MAAGANG gumising si Soonyoung para pumunta sa kumpanya na pagmamay-ari nya.
Pagkagising nya ay naligo sya agad at nagbihis. Lumabas sya ng kwarto at pupunta sana sa kwarto ni Yeonwoo nang mapansin ko ang papel na nakalagay sa pinto nya.
'Aalis muna ako bebe. Balik ako mamayang 6PM Ily~'
Umalis na ako pagkatapos mabasa yun. May sasakyan ako at may sarili akong driver.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang mapa-isip. Paano kung makita ako nila Wonwoo at Jisoo doon? At malaman nilang ako pala ang pinaka-boss nila.
Si Chan doon din nagtatrabaho, kaso magkaiba sila ng Department kaya hindi sila nagkikita. Tsaka sinadya ko talaga yun kasi baka malaman nilang ako ang may-ari ng pinapasukan nilang kumpanya. Ayoko na umalis sila.
Lumipas ang isang oras at nakarating na ako sa kumpanya ko. Napaka-laking building ang nakatayo ngayon sa harapan ko. Bunga ito ng paghihirap ng mga magulang ko.. pati na rin ako.
Pumasok na ako sa loob. Naka tshirt at short lang ako. Tinignan pa nga ako ng guard eh pero pinakita ko lang sakanya yung naka-sulat sa short ko. 'Kwon Hoshi' nanlaki ang mata n'ya at nagbow saakin. Nilagpasan ko na sya at dumiretso sa Department nila Chan. Malapit kasi doon ang office ko.
"Chan!" Pagtawag ko sakanya nang makita ko syang kausap ang isa sa katrabaho nyang si Yeri. Mukhang may nagkaka-developan sa Department na ito ah.
"CEO Hyeong~!" Malakas na sigaw n'ya at lumapit s'ya saakin, niyakap nya ako. Nagsitinginan ang mga ka-officemates nya saakin. Napatingin sila sa short na suot ko at saka sabay-sabay na tumayo para magbow.
"Hahaha! Wag na kayo magbow! Balik na kayo sa mga ginagawa nyo." Sabi ko sakanila kaya nagsi-upuan na sila ulit.
"Hyeong grabe! Namiss kita. Asan si Dabin noona?" Tanong n'ya saakin. Napangiti nalang ako.
"She went to visit her parents." Sagot ko sakanya. Yayayain ko sana sya sa office ko kaso mukhang maglalandian pa sila ni Yeri kaya hinayaan ko na muna sya doon at pumunta sa office ko.
"After 8 years! Nahawakan uli kita!" Hinawakan ko ang gawa sa gintong plaka kung saan nakaukit ang pangalan ko. Pagkatapos ay umupo ako sa swivel chair ko na matagal kong hindi naupuan.
"SIR HOSHI?!" Rinig kong malalim na sigaw ng isang lalake sa labas. Napatingin naman ako at nakita ko si Wonwoo na nakatayo sa harap ng pinto ng office ko. Nanlaki ang mata ko at agad na kinuha ang remote sa gilid ko. It controls my office. Pwede kong ilock o patayin ang kung ano-man sa loob ng office ko gamit eto. Pinindot ko ang button para ibaba ang kurtina ng opisina ko at yung lock button. After doing so, I sighed in relief. Ayokong gerahin ako ni Wonwoo.
Nag-ring ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino yun. Si Wonwoo. Putek! Sa kabilang Department ko nga siya nilagay para kung sakaling pumunta ako dito eh hindi kami magkita. Tapos ngayon nandito sya? Punyeta.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya.
"Aba! Bobo ka ba?! Buksan mo tong office mo! Hindi kita gegerahin noh. Kahit na gago ka, kaibigan parin naman kita." Wika nya mula sa kabilang linya. Napasinghal naman ako bago pindutin nanaman ang mga button sa remote at pinapasok sya.
"Naks! Ikaw pala boss namin dito! Ba't di ko alam?" Tanong nya saakin. Inirapan ko naman sya.
"Di naman kasi kayo nagtanong diba? Kaya si Chan lang sinabihan ko." Inis na sagot ko sakanya. Ngumisi sya at tumingin sa bintana.
"Malapit na syang bumalik, Soonyoung." Bigla nyang wika na nagpakaba saakin. Hindi pupwede 'to...
'Umalis na sya, ba't pa sya babalik?!' Sabi ni Soonyoung sa kanyang isip.
"Ba't pa sya babalik kung kailan maayos na ang buhay ko? Kung kailan hindi ko na sya mahal at tuluyan ko na syang nakalimutan?" Sobrang inis na inis na tanong ko. Hindi lang sakanya kundi pati sa sarili ko.
"Tss. Aminin mo na kasi na mahal mo parin sya." Nakangising pang-aasar saakin ni Wonwoo.
"Pasalamat ka, kaibigan kita. Kundi kanina pa kita napatay. Pero, ba't ko aaminin na mahal ko parin sya kung wala namang katotohanan yun? Wonwoo, si Dabin na ang mahal ko. Kahit bumalik pa si Jihoon, hindi na maibabalik nun ang dati kong pagmamahal sakanya." I sighed. Ngumisi lang sya at humawak sa tiyan nya.
"Buntis nga pala ako, Soons! Ninong ka ha!" Nakangiting sabi ni Wonwoo sakanya. Tila ba kanina ay hindi sila nag-aaway tungkol kay Jihoon. Napangiti rin si Soonyoung. Masaya sya para kay Wonwoo.
Kaso sya, masaya ba?
"5k ang pamasko nyan kada pasko." Pangako ni Soonyoung kay Wonwoo.
"Siguraduhin mo lang, Soonyoung! Pag hindi talaga, papabomba ko tong kumpanya mo." Pagbabanta ni Wonwoo.
"Pero... paano mo nalamang babalik si Jihoon?" Tanong ko sakanya.
"Tumawag sya saakin gamit yung luma nyang cellphone. Pasalamat ka walang maalala si Jihoon. Hindi na nya naaalala na patay na patay ka sakanya dati." Tumatawang wika ni Wonwoo.
"Mabuti na rin yun. Hays."
"Sige aalis na ako. Nandyan kasi si Mingyu." Pagpapaalam nya.
"Maglulunch ba kayo? Dito na kayo. Paderetsuhin mo na sya dito, magpadeliver nalang tayo. Patawag na rin si Jisoo at Chan." Utos ko sakanya.
Ngumiti naman sya. Natutuwa sya na unti-unti ng nagrereunite ang kanilang tropa. "Sige."
Sa kabilang banda naman, nakaupo si Jihoon sa may veranda habang nag-iisip isip. He may not know something, anything about his past because of his amnesia, he knows something that he needs to do in order to get his memories back. Go back to where he came from and befriend his old friends. The friends his old self knows.
------
BINABASA MO ANG
mahal ka ba? ; soonhoon
Cerita Pendek【 soonhoon 】 ❝mahal mo nga, mahal ka ba?❞ 『status: completed』