Jihoon's POV
"BAKIT ang pogi ni Seungcheol?!" Tanong ko sa sarili habang nakatitig sa wallpaper ko.
"Buti di ka nagkaka-Hanahaki disease noh." Biglang sambit ni Wonwoo habang dala-dala ang librobg binabasa nya.
"Hanahaki disease? Ano yun? I haven't heard of that."
"WALA! Sa napanood ko lang yun!" Sabi nya at sinuot ang kanyang specs. Umupo sya sa sulok ng sofa.
"May brain cancer na nga ako magkaka- Hanahaki Disease pa ako. Napaka-unlucky ko na namang tao n'on!" Sarkastiko kong saad. Nakuha ko naman ang atensyon nya dahil doon. Ibinaba nya ng kaunti ang kanyang salamin at tinignan ako ng masama.
"Tss. Don't consider yourself as an UNLUCKY person. Walang taong malas. May mga tanga nga lang. Pero, I think God has a reason kung bakit ka nya binigyan ng ganyang sakit." Seryosong pangaral ni Wonwoo saakin. Namangha naman ako sa sinabi nya.
"Wow! Iba talaga naidudulot sa'yo ng mga binabasa mo eh noh." Sabi ko sakanya at tumayo mula sa kinauupuan ko.
"Sa'n ka pupunta?" Tanong nya. "Magpapahangin sa veranda." Sagot ko.
Lumabas na ako sa veranda at umupo sa upuan ko doon. Maganda ang weather ngayon. Pantay lang ang init at lamig na nararamdaman ng aking katawan. This is good for my health.
I was really relaxed but then my phone suddenly rang. I grabbed it and answered. "Hello?"
"Jihoonie, alam ko na kung anong pinag-usapan nyo ni Cheol hyeong kahapon." Tila naiinis na saad ni Soonyoung nula sa kabilang linya.
"Oh eh ano naman ngayon?" Walang pakielam kong tanong.
"Psh. Bad mood ka na naman!" Nagtatampo nyang sabi.
"Tumawag ka kasi." Irita kong sabi sakanya.
"Ang harsh mo saakin! Ba't ba kita nagustuhan?!" Halata ang inis pero di parin matatanggal ang tuwa sa kanyang boses.
"Aba't ewan ko sayo." Sagot ko't tinawanan siya.
"Aish! Sige na nga bye na. Gusto ko lang naman talaga marinig boses mo eh." Malandi nyang sabi.
"Bye." Tipid kong pagpapaalam.
"Bye, I love you~"
Pinatay ko na agad ang tawag at inilapag ang phone ko sa aking hita. Hindi ko man gusto si Soonyoung, pero napapasaya nya ako.
Ever since Grade 1, magkakaibigan na kaming tatlo ni Soonyoung at Seungcheol. Ahead ng Isang taon saamin si Seungcheol pero hindi naging hudyat iyon para magkalayo ang mga loob namin. We're close until now kaso di na nga lang katulad dati na as in magsama na kami sa isang bahay. It all changed simula nung umamin ako na gusto ko si Seungcheol. Soonyoung got mad because he loves me. Not as a friend anymore and he was so hurt because of my confession to Seungcheol. Seungcheol, he got shocked kaya hindi siya nagpakita saamin ng two weeks. After nung two weeks na yun. He rejected me. Tapos ako naman ang nagpakalayo-layo. Naayos din naman kaagad ang sigalot naming tatlo. Kaso yung closeness namin noon, hindi na talaga mabalik.
I sighed and went inside our house. I sat beside Wonwoo.
"Ji, I think I know the reason why God gave you that kind of sickness!" Biglang sigaw ni Wonwoo at humarap saakin. I was shocked kaya tinitigan ko siya ng masama.
"Ano naman yun?" I asked him. He just gave me playful smirk.
"Know it yourself..."
BINABASA MO ANG
mahal ka ba? ; soonhoon
Cerita Pendek【 soonhoon 】 ❝mahal mo nga, mahal ka ba?❞ 『status: completed』