~Taehyung's POV~
Nasa isang mataas na lugar ako at malapit ng mahulog. Ramdam ko na din ang sobrang pagod ng katawan ko kaya wala na kong kalakas-lakas pa para hilahin pataas ang sarili ko. May isang kamay ang nakahawak sa 'kin, pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa nanlalabo kong paningin.
Babae: Taehyung pakiusap! Wag kang bibitaw!
Kahit may kalabuan ay pinagmasdan ko pa din ang mukha nung babae at naramdaman ko nalang bigla ang pagtulo ng luha niya. Nun ko nalamang umiiyak siya at sa puntong yun ay naramdaman ko din yung lungkot na nararamdaman niya. Hindi ko man nakikita ng malinaw ang mukha niya, ramdam ko na isa siya sa mga taong mahalaga sa 'kin.
Ako: ma-mahal kita. Mahal na mahal kita. Kung hindi man ako makaligtas ngayon... gusto kong.... ipagpatuloy mo lang ang buhay mo kahit... wala ako.
Babae: Hindi. Hindi Taehyung! Wag kang magsalita ng ganyan!
Nararamdaman kong unti-unti ng dumudulas yung kamay ko nang may mga boses akong narinig, at bago pa man makalapit yung mga nagmamay-ari ng boses na yun ay tuluyan ng dumulas yung kamay ko at nahulog ako.
~oOo~
Nagising ako mula sa masamang panaginip na yun na ramdam ko ang matinding kabog sa dibdib ko. Sa pagbangon ko ay agad kong isinandal ang ulo ko sa headboard ng kama ko. Saglit kong ipinikit ang mga mata ko para pakalmahin ang sarili ko at nang medyo humupa na yung kabog ng dibdib ko ay muli ko na iminulat ang mga mata ko.
(Ano bang meron sa panaginip na yun at madalas ko nalang mapanaginipan? Pakiramdam ko tuloy parang nangyari talaga siya sa tunay na buhay. The feeling was very familiar? At yung babae... parang... parang....... Ah awan! Naprapraning na yata ako? Pati simpleng panaginip pinag-iisipan ko pa. *sigh*)
Bigla kong naisip si Tzuyu kaya kinuha ko yung cellphone ko at tinext ko siya. Nang magreply siya sa text ko ay sunod ko siyang tinawagan. Hindi pa man nakakadalwang ring ay sinagot na agad niya.
(Phone Conversation)
Tzuyu: Hon, bakit gising ka pa?
Ako: nagising lang ako. Ikaw? Bakit gising ka pa?
Tzuyu: ah may tinatapos lang ako, patulog na din ako. Bakit ka nga pala napatawag? May problema ba?
Ako: (sabihin ko pa kaya sa kanya?) Uhm.. wala naman. Namiss lang kita
Kahit hindi ko kita ay ramdam kong napangiti ko siya sa sinabi ko. 2 days ng absent si Tzuyu sa school, dahil sa kinailangan siya ng daddy niya sa opisina nito. Siya kasi ang future heiress kaya obligado talaga siyang pumunta sa company nila everytime na ipatawag siya ng daddy niya.
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]
FanfictionBTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon. Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na par...