Soonyoung's POV
Alam mo yung feeling na kala mo wala ka ng pag-asa sa buhay? Na kala mo hindi ka na makakabaon sa madilim mong nakaraan. Tapos may isang taong dadating nalang bigla sa buhay mo para magbigay liwanag sa madilim mong buhay.
Ang sarap sa feeling.
"Hoshi-ah! Halika dito." Pagtawag saakin ni Yeonwoo na kasalukuyang nagluluto sa kusina ng bahay ko.
"Hmm... ang bango naman ng niluto ng bebe ko~" Sabi ko nang makalapit na ako sakanya. Niyakap ko sya mula sa likod.
"Mas mabango yung kakain." Sabi nya at tumawa.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at umupo na muna sa dining area. Ilang minuto lang ang lumipas ay naluto na rin ang niluluto nya kaya naghanda na ako ng plato para saaming dalawa.
Tahimik kaming kumain. Pagkatapos ay hinugasan ko na ang pinagkainan at nagpunta sa salas, umupo ako sa tabi nya.
"Anong pinapanood mo?" Tanong ko sakanya.
"Spongebob." Sagot nya habang tutok na tutok parin sa tv.
Spongebob... naalala ko nanaman kabataan namin ni Seungcheol hyung.
[ FLASHBACK ]
"Hyung!!! Ilipat mo na yung tv sa Spongebob!" Utos ni Jihoon kay Seungcheol habang si Soonyoung ay kumakain ng chips sa tabi nila.
"Bumubusangot ka pa Jihoon, mukha kang bata!" Sabi ni Soonyoung at tumawa.
"Kingina mo Soonyoung! Tigilan mo ako." Sagot ni Jihoon kay Soonyoung at inirapan.
"Weh!! Batang bakla." Tumayo si Soonyoung dahil alam nyang anytime soon ay hahabulin na sya ni Jihoon.
"Saglit lang Seungcheol hyung ah. May hahampasin lang ako ng gitara." Pagpapaalam ni Jihoon kay Seungcheol at ngumisi kay Soonyoung.
Si Soonyoung naman ay nanakbo papunta sa kwarto niya at nilock iyon.
*TOK TOK TOK*
"Hoy buksan moto! Duwag ka ba?" Parang siga na sabi ni Jihoon mula sa labas.
"Hindi!... Ayoko lang masaktan." Kala mo'y nasa drama'ng sagot ni Soonyoung kay Jihoon.
"Luh? Parang gago lang? Tumigil ka dyan. Tsaka ulol ka bahay nyo to natatakot ka saakin? Wala akong dalang gitara ngayon kasi diba nasira?" Napatawa naman si Soonyoung at binuksan ang pinto.
Agad na pumasok sa kwarto si Jihoon at ni-lock ang pinto.
"Tara nood tayo dito ng Spongebob! Ayaw magpahiram ng remote ni Seungcheol hyung eh." Yaya ni Jihoon at umupo sa kama ni Soonyoung, pinaandar nya ang telebisyon at nanood ng Spongebob. Umupo naman sa tabi ni Jihoon si Soonyoung at ngumiti sa nakababata.
[ END OF FLASHBACK ]
"Hoshi? Okay ka lang?" Tanong ni Yeonwoo saakin.
"H-ha? Okay lang ako. Hehe ano yun?"
"Hahahah! Nakatulala ka kasi. Mukhang malalim yung iniisip mo." Ngumiti s'ya.
"Hindi. Okay lang ako. May naalala lang."
Hays. Pwede bang tuluyan ko ng makalimutan ang lahat ng tungkol sakanya. Nakalimutan ko na sya eh! Ba't ba bumabalik nanaman sya sa isip ko?!
BINABASA MO ANG
mahal ka ba? ; soonhoon
Short Story【 soonhoon 】 ❝mahal mo nga, mahal ka ba?❞ 『status: completed』