~Yerin's POV~
Narinig kong pumutok yung baril pero hindi sa 'kin tumama yung bala kaya muli akong napamulat at laking gulat ko nang makita kong nakikipag-agawan na si Taehyung ng baril dun sa lalaki. Agad akong naalarma at ginawa ko naman ang parte ko. Ikinaskas ko ng ikinaskas yung tali sa kamay ko sa pakong nakausli sa likuran ng inuupuan ko, at nung magawa kong maputol yung tali ay sunod kong pinagsusugod yung mga lalaki.
Bago pa man sila makabunot ng mga armas ay nauna ko na silang mapatumba gamit yung kadenang nakuha kong nakakalat. Matapos kong mapatumba yung apat na kasamahan nung lalaki ay sunod kong tinulungan si Taehyung. Muli naagaw nung lalaki yung baril at agad niya yung itinutok kay Taehyung. Bago pa man niya makalabit yung gatilyo ay mabilis kong kinuha yung upuan at hinapas ko yun sa likuran niya. Napatumba ko lang yung mga lalaki pero may mga malay pa silang lahat kaya mabilis kong tinulungan si Taehyung na makalakad at umalis agad kami sa lugar na yun.
Tumatakas kami sa gitna ng kagubatan. Medyo hirapan ako sa pag-alalay kay Taehyung dahil sa medyo iika-ika siyang tumakbo pero hindi ko iniinda ang hirap na yun, dahil masimportante sa 'kin ang makatakas kami.
Taehyung: Ye-Yerin.. i-iwan mo na kaya ako? Pampabigat lang ako eh. Walang-wala na rin naman akong lakas. Baka mahuli lang ulit nila tayo.
Yerin: ano ka ba Taehyung!? hindi kita iiwan! Magkasama tayong napunta dito kaya magkasama din tayong aalis! Kayanin mo please!
Nang maisip ko bigla ang BTS ay agad akong humanap ng matataguan para ma-contact ko sila. Agad namang sinagot ni Rap Mon yung tawag ko kaya nasabi ko agad sa kanya kung saan nila kami pwedeng puntahan. Muli na kaming nagpatuloy sa pagtakas nang makarinig kami ng mga boses nung mga kidnappers. Kayang-kaya ko naman silang labanan kaso inaalala ko lang yung lagay ni Taehyung. Medyo malala yung natamo niya kaya kinakailangan ko siyang maialis agad sa lugar na yun.
Hindi ko inaasahan na magkakamali ako ng dereksyon na patutunguhan at laking dismaya ko nang makarating kami malapit sa may bangin kung saan wala na kaming lulusutan. Naabutan kami nung mga kidnappers kaya no choice ako kundi ang harapin sila.
Lalaki: HAHA! akala niyo basta-basta nalang kayo makakatakas ha!? Pano ba yan?? Mukhang dito ko na kayo tutuluyan?
Naikuyom ko ang aking mga kamao sa sobrang pagkainis sa sitwasyon namin. Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko nang itutok niya sa 'kin yung baril. Nagulat nalang ako nang may maramdaman ako mabilis na bagay na dumaan sa may tabi ko at malakas yung tumama dun sa hawak na baril nung lalaki na ikinatalsik nito. Napatingin ako kay Taehyung at nang tanguhan niya ko ay agad kong sinugod yung mga lalaki. Nakipagpalitan ako sa kanila ng mga suntok at sipa.
Di alintana ang bilang nila na masmarami kesa sa 'kin na nag-iisa lang ay masasabi kong maslamang pa rin ako pagdating sa laban, dahil hindi nila ako nagagawang tamaan ng mga ibinabato nilang atake. Sa halip ay ibinabalik ko lang yun sa kanila o di kaya naman ay sila-sila lang din ang nagkakatamaan. Nang mapabagsak ko na yung mga lalaki ay medyo nakampante na ako pero hindi ko inaasahan na may makakalimutan ako nang balingan ko si Taehyung at makita ko siyang hostage nung tumatayong lider.
Lalaki: hanggang dyan ka nalang! (at tinutukan niya ng kutsilyo si Taehyung sa tagiliran) Hanggang diyan ka nalang kung ayaw mong gripuhan ko 'tong pinakamamahal mo!
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]
FanfictionBTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon. Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na par...