Hindi lahat ng relasyon ay PERPEKTO.
Darating at darating din yung araw na magkakaroon kayo ng MISUNDERSTANDING, at hindi niyo maiiwasang mag-away ng partner niyo.
Minsan, naaayos niyo agad yung problema dahil napag-uusapan niyo ng maaga.
Pero may pagkakataon na dahil nalang din sa PRIDE, kaya tumatagal yung conflict, at habang tumatagal ay lalong lumalala at nagiging kumplikado yung problema hanggang sa humantong nalang sa hiwalayan.
BTS at GFRIEND...
Ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college.
Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon.
Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na pares, at labing-tatlong mga puso na dumanas ng matinding pagsubok.
Mga pagsubok na hindi nila inasahan.
Mga pagsubok na susukat sa tibay ng kanilang samahan bilang magkakaibigan, at pagmamahalan bilang magkaka-relasyon.
"Pagkatapos ng dilubyo ay may bagong pag-asang nakaabang."
Ngunit sa kaso ng BTS at GFRIEND...
Matapos pagdaanan ng grupo ang mga pagsubok na yun...
Maibabalik at maaayos pa kaya nito ang mga relasyong nasira?
Mga taong nagkahiwalay?
At mga pusong nasaktan?
Paano ihahandle ng dalwang grupo ang mga problema kung ang bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang kahinaan?
Hahantong pa kaya silang lahat sa HAPPILY EVER AFTER na sinasabi nila?
O tuluyan na nitong wawakasan ang magandang pinagsamahan ng lahat?
A/N: Guys! This is already the 2nd book, pero ang lahat ng mangyayari sa story na ito ay walang koneksyon dun sa book 1. Ang tanging masasagot lang nung book 1 ay kung paano silang lahat nagsimula at nagkakilala.
Ngunit para sa ikagagaan ng lahat.. TO ALL READERS NA HINDI PA NABABASA YUNG BOOK 1, kindly please read it first because I believe na hindi mabubuo ang book 2 kung walang book 1.
Sana maappreciate niyo din 'to gaya ng pag-appreciate niyo dun sa book 1.
Thank you and enjoy! (^___^)
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]
FanfictionBTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon. Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na par...