Chapter 2: "HEART BREAKING COMEBACK"

1.3K 52 4
                                    


~Eunha's POV~



After almost half a year ay nakabalik na din ako. Wala pa akong sinasabihan sa mga kaibigan ko tungkol sa pag-uwi ko. Lalo't higit ayoko muna sanang ipaalam kay Jungkook na nandito na ko, dahil hindi ko pa din alam kung paano ko siya haharapin.


(Aaminin kong natatakot ako sa kung anong posibleng mangyari kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit tiniis ko siyang wag kontakin ng halos apat na bwan. Natatakot akong harapin siya gayung alam kong pareho kaming masasaktan kapag nagkausap kaming dalawa.


Ayoko siyang saktan pero wala akong magawa. Gusto ko sanang ako nalang ang umako lahat-lahat ng sakit, pero alam ko ding hindi ko ito maitatago sa kanya habang buhay.)


Nagmamadali akong naglalakad sa mall nang hindi ko agad napansin yung taong kasalubong ko, kaya nabangga ko siya. Agad naman akong humingi ng paumanhin, pero agad din akong natigilan at tila nastatwa ako sa kinatatayuan ko nang makilala ko kung sino ang taong nabangga ko.


Siya: Eunha.


Halata sa mga mata niya ang gulat nang makita niya ko sa kanyang harapan.


Ako: Ju-Jungkook.


Walang anu-ano'y bigla nalang niya kong kinabig palapit sa kanya at niyakap niya ko ng mahigpit.


Jungkook: I miss you. (malumanay at pabulong)


Damang-dama ko sa mga yakap niya ang pananabik niya sa 'kin, at tila ganun din ako sa kanya.


(Sabik na sabik din ako sa taong nakayakap sa 'kin ngayon pero kailangan kong tiisin ang pananabik na yun, dahil hindi ko na pwedeng maramdaman yun.)


Nanatili lang akong walang kibo sa posisyon ko hanggang sa si Jungkook na din mismo ang kumawala sa yakap na yun. Wala pa ma'y parang gusto ko ng maiyak, pero pilit ko yung pinaglabanan.


Jungkook: nakauwi ka na pala? Bakit hindi ka man lang nagpasabi? Sabagay, hindi mo na nagawang sagutin yung mga tawag at chat ko sayo ng apat na bwan sa sobrang busy mo siguro?


Halata ang lungkot at disappointment sa kanyang mga mata na lalong nakapagpabigat ng loob ko sa mga oras na yun. Hindi ako nakasagot at naigilid ko ang tingin ko sa pagkaguilty.


Ako: I... I'm sorry.


Nakita ko sa gilid ng mata ko ang bahagyang pag-iba ng mood niya. Bahagya siyang ngumiti.


Jungkook: okay na. Hindi naman ako galit eh. Ang mahalaga naman ay nakabalik ka na. Na magkasama na ulit tayong dalwa.


Gusto ko na talagang maiyak sa sobrang guilty ko, kaya marahan kong kinagat ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko. Ang guilt, sakit, at kabang nararamdaman ko ay dumoble pa nang sa hindi ko inaasahang biglang pagdating ni Mingyu.

Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon