Chapter 30

868 49 23
                                    

Soonyoung's POV


Hindi ko man aminin ay natutuwa ako. Natutuwa akong unti-unti na kaming nag-rereunite ng mga kaibigan ko na simula high school ay kasama ko na. Labis ang pasasalamat ko sa Diyos dahil binigyan nya ako ng mga kaibigan na handa akong tanggapin kahit na anong kalokohan pa ang gawin ko.



"Soonyoung! Tara na! Nandun na yung mga yun for sure!" Yaya ni Wonwoo na halata mong tuwang-tuwa rin. 8 (walong) taon ang hinintay nya para mangyari ulit ang pagsasama nilang ito.



'Sana nandito rin si Jihoon.' Sabi ni Wonwoo sa kaniyang isipan.



Tumayo na si Soonyoung at lumabas na kasama si Wonwoo. Tinawag nila si Chan mula sa office nila at tsaka dumiretso na sa resto na pinareserve ni Soonyoung para sa kanilang magkakaibigan.



"PUTANGINA! Kim Mingyu!" Malakas na sigaw ni Seungkwan ang bumungad kay Soonyoung at Wonwoo pagkapasok nila sa restaurant. Buti nalang at buong restaurant ipinareserve ni Soonyoung kaya walang ibang tao dito kundi sila. Napailing-iling nalang silang dalawa tsaka nagpunta sa table nila.



"Hindi halatang tuwang-tuwa kayo noh." Biglang sabi ni Soonyoung kaya nagsitinginan ang iba sakanya. Tsaka lang nila napansin na nandito na si Soonyoung at Wonwoo. Sila nalang kasi ang hinihintay.



"Naks! Soonyoung hyung, galante ang dating natin ah." Parang tangang sabi ni Mingyu habang nakatingin kay Soonyoung. Tinawanan lang sya nito.



"Gago ka talaga kahit kailan!" Tanging sabi ni Soonyoung at tsaka naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Mingyu. Sinimangutan naman sya ng nakababata tsaka bumulong, "Si Wonwoo ko uupo dyan eh." Inirapan siya ni Soonyoung at bumulong pabalik,



"Tama na muna ang landian, Mingyu. Tsaka nalang pag naka-uwi na kayo mamaya." Hinagod ni Soonyoung ang likod ni Mingyu at nginitian ng nakakaloko.



"Andyan na yung food, SHET!" Syempre alam na natin kung sinong sumigaw nun diba?



"Wag kang masyadong ma-excite, Seungkwan! Baka maempacho ka pagkatapos mo kumain!" Parang gagong sabi ni Seokmin sa kaibigan habang nasa bisig n'ya si Jiseok, ang anak nila ni Joshua. Nakatanggap lang siya ng irap mula kay Seungkwan. "Che!"



Pero totoo yung sinabi ni Seungkwan, andyan na nga talaga yung pagkain. Suki dito si Wonwoo at Jisoo eh. Kaya humingi ng payo si Soonyoung kung ano ang dapat order'in na pagkain. Lahat ng sinabi nilang masarap na pagkain dito ay in'order ni Soonyoung para sa kanya at sa mga kaibigan nya.



"Waaah!!! Salamat dito Soonyoung hyung!" Sabi ni Seungkwan na manghang-mangha sa pagkaing nasa harapan nya. Tinignan naman s'ya ng masama ng kanyang manliligaw na si Hansol. "Ba't ang sama ng tingin mo saakin?! Baka gusto mong hindi kita sagutin?!"



"H-hala! Boo naman eh! Sorry na." Natuwa nalang si Seungkwan sa inasta ng manliligaw. 'Halikan ko 'to dito eh. Ay joke! Pakipot muna Kwan, di mo pa s'ya sinasagot.' Sa isip lang nya, ni Seungkwan sinabi yun.



Nagsimula na silang kumain at syempre hindi mawawala ang kwentuhan dahil syempre magkakasama sila eh.



"Alam nyo bang putangina nyo kasi nung pinanganak ko si Jiseok si Jisoo at Seungkwan lang nandun!" Pag-dadrama ni Seokmin habang nagkekwentuhan sila. Sinamaan naman siya ng tingin ni Hansol. Doon n'ya napagtanto na nandun din pala si Hansol. "Ay pati pala si Hansol!"



"Ang weird lang, naunahan pa ni Jisoo at Mingyu makabuo si Seungcheol hyung. Eh diba kung tutuusin dapat s'ya mauna?" Biglang tanong ni Junhui. Kinuha naman ni Seungcheol ang bread knife at tinutok kay Junhui. "Aba gago ka ah!" Pinigilan naman ni Jeonghan si Seungcheol at si Minghao naman ay binatukan si Junhui.




mahal ka ba? ; soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon