~Yerin's POV~
Sinubukan kong manahimik habang nag-oobserba. Kahit masakit para sa 'kin ang makitang masaya si Taehyung kasama si Tzuyu ay tiniis ko. Dalwang subjects ko lang sila kaklase kaya naman kapag nakakatabi ko si Taehyung ay nilulubos ko na yung pagkakataon para tingnan siya ng matagal. Gustung-gusto ko siyang hawakan at kausapin pero dahil sa sitwasyon namin ngayon ay hindi ko magawa. Bumalik kasi kaming dalwa sa pagiging estranghero sa isa't-isa, kaya hindi ko na basta magawa yung dati kong nagagawa sa kanya.
Magulo pa rin para sa 'kin ang lahat dahil hindi pa naman talaga nasasagot yung mga katanungan ko sa pag-oobserba ko, kaya naman nang makahanap ako ng tyempo ay sinubukan kong kausapin si Tzuyu. Tamang-tamang nag-iisa lang si Tzuyu nang makita ko siya sa locker kaya agad ko siyang nilapitan. Ang totoo niyan.. kahit matagal na... hindi pa rin talaga kami ganung kaayos ni Tzuyu sa isa't-isa. Pakiramdam ko nga na nagplaplastikan lang kami kapag nagkakausap.
Ako: Tzuyu.
Tzuyu: oh Yerin? Bakit?
Ako: pwede ba tayong mag-usap?
Tzuyu: sure. (pangiti)
Isinara muna ni Tzuyu yung locker niya bago niya ko hinarap.
Ako: hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. May alam ka ba sa nangyari kay Taehyung? Kung bakit hindi niya ko maalala?
Tzuyu: huh? Wala. Ang alam ko lang.. Pinabayaan mo siya.
Hindi ko inasahan na maririnig ko yun sa kanya kaya saglit akong natigilan. Sa simpleng salitang binitawan niya, pakiramdam ko ang bigat ng naging dating nun sa 'kin dahilan para maguilty ako ng todo.
(pinabayaan ko siya.. Pinabayaan ko siya kaya ngayon.. Hindi na niya ko maalala)
Tzuyu: speechless??.. So tama nga ako?.. Pinabayaan mo nga si Taehyung.
Ako: (bigla akong napayuko) Hi-hindi... Nagkakamali ka. Hindi ko siya pinabayaan.
Tila nanumbalik sa 'kin ang lahat dahilan para magbadyang tumulo ang luha ko, pero pilit kong pinigilan yun. Muli kong iniangat ang tingin ko kay Tzuyu.
Tzuyu: pero ikaw ang dahilan kung bakit nangyari yun sa kanya.
Naging seryoso ang mukha ni Tzuyu at tiningnan niya ko sa mata habang halata sa kanya na ako ang sinisisi niya sa nangyari. Lalo tuloy akong naguilty kaya hindi agad ako nakapagsalita.
Tzuyu: nagparaya ako noon dahil nagtiwala ako sayong aalagaan mo siya at mamahalin ng higit sa nagawa ko, pero nagkamali ako ng taong pinagkatiwalaan dahil pinabayaan mo din siya.
Ako: hi-hindi.. Hindi totoo yan... Ma-mahal ko si Taehyu------
Tzuyu: pero pinabayaan mo siya! Kung hindi mo siya pinabayaan hindi yun mangyayari sa kanya! Hindi sana kami magkikita! At hindi ka rin sana niya makakalimutan! Kagagawan mo kung bakit siya nawalan ng ala-ala kaya magdusa ka!
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]
FanfictionBTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon. Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na par...