Chapter 28: "SORRY"

1K 36 8
                                    


~Eunha's POV~



"Eunha, mahal pa rin kita."


Hindi ako nakapagsalita agad matapos kong marinig mula sa kanya ang mga katagang yun. Dahil dun ay tila naging password yun para muling mabuksan sa aking isipan ang mga ala-ala namin na sinubukan ko ng kalimutan.


(Oo, minsan ko ng sinubukan na kalimutan ang lahat sa 'min ni Jungkook para lang maibsan yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing sasagi sa isip ko na tapos na ang lahat sa 'ming dalwa. Na hindi ko na siya mahahawakan at mayayakap pa.)


Nanumbalik sa 'kin ang lahat pati na rin yung pakiramdam na matagal ko ding pinigilang maramdaman sa tuwing makikita ko siya. Ngunit sa halip na magpadala ay nilabanan ko ang emosyon ko na nagbabadyang kumawala sa pamamagitan ng mga luha ko. Mabilis akong napatayo at tumalikod sa kanya.


(Ang tagal ko ding hindi narinig mula sa kanya ang mga salitang yun, pero hindi dapat ako magpadala dahil ngayon ako maskailangan ni Mingyu. Ang laki na din ng naisakripisyo ko, kaya hindi ko na pwedeng bawiin pa yung desisyon na nagawa ko na.)


Aktong aalis na ko nang maramdaman kong hawakan ako ni Jungkook sa kamay ko para pigilan.


Jungkook: Eunha, sandali.


Hindi ako humarap sa kanya at nanatili lang akong tahimik.


Jungkook: Eunha just this once.. please.. hayaan mo ang sarili mong magpakatotoo.


Sunod kong naramdaman ang pagtayo niya at paglapit niya sa likod ko.


Jungkook: Eunha, hindi ko hihilingin na iwan mo si Mingyu. Ang gusto ko lang... magpakatotoo ka sa sarili mo. Tigilan na natin ang pagpapanggap na 'to. Kasi ako sa sarili ko.. aaminin kong mashirapan yung kalooban ko sa pagpapanggap ko. All this time I was just acting cold infront of you, and I will admit that I was a bad actor, dahil kahit anong lamig ng pagtrato ang iparamdam ko sayo... may mga pagkakataon pa rin na I was being a warm person kapag nakatalikod ka at malayo sa 'kin. Eunha, for the past 2 years.. wala akong ibang hinangad kundi ang kaligayahan mo. And also for the past years.. hindi mo lang alam pero lagi akong nakatingin sayo mula sa malayo. Inoobserbahan ko kung kelan ka masaya, may dinadalang problema, at malungkot. Sabihin mo ng para akong stalker pero sa ganun paraan ko lang kasi naiibsan yung lungkot at sakit. Sa tuwing nakikita kitang nakangiti.


Tila hindi na kinakaya pa ng kalooban kong marinig pa yung mga sasabihin niya that's why I cut him off.


Ako: Tama na. (humarap ako sa kanya) Tama na Jungkook, pwede ba!? Ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin mo!

Jungkook: Eunha.

Ako: I said stop!... wag mo ng guluhin pa yung isipan ko utang na loob!


Hindi na siya nagsalita. At mula sa puntong yun ay hindi ko na napigilang mapaiyak kaya agad akong muling tumalikod sa kanya.

Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon