Chapter 41

520 18 2
                                    

A week after. . .

"Wala pa ring lead kung na saan si Mr. Lee." sabi ng private investigator na kinuha namin. Napasinghal kami.

"Correction lang 'no, Ms. Lee si Jihoon." sabi ni Seokmin kaya nabatukan siya ng asawa na si Jisoo.

"This is not the right time to joke, Seokmin." sabi sa kaniya ng asawa.

"Sinusubukan ko lang naman na pagaanin ang loob niyo kahit papaano..." sabi niya at lumabas ng mansion ni Soonyoung.

Simula nung nawala si Jihoon ay nagtipun-tipon na sila sa mansion ni Soonyoung. Sobrang laki naman nito kaya kasya sila dito.

"Si Tita Jiya tumatawag." Mingyu mouthed when his phone rang. Agad kaming nagtaka.

"'Di ba nakakulong siya dahil pinatay niya yung tunay na ina nila Jihoon hyung at Yeonwoo noona?!" tanong ni Chan na sobrang nag-aalala sa pagkawala ng kapatid na si Jihoon.

"O-oo nga..." halos pabulong na sabi ni Soonyoung. Kahit na nagtataka ay sinagot ni Mingyu ang tawag.

"Oh, Jiya?" walang respetong sagot ni Mingyu sa tawag. Sinamaan lamang siya ng tingin ni Wonwoo.

"Hey, boys! Alam kong nagtitipon-tipon kayo ngayon..." agad na nabalot ng pagtataka ang mga magkakaibigan. Nagmasid-masid sila kung may camera bang nakakabit sa paligid at nahanap ni Soonyoung iyon.

Agad na sinuntok ni Soonyoung ang camera dahilan para mabasag at masira ito. Jiya chuckled creepily.

"I liked the way you punched the camera, Soon! So impressive." malanding sabi ni Jiya at pumalakpak. Napairap si Seungkwan at Jeonghan.

"NASAAN SI JIHOON?!" sigaw ni Mingyu sa cellphone.

"Gusto niyo siyang mahanap, edi hanapin niyo!" that was the last statement of Jiya and she ended the call.

Soonyoung stood up and took the phone from Mingyu. The younger stared at him with confusion.

"I-track natin ang GPS ng phone ni Jiya." sabi ni Soonyoung at iniabot sa investigator ang cellphone ni Mingyu.

Inabot ng halos bente minutos para maitrack ang GPS ngunit umiling ang imbestigador.

"I can't track down her location. It seems like she knew that you guys would track her location." ang tanging nasabi ng imbestigador. Napatango na lamang sila.

"Paano na natin malalaman kung na saan si Tita Jiya? Alam kong siya ang may hawak kay Jihoon!" tanong ni Soonyoung sa mga kasama niya ngayon.

"Gusto kong iligtas si Jihoon dahil kaibigan ko siya at isa pa may obligasyon ako na dapat gampanan bilang ama ng batang dala-dala niya." dagdag pa ni Soonyoung kaya napatingin sa kaniya si Jeonghan.

"You're saving him just because the two of you are friends and because you have an obligation to him? Hindi totoo 'yan, Soonyoung." sabi ni Jeonghan at umiling-iling.

"P-pero hyung..." pagpoprotesta ni Soonyoung.

(A/N: ayaw mo pa umamin suntukin kita! joke!)

"Mahal mo ba si Jihoon? Oh let me rephrase that, mahal mo pa rin ba si Jihoon?" tanong ni Jeonghan kay Soonyoung. The younger sighed and shook his head.

"Hindi ko alam... hindi ko talaga alam." sagot niya kay Jeonghan.

"Soonyoung, mahal mo siya." sabi naman ni Seungcheol kaya tumingin sa kaniya si Soonyoung na may halong pagtataka.

"You don't want to save him just because the two of you are friends at may obligasyon ka sa kaniya. Gusto mo siyang iligtas dahil, mahal mo siya." dagdag pa ni Seungcheol.

Unti-unti nang lumilinaw kay Soonyoung ang lahat. Unti-unti niya na ring inaamin sa sarili niya

Na mahal niya si Jihoon at hindi siya tumigil sa pagmamahal dito.

"Magsimula na tayo sa paglilibot para hanapin si Jihoon..." sabi ni Soonyoung sa mga kaibigan. Agad na napangisi si Seungcheol.

"Sa wakas, inamin mo rin sa sarili mo." sabi ni Seungcheol sa kaniya. Nginitian lang siya ni Soonyoung.

"Ano pa bang magagawa ko, pinagpipilitan niyo eh." sabi ni Soonyoung at umiling-iling.

Nung araw din na 'yun nagsimula na silang maglibot sa mga lugar na posibleng pinagdalhan ni Jiya kay Jihoon.

Si Seungkwan, Minghao, Wonwoo at Jeonghan pati si Jiseok ay naiwan na lang dahil masyadong delikado ang pinapasok nila.

"Yung bahay nila sa Busan!" sigaw ni Mingyu dahil nalibot na nila lahat pero 'di pa rin nila nahahanap ang kinaroroonan nila Jiya.

Agad silang sumakay sa van na pagmamay-ari ni Soonyoung at nagtungo sa Busan.

Hindi nila alam, sobrang kapahamakan ang nag-aabang sa kanila doon.









[ ten chapters na lang tapos na itey ]

mahal ka ba? ; soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon