Chapter 5: "TRAGIC DREAM"

929 42 32
                                    


~Yerin's POV~



Nandito na naman ako sa pwestong ito. Hawak ko na naman ang kamay niya. Alam kong panaginip nalang 'to pero hindi ko mapigilang hindi madala sa pangyayari na aakalain mong totoo pa rin. Nasasaktan pa rin ako. Pilit kong ginagawa ang makakaya ko para iligtas siya.


Ako: Taehyung pakiusap! Wag kang bibitaw!

Taehyung: Yerin... mahal kita. Mahal na mahal kita. Kung hindi man ako makaligtas ngayon... gusto kong.... ipagpatuloy mo lang ang buhay mo, kahit wala ako.

Ako: Hindi. Hindi Taehyung! Wag kang magsalita ng ganyan!


Muli akong nabuhayan ng loob nang sunod na magdatingan ang BTS para tumulong ngunit muli ding namatay ang pag-asang yun nang tuluyang dumulas sa pagkakahawak ko ang kamay ni Taehyung.


Ako: Taehyung!!!!!!!!!!!


Handa na ko sa pagtalon ngunit agad akong pinigilan nina Rap Mon. Nagpumiglas ako pero pinagtulungan nila akong pigilan, kaya wala na kong nagawa kundi ang tanawin nalang ang tubig na pinagbagsakan ni Taehyung habang nananalangin na sana nakaligtas pa rin siya.




~oOo~




Sa pagbangon ko mula sa pagkakatulog ko ay agad kong naramdaman ang mainit na likido na tumutulo mula sa mga mata ko. Bahagya kong hinawakan ang pisngi kong basang-basa na ng luha at mataman kong sunod na tiningnan ang kamay ko.


(Gabi-gabi nalang ba akong ganito? Sa loob ng dalwang taon... iisang pangyayari lang ang madalas na nagpapaulit-ulit sa panaginip ko. Gustuhin ko man o hindi... hindi ko kontrolado ang isip ko sa kung anong pangyayari sa buhay ko ang pwede at hindi ko pwedeng mapanaginipan.


Masyadong unfair ang buhay! Bakit kailangan kong danasin ang ganitong kalungkutan? Iisang bagay nalang naman ang hinihiling ko eh.. at yun ay ang makasama ang taong mahal ko. Yun nalang naman eh!


Pero bakit parang ipinagkakait pa sa 'kin?? Bawal ba kong sumaya? Hindi ba ko pwedeng maging masaya??)


Gusto ko pa mang matulog ulit pero nagising na ng tuluyan ang diwa ko kaya naligo na ko at nag-ready para sa pagpasok sa school. Tutal alas kwatro na rin naman ng madaling araw at 7 o'clock ang first subject ko.


(School)


Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon