Chapter 26

777 44 51
                                    

Soonyoung's POV

Kasalukuyan akong naka-upo sa upuan sa veranda ng bahay ko. Umalis kasi si Yeonwoo para bisitahin ang pamilya nya.

Hindi na ako sumama dahil masama ang pakiramdam ko at may sipon pa ako. Ayoko namang maka-hawa pa sakanila.

Nung saktong pagkaalis ni Yeonwoo, lumabas ako para bumili ng gamot at pagkauwi ko ay ininom ko na yun. Kaya ngayon, medyo okay-okay na ang pakiramdam ko.

I took a cigarette from my pocket at tsaka sinindihan yun gamit ang lighter. Ano pa nga bang ginagawa sa sigarilyo? Alam nyo na yun.

Nang lumiit na ang sigarilyo na nasa bibig ko, pinatong ko iyon sa lamesa. Pumasok na ako sa loob ng bahay at humiga sa kama ko.

*ring ring ring*

Agad kong kinuha ang telepono ko nang mag-ring iyon. Tinignan ko ang pangalan ng caller pero number lang ang nakita ko.

"Hello? Sino ito?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Kamusta ka naman, Kwon Soonyoung?" Pagkatapos ng 8 taon, narinig ko nanaman ang mapang-asar nyang boses. Tangina.

"Anong kailangan mo, Jeon Wonwoo?" Tanong ko sakanya.

"Masama na bang kamustahin ang kaibigan?" Base sa tono ng pananalita nya ay ramdam ko ang ngisi sa kanyang bibig.

"Hindi. Pero ano bang kailangan mo, ha?" Deretsahang tanong ko.

"Hindi mo s'ya mahal, Soonyoung." Matigas na sambit ni Wonwoo sa kabilang linya.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Hindi mo mahal si Dabin! Na-attach ka lang sakanya kasi s'ya ang laging nakikita mo! Gumising ka na sa katotohonan Soonyoung!" Sigaw nya ma sa kabilang linya. Napa-singhal naman ako.

"Ano bang problema mo?! Ayaw mo ba akong sumaya? Nakalimutan ko na yung kaibigan mo! Hindi nyo ba maintindihan yun?! Tsaka s'ya yung nang-iwan in the first place." Dahil sumigaw s'ya edi sumigaw na rin ako.

"Kaya mo lang sinasabing mahal mo na s'ya kasi nakikita mo sya araw-araw. Eh alam mo naman talaga kung sino mahal mo, kahit hindi mo sya nakikita, kahit na malayo sya sayo." Huling sambit ni Wonwoo at tsaka pinutol ang tawag.

"Bakit ba ganito sila?! Ayaw ba nila akong sumaya?!" Inis na tanong ko saaking sarili. Kahit na alam 'kong di naman masasagot ng sarili ko ang tanong ko.

Simula nung iwan kami ni Jihoon, yung iba saamin ay nalayo na ang loob saakin. Si Chan at Seokmin nalang talaga ang hanggang ngayon eh, ka-close ko parin.

Dahil sa mga kung ano-anong bagay na pumapasok sa isip ko, napa-higa nalang ako sa kama at tumingin sa kisame.

'Alam mo naman talaga kung sino mahal mo, kahit hindi mo sya nakikita, kahit na malayo sya sayo.'

Wala sa sariling napasabunot ako sa buhok ko. Ano bang gusto nyang ipahiwatig?! Na ginagamit ko lang si Yeonwoo para masabing nakalimutan ko na nang tuluyan si Jihoon?!

Hindi ko gagawin yon! Hindi ko gawain na gumamit ng ibang tao para lang makalimot sa iba. Mahal ko si Yeonwoo!

Sa sobrang pag-iisip, hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Pucha naman! Para akong bakla.

( A/N : bakla ka naman talaga. yieEEEeEeeeEe )

Dahil sa pag-iyak, dinalaw na ako ng antok. Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata at natulog.

---

Wonwoo's POV

"Wonwoo hyung? Okay ka lang?" Tanong saakin ng kasintahan kong si Mingyu habang naka-sandal ako sa balikat nya.

mahal ka ba? ; soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon