Chapter 24: "DESPERATION"

972 43 10
                                    

~Yerin's POV~



Ilang araw na kong hindi pumapasok sa school. Simula kasi nung araw na yun (Nung araw na iligtas ko sina Taehyung at Tzuyu) ay tila nawalan ako ng ganang pumasok at magpakita kay Taehyung. Pakiramdam ko kasi ay umaabot na ko sa limitasyon ko. Masyado ng naaapakan yung pride ko at hindi ko na rin kinakaya pang tiisin yung sakit. Ang alam ng mga kaibigan ko kung bakit ilang araw akong absent ay dahil sinabi kong may sakit ako. Ayoko na silang pag-alalahanin pa kaya masminabuti kong magsinungaling sa kanila.


(pero actually, hindi din pagsisinungaling yung ginawa ko dahil totoong may sakit din naman talaga ako. Masakit yung puso ko. *sigh*)


Sa halip na magkulong at magmukmok ako sa kwarto ay naisip kong igugol ang oras ko at ibuhos yung nararamdaman ko sa pagsasanay. Marami na sa mga tauhan ko ang napabagsak ko ngunit nananatili pa rin akong hyper kaya nagpatawag pa ko ng iba para lang makasama ko sa pagsasanay ko. Nang muli kong mapabagsak yung mga bagong dating ay bigla akong nakaramdam ng inis at pagkadismaya, kaya hindi ko napigilan yung sarili ko at nasermonan ko silang lahat.


Ako: yan nalang ba ang kaya niyong ibuga??


Ikinuyom ko ang mga palad ko tsaka ko sila tiningnan lahat ng seryoso.


Ako: Hindi kayo hinire ng pamilyang 'to para kayo mismo ang magpabagsak nito! Kung yang kahinaan niyo lang din lang ang magiging dahilan para malagay sa panganib ang pamilyang 'to ay masmabuti pang magpatiwakal nalang kayo!


Dahil sa sensitibo at seryosong aura na ibinibigay ko sa kanila ay wala ni isa sa kanila ang makatingin sa 'kin ng deretso.


Ako: kung dito palang sa pagsasanay na 'to ay ipinapakita niyo na agad ang kahinaan niyo, malamang ganyan din ang kahahantungan niyo kapag nasa actual na laban na kayo, and worse... baka masmasaklap pa diyan ang mangyari sa inyo.


Pagkatapos nun ay nagsimula na kong maglakad paalis ng field, pero bago ko tuluyang lisanin ang lugar na yun ay muli ko pa munang hinarap yung mga tauhan ko para magbigay ng istriktong bilin.


Ako: simula sa araw na 'to.. dadagdagan ko ng dalwang oras ang training niyo. (sunod kong binalingan yung isa kong tauhan na siyang inatasan ko para sa pagsasanay sa mga tauhan namin) At ikaw. Ikaw ang nakatoka sa pagsasanay ng mga yan hindi ba?

Tauhan: opo, princess.

Ako: pwes dagdagan mo ng tatlong beses na ulit ang difficulty level ng pagsasanay nila, dahil hindi aari sa 'kin yung naging resulta ng pagsasanay ngayon.

Tauhan: sige, masusunod.

Ako: (muli kong binalingan yung mga gangsters) Sa susunod na ganyan pa din ang kalabasan ng laban niyo... hindi na ako magdadalwang-isip na tapusin ang mga buhay niyo. Nagkakaintindihan ba tayo? (paseryoso)

Lahat: oo princess! Maliwanag!


Kinagabihan nang maisip kong maglakad-lakad. Nabigla nalang ako nang wala sa isip kong dinala pala ako ng mga paa ko sa tapat ng dorm nina Taehyung. Napatingin ako sa taas sa ikatlong palapag at nakita kong bukas ang ilaw ng isa sa kwarto nito. May nakita akong anino na nakatayo sa may bintana, at laking gulat ko nang biglang dumungaw mula rito si Taehyung. Nagtago ako sa pinakamalapit na poste at mula doon ay lihim kong pinagmasdan ang nakadungaw na si Taehyung. Base sa pagkakaobserba ko sa kanya ay tila may malalim din siyang iniisip.

Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon