Chapter 33

720 44 16
                                    

Soonyoung's POV

"Bebe, alis na ako ah." Tinanguan ko nalang si Yeonwoo at umalis na sya. Paalis na rin naman ako.

About dun sa nakita ko sya kahapon, hindi ko na sya tinanong dahil may tiwala naman ako sakanya eh.

Kinuha ko ang susi ng bahay at lumabas na. Sumakay na ako sa sasakyan ko at nagdrive na yung driver papuntang kumpanya.

Naka-formal attire ako ngayon. May meeting kasi ako with some employees kasama na sila Wonwoo doon.

Pagkadating ko sa kumpanya ay agad akong nagtungo sa opisina ko. Nadatnan ko sila Jisoo, Chan at Wonwoo na may kanya-kanyang ginagawa habang nakaupo sa sofa sa loob ng opisina ko.

"Mukhang nag-eenjoy kayo dyan ah?" Tanong ko sakanila. Tinignan lang nila ako at ibinalik na ang mga tingin nila sa ginagawa nila. Weird netong mga 'to kahit kailan.

"Sir, yung meeting po magsastart na in 20 minutes, remind ko lang po." Sabi ng isang babae na nakadungaw sa office ko. Tinanguan ko lang sya at nginitian.

"Hoy! Tara na, parang wala kayong narinig ah." Sabi ko sakanilang tatlo na nakaupo parin sa sofa. Nagulat naman sila at agad na napatayo. Lumabas na kami ng opisina at nagtungo sa conference room. Jusko sa kabilang dulo pa ng building yun.

"Hyung! Alam mo ba, nag-text saakin si Mingyu hyeong kagabi." Pagsisimula ng kwento ni Chan.

"Oh anong sabi?" Tanong ko sakanya. Nakita ko namang nagpipigil sya ng tawa. Naririnig ni Wonwoo yung usapan namin kaya sinamaan nya ng tingin si Chan.

"Hindi sya pinayagan ni Wonwoo hyeong na mag-ag ag." Sabi ni Chan saakin at humagikhik. Natawa naman si Jisoo at ako. Inirapan lang kami ni Wonwoo.

Medyo malapit na kami sa may conference room nang biglang ikwento ni Chan ang nangyari sakanila ni Yeri kagabi. Nagkabungguan daw sila at natumba si Chan sa ibabaw ni Yeri.

Inasar naman naming tatlong matatanda si Chan. Sinamaan nya kami ng tingin. Hanggang sa nakapasok kaming apat sa conference room ay tumatawa kami kaya napatingin saamin ang ibang employees sa loob, dun na kami napatahimik.

Nagsimula na ang meeting, pinagusapan lang yung tungkol sa mga artists na under ng company namin at kung anong activities nila ngayon, patapos na ang meeting kaya I announced something.

"Alam nyo naman siguro yung about kay WooLé diba? Yung sikat na producer/composer mula Amerika?" Tanong ko sa mga empleyado. Tumango sila kaya ngumiti ako ng malawak.

"Tayo ang pinili nyang pagtrabahuhan." Pag-aanunsyo ko nakita ko ang tuwa sa mata ng mga empleyado ko. Kaya sinabi kong nagpadeliver ako ng pizza at beer para magcelebrate kami. Pero para sakanila lang talaga yun, umalis na kaming apat na magkakaibigan at nagpunta doon sa Restaurant ulit dahil magkikita kita kami doon.

Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko nanamang nagbabangayan ang isang Boo Seungkwan at Kim Mingyu.

"Weh! Di ka lang pinayagan makipag-ag ag ni Wonwoo hyung eh!" Pang-aasar ni Seungkwan kay Mingyu. Agad namang natawa si Soonyoung dahil naalala nanaman nya ang kinwento ni Chan kanina.

"Edi wow! Kayo nga ni Hansol, wala pang nangyayari sainyo eh." Binelatan ni Mingyu si Seungkwan. Namula naman ang mukha ni Seungkwan sa dahilang di namin alam. Tapos ngayon, hindi nya katabi si Hansol. Si Jeonghan at Seungcheol ang katabi nya.

Ako nalang ang umupo sa tabi ni Hansol. Nakita kong medyo malungkot sya. Hay nako bata pa neto, ah. Pero pwede na rin syang gumawa ng bata. ( ͡° ͜ʖ ͡°)

"Anong nangyare sainyo ni Seungkwan?" Tanong ko sakanya. "Wala hyung hehe." Sagot nya at nag-cellphone nalang.

Sinerve na ang mga pagkain at nagsimula na kaming lumamon. Nagulat naman kami ng biglang sumigaw si Seungkwan.

mahal ka ba? ; soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon