Soonyoung's POV"S-si Jihoon......" Tumigil s'ya saglit kaya parang lalo akong kinabahan.
"Successful po ang operasyon n'ya!" Biglang ngumiti ang doctor sa harap namin. Nagningning ang mga mata ko sa narinig. Nagkayakapan pa nga kami saglit ni Wonwoo habang yung iba namin kaibigan ay nagtatatalon sa likod namin.
"Kailan s'ya matatransfer sa private room n'ya?" Tanong ni Tita Jiya sa Doktor.
"Baka po maya-maya. Inform nalang po namin kayo." Sagot ng Doctor kaya napatango-tango nalang kami.
Pumasok na uli ang Doctor sa O.R kaya bumalik na kami sa pwesto namin kanina.
"Buti naman at successful!" Sabi ni Chan habang nakangiti.
"Kayanga eh." Sabi ko at napangiti nalang.
*ring ring ring*
Chan's POV
Tumayo si Tita Jiya at sinagot ang tawag nya. Lumayo sya saamin nang makita nya kung sino ang caller. Nacurious ako kaya tumayo ako at nagpaalam saglit kayla Hyung na mag-ccr ako. Pero ang totoo ay susundan ko lang talaga si Tita Jiya.
"Hello? Oh Albert! Are you done fixing my son's papers?" Tanong nya sa kausap.
Naka-loud speaker ang telepono kaya narinig ko ang sagot ng kabilang linya. "Yes ma'am. Ready to fly na po kayo bukas." Sagot nito.
Nanlaki ang maya ko sa narinig. Ililipad nya palabas ng bansa si Jihoon hyung?! Hindi pwede ito!
"Putangina talaga ni Tita Jiya." Bulong ko na tanging sarili ko lang ang nakarinig.
"Okay. That's good. Plus tell my new husband to fix Jihoonie's room okay? Bye." Sabi ni Tita Jiya sa kabilang linya. Nang marinig ko na inend na nya ang tawag nagtago ako dahil baka mahuli ako.
I heard footsteps going away kaya lumabas na ako. Nagpalipas ako ng ilang minuto at tsaka bumalik.
"Saan ka galing Channie?" Tanong ni Tita Jiya saakin. Sana po di nya ko nahuli!!!
"Nag-cr po Tita." I tried na wag mautal and I fake-smiled at her. She just nodded kaya umupo nalang ako sa pwesto ko kanina.
Napatingin naman ako kay Wonwoo at Soonyoung hyung.
Should I tell them???
Kapag sinabi ko, at pinigilan nila si Tita Jiya ay tiyak na magkakagulo at maaaring kunin pa ni Tita Jiya ang buhay nila.
Kapag hindi ko naman sinabi ay tuluyan nang mawawala sa landas namin si Jihoon hyung at baka hindi na sya makabalik dito.
Aish! Ang hirap mag-desisyon. Pero kailangan kong isipin mabuti ang magiging desisyon ko. Dahil hindi lang ito para sa ikabubuti nila, pati na rin ito sa ikabubuti ko.
-☆-☆-
BINABASA MO ANG
mahal ka ba? ; soonhoon
Short Story【 soonhoon 】 ❝mahal mo nga, mahal ka ba?❞ 『status: completed』