Chapter 20

855 51 3
                                    

Soonyoung's POV

"Where's Jihoon?" Tanong ko sa nag-aayos ng kwarto ni Jihoon sa ospital. Pagkadating kasi namin dito ay walang tao sa loob ng kwarto, wala na rin ang mga gamit ni Jihoon sa loob.

"Sir, hindi ko po alam. Kakarating ko lang po dito kasi inutusan lang po ako na ayusin ito." Sagot sakanya ng nag-aayos. Tinanguan lang itoni Soonyoung at lumabas na. Sumalubong naman sakanya ang kaibigang si Wonwoo kasama ang nobyo nitong si Mingyu.

"Oh, ba't ka palabas? Asan si Jihoon?" Tanong ni Wonwoo sakanya. Nagkibit-balikat lang ako.

"Wala ng tao sa loob, Jeon. Nililinis na nga yung kwarto eh." Sagot ko sakanya.

"Tara, puntahan natin sa kanila. Baka nandun na yun." Pagyaya nya. Sumunod nalang ako sakanya.

Pumunta kami sa Parking Lot at sumakay sa kotse na pagmamay-ari ng nobyo nyang si Mingyu.

Pagkaupo ko sa backseat ay agad na ipinaharurot ni Mingyu ang kotse.

---

Nakarating na kami sa labas ng mansion nila Jihoon. Pagkalabas namin ng kotse ay agad akong lumapit sa gate at nag-door bell.

Bumukas naman ang mini gate at bumungad saamin ang gwardya dito.

"Oh. Napadaan kayo? Kala ko ba-"

"Pasok na po kami."

Pumasok na kaming tatlo sa loob at pumunta sa salas. Pagkadating namin doon ay nagulat kami sa katahimikang sumalubong saamin.

"Asan kaya sila?" Tanong ko. Bigla namang lumabas ang isa sa mga katulong nila Jihoon.

"Oh? Andito kayo. Teka lang nay ipinapabigay na sulat si Ma'm Jiya sainyo eh. Ito oh." Iniabot niya ang isang mensahe saakin. Tinanggap ko naman iyon at tumingin kay Wonwoo. He just shrugged his shoulders.

"Umalis nga pala sila Ma'm di ko alam kung kailan makakabalik." Sabi ng katulong nakapag-pagulat samin ni Wonwoo.

Agad kong binuksan ang sulat at binasa iyon.

'Dear Friends,

Don't wait for me anymore. I won't come back. Thanks for being a good friend. I will forget you all now.'

Konting mga salita lamang ang nilalaman ng sulat pero sapat na iyon para gumuho ang mundo ko.

Anong nangyare, Jihoon?

Wala naman kaming maalalang nagawa naming mali para maging ganito siya. Ipinakita naman namin sakanya ang tunay na pagmamahal ah?

Inilahad ko ang sulat kay Wonwoo at humagulgol. Nakita kong binasa nya iyon. Kinuyom nya ang kamao nya at nagsimula na ring tumulo ang luha nya.

"A-ano to?! Putangina! Ilayo nyo sakin to." Nilukot nya ang mensahe at tinapon sa kung saan. "W-wala akong ginawang mali. Lahat ginawa ko para maging mabutibg kaibigan nya. Ano yan?! Bakit nag kaganyan?"

Napa-sabunot ako sa buhok ko at humagulgol lalo.

Gusto ko siyang habulin kaso.. may pumipigil na kung sino saakin para gawin iyon. Para bang sinasabi na, mapapahamak lang ako kapag pinigilan ko ang pag-alis nya.

Napalupasay na ako sa sahig at sumigaw.

"LEE JIHOON!!! BAKIT!!!" Sigaw ko na tila wala ng bukas.

Noong una, kala ko hindi ko kayang magalit kay Jihoon pero eto ako ngayon, punong-puno ng galit ang puso dahil sakanya.

Bigla akong napangisi at tumayo. Para bang may biglang sumaping kaluluwa saakin.

"Kung kakalimutan nya tayo at hindi na babalik, bakit hindi rin ganun ang gawin natin sakanya?"

mahal ka ba? ; soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon