~Author's POV~
Ganun nalang ang pagkadismaya ni Yerin sa pag-aakalang makakaalis na siya sa lugar na yun, dahil napurnada pa ito sa biglaang pagdating ni Tzuyu kasama ang mga tauhan nito. Muling nabalik si Yerin sa pwesto niya kanina na nakaupo at nakatali. Hindi inaalis ni Yerin ang tingin niya kay Tzuyu habang abala ito sa pagkausap dun sa apat na nagpalaya sa kanya. Todo hingi ng tawad naman yung apat kay Tzuyu.
Lalaki 1: patawarin niyo kami Ms. Tzuyu! Nagkamali kami!
Tzuyu: sa ginawa niyo.. pinatunayan niyo lang sa 'kin na hindi talaga dapat ako magtiwala sa inyo which is thankfully I did. Buti nalang at may plan B ako, dahil predicted ko ng mangyayari 'to.
Lalaki 2: patawad talaga Ms. Tzuyu! Patawarin niyo kami!
Walang imik na sinenyasan ni Tzuyu yung nga tauhan niya. Agad namang nagpanic yung apat nang paghahawakan sila nung mga tauhan ni Tzuyu.
Lalaki 3: te-teka... a-ano pong gagawin niyo sa 'min? Maawa kayo! pakiusap! Patawarin niyo kami!
Tzuyu: you just disappointed me. At alam niyo ba kung anong ginagawa ko sa mga tumaTRAYDOR sa 'kin??.... binabaon ko ng buhay sa lupa.
Agad nanlaki ang mga mata nung apat.
Lalaki 1: h-huh?
Tzuyu: sige na. Dalhin niyo na yang mga yan.
Bago pa makareact yung apat ay pinaghahatak na sila nung mga tauhan ni Tzuyu, at hanggang sa huli ay todo hingi sila ng tawad sa kanya ngunit balewala nalang yung sa kanya. Nang sunod na natuon ang atensyon ni Tzuyu kay Yerin ay napansin niya ang tila masamang tingin nito sa kanya.
Tzuyu: oh? bakit ganyan ka makatingin? Dahil ba yan sa naudlot mong pagtakas?? *smirk*
Yerin: tss! (sabay irap)
Lumakad palapit si Tzuyu kay Yerin.
Tzuyu: You're a smart girl Yerin, dahil nagawa mong mapabaliktad sa 'kin yung mga nauna kong inutusan, but sadly to say that I'm still SMARTER than you, dahil nagawa pa rin kitang pigilan sa plano mong pagtakas. Akala mo siguro ay ganun-ganun nalang yun?? *smirk*
Yerin: sabihin mo nga sa 'kin... bakit kailangan mo pang gawin 'to? Diba burado na nga ako sa ala-ala ni Taehyung??
Tzuyu: naisip ko kasing hindi yun sapat. Hindi sapat na hindi ka lang niya naaalala. Gusto kong makasigurado na hindi na siya babalik pa sayo, kaya napagdesisyonan kong burahin ka nalang sa mundong 'to.
Yerin: (pagak siyang natawa) Alam mo, nakakatawa ka rin eh noh? Ganun ka talaga katakot na iwanan ka ni Taehyung para sa 'kin??.. Tss!.. Sa gagawin mong yan.. lumalabas lang na masyado ka talagang desperada. Nakakaawa ka.
Hindi nagustuhan ni Tzuyu yung sinabi ni Yerin kaya nasampal niya 'to. Hindi naman yun ininda ni Yerin.
Tzuyu: ang kapal ng mukha mong kaawaan ako at sabihan ako ng desperada! Baka nakakalimutan mong hawak ko ang buhay mo ngayon? So you better be aware sa mga salitang bibitawan mo!
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]
FanfictionBTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon. Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na par...