Chapter 6: "THE FLASHBACK"

1K 47 10
                                    


~Yuju's POV~



Dismissal na at palabas na ko ng campus. Sabay kami ni Hoshi pero pinauna ko na siya dahil pinuntahan ko pa si Umji sa room niya dahil dun sa hinihiram kong libro. Madalang na kami magkasabay-sabay ng mga kaibigan ko kapag uwian dahil iba-iba kami ng schedule, kaya madalas si Hoshi yung kasabay ko pauwi. Nung una panay pa ang tanggi ko na ihatid niya ko pero hindi din nagtagal ay nakasanayan ko na. May kakulitan din kasing taglay ang isang yun eh.


(Hindi nga sila gaanong nagkakalayo ng ugali ni Jimin.. Except yung sa pagiging playboy.


Aaminin ko, may charm din naman si Hoshi, may mga babae ding lumalapit sa kanya pero siya yung tipong snob sa iba pero sobrang sweet sa partner niya.


Hindi tulad ng Jimin na yun!.. Lahat nalang ng lumapit basta babae ineentertain.. ughh!.. Hanggang ngayon, naiinis pa din ako!


Pero teka... Bakit ko pa ba siya iniisip!? *sigh* Erase erase erase! Hindi na siya parte ng buhay ko kaya dapat wala na! Tsk!)


Nang makalabas na ko ng campus.. saglit akong napatigil nang makita ko si Jimin na nakatayo sa may gate. Nakita din niya ko kaya agad nagtama ang mga mata namin. Saglit kaming nagkatitigan, pero ako din yung unang umiwas ng tingin, at muli na kong naglakad nung makita ko si Hoshi na naghihintay sa 'kin. Habang palapit ako kay Hoshi ay ramdam ko na may dalwang pares ng mga mata pa rin ang nakatingin sa 'kin, at nung pasimple kong nilingon si Jimin ay nun ko nalamang tama nga ang pakiramdam ko dahil nakatingin pa din siya sa 'kin.


(Dati kapag dismissal... Sa kanya ako dederetso kapag nakita ko na siya sa labas ng room namin na naghihintay, pero ngayon.. ibang dereksyon na yung tinatahak ng mga paa ko. Kung dati palapit sa kanya. Ngayon, palayo at papunta sa iba. Pero nung makita ko siya kanina.. may part sa 'kin na gusto ko siyang puntahan pero may part din naman ng utak ko na nagsabing... "ang taong pinili mong maging bahagi nalang ng iyong nakaraan ay hindi na dapat pang pinupuntahan.")


Nang makalapit na ko kay Hoshi ay umalis na din agad kami. Pagkababa namin ng bus ay nilakad nalang namin papunta sa bahay. Habang naglalakad kami ay bigla ko nalang naramdam ang paghawak niya sa kamay ko na agad ko namang ikinatingin doon bago ko nilipat ang tingin ko sa kanya.


Hoshi: Yuju, kanina ka pa tahimik? May problema ba?

Ako: huh? Ahh... Wala. (sabay tingin ko sa ibang dereksyon)

Hoshi: naiisip mo pa rin ba SIYA?

Ako: hindi na.


Tumigil si Hoshi sa paglalakad kaya napatigil din ako.


Hoshi: Yuju magsabi ka ng totoo.


Tila ang kalmado niyang ekpresyon kanina ay naging seryoso.


Hoshi: may epekto pa rin ba siya sayo?


Muli akong napatingin sa kanya pero hindi ko agad sinagot yung tanong niya. Humakbang siya palapit saken at tiningnan niya ko sa mata.

Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon