~Jimin's POV~
Simula nung huli naming usap ay muli na namang naging iwas sa 'kin si Yuju, pero hindi ako sumuko at sinubukan ko pa rin siyang kausapin.
Ako: Yuju sandali lang.
Hinawakan ko siya sa braso pero agad siyang pumalag.
Yuju: ano ba!? Wag mo nga akong hawakan!
Ako: I'm sorry okay?
Yuju: ano pa bang kailangan mo? Pwede ba Jimin?.. TUMIGIL ka na. Tigilan mo na ko!
Ako: Yuju, please.. Gusto lang kitang makausap.
Yuju: para ano??.. Para pilitin akong makipagbalikan sayo?? Hindi pa ba malinaw sayo na matagal ng TAPOS sa 'tin ang lahat!? At ayoko ng balikan pa yung mga panloloko mo sa 'kin. HINDING-HINDI na ko magpapaloko sayo!
Ako: alam mo ba kung bakit tayo nagbreak?.. Yun ay dahil nagpadala ka agad sa bugso ng damdamin mo at hindi mo ko binigyan ng pagkakataon para makapagpaliwanag man lang. Yuju, kung hinayaan mo lang akong makapag-explain ng side ko... Hindi naman tayo maghihiwalay eh. Tayo pa rin sana hanggang ngayon.
Yuju: kung hinayaan kitang magpaliwanag noon.. Siguradong niloloko mo pa rin ako hanggang ngayon.
Ako: ganun ka na ba talaga kawalang tiwala sa 'kin??.. Na hindi mo kayang paniwalaan na nagbago ako dahil sayo?
Yuju: nagbago??.. Oo nagbago ka, dahil lalo kang LUMALA. Jimin, tama na. Nasaktan mo na ko noon, at hindi ko na hahayaang masaktan mo pa ulit ako ngayon!
Bigla akong hindi nakapagsalita kaya ginamit niyang pagkakataon yun para umalis na. Agad naman akong nakaramdam ng bigat ng loob at dahil dun ay unti-unti kong naikuyom yung kamay ko. Gusto kong magalit sa sarili ko. Wala akong ibang gustong sisihin kundi ang sarili ko lang. Alam ko naman kung gaano kalaking pagkakamali yung nagawa ko, pero hindi ko inakalang magiging ganito kagulo at kahirap ang magiging sitwasyon ngayon.
(kung pinilit ko bang ayusin noon.. Mababago ba nun ang sitwasyon ngayon? Siguro tama nga si Yerin. Kasalanan ko nga talaga kapag tuluyang nawala sa 'kin si Yuju, kaya hindi ako susuko. Aayusin ko 'to at babawiin ko siya.)
Umalis na din ako pero sa paglalakad ko ay nakasalubong ko si Jennie. Hindi ko sana siya papansinin pero agad din akong napatigil nang mahawakan niya ko sa braso.
Jennie: we need to talk.
Tiningnan ko lang siya sa mata, hindi ako nagsalita pero pumayag akong mag-usap kami. Dinala niya ko sa music room kung saan madalang puntahan ng mga estudyante.
Jennie: babe... I'm sorry.
Nanatili lang akong tahimik.
Jennie: hindi ko na ipagpipilitan yung gusto ko, dahil alam ko ng wala na talaga akong magagawa para baguhin pa yang desisyon mo. Jimin, mahal kita. Kaya hahayaan na kita sa kung saan ka talaga magiging masaya.
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]
FanfictionBTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon. Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na par...