~Suga's POV~
Nasa labas ako ng school ngayon. Absent pa rin ako. Pumunta lang ako dahil gusto kong hintayin si Umji para makausap, ngunit ang balak ko ay naudlot nang makita kong lumabas na si Umji pero kasama niya si Namjoon. Nainis na naman ako nung makita ko silang masayang magkausap, kaya naisip kong umuwi nalang din ulit sa dorm.
(Dorm)
Nakaupo lang ako sa kama ko. Nakasandal yung likod ko sa head board habang nakatuwid naman yung mga binti ko. Medyo masakit pa rin yung sprain ko kaya hindi pa talaga ako makalakad ng maayos. Tahimik lang akong nakatingin dun sa na-sprain kong paa habang nag-iisip ng mga bagay-bagay.
(Kung hindi dahil sa katangahan ko.. hindi sana ako nasasaktan ngayon. (double meaning)
Bwiset! *heavy sigh* Ngayon lang nagsisink-in sa 'kin ang lahat.
Ngayon ko gustong sisihin ang sarili ko sa nangyari.
Ngayon ko lang narealize kung gaano ako naging tanga at walang kwenta.
At ngayon ko lang din inaamin sa sarili ko na mali ako!
Na MALING-MALI AKO!
Ang tanga tanga ko!!
Paano ko nagawang pabayaan si Umji at hayaang mawala siya sa 'kin!?)
(Flashback... 2 years ago, Freshmen year)
Sobrang saya ko matapos kong matanggap sa try-outs. At ngayon kasama na kong lalaro ng varsity team namin sa labas ng school. Unang game ko bilang member ng varsity kaya walang mapaglagyan ang saya sa katawan ko. Sa makalwa na kami lalaban kaya naman pursigido ang team sa pagprapractice. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang makapaglaro at manalo.
(Syempre, unang game ko kaya dapat lang talaga na maipanalo ko yun.)
Agad ko din namang ibinalita kay Umji ang tungkol sa pagkakapasok ko sa team at tungkol na rin sa magiging laban namin. Naging masaya naman siya para sa 'kin pero napansin ko din na parang may mali, pero hindi ko nalang din binig deal yun dahil masyado akong masaya.
Mabilis lang dumaan ang araw at unang laban ko na kasama ng varsity namin. Hapon pa ang laro namin pero wala pa mang mga estudyanye ay nasa school na kami. Hindi ko na nagawang sunduin si Umji dahil masyado maaga ang call time namin. Sinabi ko yun sa kanya at naintindihan naman niya. Nagpaka abala ako sa practice. Hindi ko na din nasabayan sa lunch si Umji kaya dinalhan nalang niya ko ng lunch sa gym.
(Ang swerte ko dahil napakasupportive sa 'kin ni Umji. Ang hindi ko alam... ako yung nagkukulang sa kanya.)
Tatlong oras nalang bago ang game... Nasa school pa kami at katatapos lang namin magpractice, kaya paspasan kami ng buong team sa paghahanda para sa pag-alis nang lapitan ako ni Umji.
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]
FanficBTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon. Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na par...