Chapter 27: "LOVE IS NOT OVER"

1K 47 13
                                    

[A/N: Wag kayong malilito ah? Hindi 'to flashback pero naganap ang chapter na 'to 1 month before mangyari yung pagkidnap kay Yerin. Hehe! Nagjump lang ako ng scenes tutal sunud-sunod na yung chapter ng Taerin eh.]





~Eunha's POV~



Ilang araw ko ng napapansin ang madalas na pagsakit ng ulo ni Mingyu, at kaninang umaga ay hindi niya nagawang pumasok. Naintindihan ko naman yung dahilan niya, pero nagulat nalang ako at sobrang nag-alala nang malaman kong bigla siyang isinugod sa ospital. At dahil sa kalagayan ni Mingyu ay kinailangan kong umabsent sa panghapon kong klase. Agad akong nagpunta sa ospital na pinagdalhan sa kanya na hindi din naman kalayuan sa school. Nang makarating ako ng ospital ay hindi na ko umalis pa sa tabi niya.

Tahimik lang akong nakaupo sa may tabi ng kama ni Mingyu. Mataman ko lang siyang pinagmamasdan habang hawak ko ang isa niyang kamay, at sa puntong yun ay hindi ko mapigilang hindi malungkot at masaktan sa nalaman at nakikita ko. 


(Mingyu bakit?.. Hindi ko inexpect na mangyayari 'to ng ganito kaaga.)


(Flashback... 2 years ago)


Pumunta ako ng States with my parents dahil gusto nilang iintroduce sa 'kin yung business namin dun. Balak na din sana nila akong pag-aralin dun ng college pero hindi ako pumayag, so I just stayed there for only 6 months dahil balak ko din talagang bumalik agad para ipagpatuloy yung pag-aaral ko kasama si Jungkook. Upon staying with my parents.. they got to properly introduce our business there and they also taught me some starterheads on how to run it, and at the same time.. I also got to unexpectedly met my childhood friend na si Mingyu.

Akala ko makakabalik ako ng maaga dahil mabilis ko lang din natutunan yung mga basic infos about sa business namin, pero hindi ko inasahan na sunod nila akong ipapasok sa isang surprised arranged marriage. Nung una, syempre I got disappointed and hurt, because I felt like they deceived and fooled me for some reason, at lalo ko pang ikina-surprised nang ipakilala nila sa 'kin si Mingyu as my future fiance.


Ako: ma, paano niyo nagawa sa 'kin 'to!? Akala ko ba okay na sa inyo si Jungkook? At akala ko ba settled na tayo sa usaping 'to!?

Mommy: Eunha, makinig ka muna sa 'min. Please?


Hindi ako umimik at hinintay ko ang sunod na sasabihin nila.


Mrs. Kim: Eunha-sshi, may dapat kang malaman tungkol sa anak ko.

Ako: a-ano po yun?

Mrs. Kim: may cancer si Mingyu.


Nakita ko ang pagiging emosyonal ni Mrs. Kim matapos niyang banggitin yun habang ako naman ay halatang nagulat sa sinabi niya.


Mrs. Kim: may brain cancer ang anak ko Eunha.

Ako: ke-kelan pa po siya nagkaron ng ganung findings? A-alam po ba yun ni Mingyu?? (habang hindi makapaniwala)

Mrs. Kim: Oo. Alam niya. And last year lang din namin nalaman ang tungkol dun. Nung bigla nalang siyang pagsaktan ng ulo at mawalan ng malay.

Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon