Chapter 22: "LOVE IN TRIANGLE"

1K 45 13
                                    


~Author's POV~



Ilang araw na ang nakakalipas nang mapansin ni Yerin ang tila pagbabago sa pagtrato ni Taehyung sa kanya. Kung dati ay napakalamig nito sa kanya... ngayon naman ay halos bumaliktad na ang kanilang sitwasyon na dalwa, dahil si Taehyung na ngayon yung palaging umaapproach at kumukulit sa kanya. Hindi lang gaanong makareact ng maayos si Yerin dahil palagi ding nakakontra si Tzuyu sa kanilang dalwa.


(Asungot kumbaga)


Nakaupo si Yerin sa damuhan sa field ng school nila habang nanunuod ng mga players na nagprapractice nang lapitan siya ni Taehyung.


Taehyung: bakit nag-iisa ka na naman? Talaga bang loner ka?


Dahil sa nakaupo ay mabilis lang na inangatan ng tingin ni Yerin si Taehyung at agad na din niyang ibinalik yung tingin niya sa mga players sa field.


Yerin: ano bang pakialam mo? (paseryoso)


Hindi pinansin ni Taehyung yung sinabi ni Yerin at naupo siya sa tabi ni Yerin. Nang mapansin naman ni Yerin na hindi kasama ni Taehyung si Tzuyu...


Yerin: Hindi yata nakabuntot sayo ngayon yung girlfriend mo? (habang hindi inaalis ang tingin niya sa field)

Taehyung: Hindi pumasok si Tzuyu ngayon dahil pinatawag siya ng daddy niya.

Yerin: ganun ba?


Saglit natahimik si Yerin. Nagsalita lang ulit siya nang maisip na niya yung tanong niya.


Yerin: May tanong ako.

Taehyung: ano yun? (sabay tingin kay Yerin)

Yerin: (nun lang niya binalingan si Taehyung) Bakit parang ang bait mo ata sa 'kin ngayon?? Yung totoo.. anong nakain mo?

Taehyung: (bahagya siyang natawa) Bakit? ayaw mo ba na ganito ako sayo??

Yerin: hindi naman, pero parang ang weird lang kasi sa pakiramdam?

Taehyung: huh?.. ako? Weird??

Yerin: hindi ko sinabing ikaw. Ang sabi ko WEIRD SA PAKIRAMDAM. Naninibago kasi ako.

Taehyung: ahh... Sorry kung biglaan ah? Ngayon ko lang kasi narealize na dapat pala maging mabait ako sayo.

Yerin: huh? bakit??


Medyo matagal ding tiningnan ni Taehyung si Yerin bago siya nag-iwas ng tingin at bumaling sa field.


Taehyung: wala lang. Feel ko lang. Yun kasi ang sinasabi ng instincts ko eh.

Yerin: ahh... (instincts lang ba??.. Sana pati puso mo yun din ang sinasabi *sigh*)


Wala ng sunod na nagsalita sa kanila pagkatapos nun at tahimik nalang nila pareho na pinanood yung mga nagprapractice sa field.

Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon