot nito at binigyan na lamang siya ng ngiti.

"Sama ka sa akin, hyung!" Yaya ni Chan sa kapatid at tsaka hinila ito papunta sa isang kwarto.

"Eto na po si hyung! Paki-ayusan na po siya, hehe!" Pagkatapos sabihin ni Chan 'yun sa mga tao sa loob ng kwarto ay lumabas na siya.

Nagtataka na tumingin si Jihoon sa mga taong nasa loob ng kwarto. Ang isa'y may hawak na make-up brush habang ang dalawa naman ay may hawak na maganda at mamahaling tuxedo.

"A-anong meron?" Tanong ni Jihoon sa kanila.

"Ngayon ang araw ng kasal mo!" Sabay-sabay na sabi ng tatlong taong nandito.

Agad na nagulat si Jihoon.... Kaya pala hindi nagsasabi sa kaniya si Soonyoung, ito pala ang sorpresa niya.

Inayusan nila si Jihoon, mula sa pagsuot ng tuxedo nito at pati na rin sa kaniyang kolorete sa mukha.

Talagang pinaghandaan ito ni Soonyoung. Kahit na busy siya sa trabaho sa kumpanya niya, pinilit niyang asikasuhan at pabonggahin ang kasal nila.

"Ayaaaan!!" Sabi ng nagmake-up sa kaniya. "Handang-handa na maging Kwon."

Tinignan ni Jihoon ang kaniyang pigura sa salamin. "Patay ka sa akin mamaya, Kwon Soonyoung."















=====

[ haaaaiiiii!!!! last chap na mamaya :> ito siguro yung first and last soonhoon fic ko na top si soonyoung at bottom si jihoon HAHAHAHA ]

mahal ka ba? ; soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon