Chapter 3: "COLD WAR"

1.3K 60 7
                                    

After 2 years...



~Yuju's POV~



Katatapos lang naming mag-lunch nina Yerin at Hoshi. Papunta na sana kami sa next class namin nang may bigla akong maalalang kunin sa locker ko.


Ako: Yerin. Hoshi. Umuna na kayo, may kukunin lang ako saglit sa locker ko.

Yerin: ah okay.

Hoshi: teka, samahan na kita.

Ako: wag na. Madali lang naman ako eh. Geh na.

Hoshi: sure ka ha? mabilis ka lang?

Yerin: Hoshi, walang kikidnap diyan sa "girlfriend" mo, kaya wag kang ano diyan.

Hoshi: baka kasi-------

Yuju: sige na, una na kayo. Sunod din agad ako.


Nauna na sila sa classroom at dumeretso naman agad ako sa locker. Nang makuha ko na yung kailangan kong libro ay isinara ko na din agad yung locker ko, pero aking gulat ko nang biglang sumulpot si Jimin sa harapan ko.


Jimin: hi. (pangiti)


Nag-alangan ako kung babatiin ko din ba siya pabalik, kaya sa halip na sagutin ko yung bati niya ay isang irap ang itinugon ko sa kanya. Mukhang hindi naman niya pinansin yun at lalo pang lumaki yung ngiti niya. (Parang nang-aasar?)


Jimin: hindi mo ata kasama yung boyfriend mo?

Ako: hindi sa lahat ng oras ay kailangang kasama ko siya. (poker face)

Jimin: sabagay, tama ka.

Ako: bakit ikaw, hindi mo din kasama yung "girlfriend" mo?

Jimin: si Jennie? Nag CR siya eh, hindi ko naman siya pwedeng samahan dun diba?

Ako: (tss! Perv talaga!)


Inirapan ko nalang ulit siya. Tila parang may biglang dumaang anghel at pareho kaming natahimik. Nakatingin lang kami sa isa't-isa pero nang magsimula na kong makaramdam ng pagkailang ay ako din ang unang bumitaw sa tinginan naming dalwa.


(Mahigit isang taon na kaming wala pero aaminin kong may mga ganitong epekto pa rin siya sa 'kin.) 


Nagsimula na din akong mabwiset sa prisensya niya, kaya naisip ko ng umalis. Paalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.


Jimin: Yuju, teka lang.


At dahil dun ay natigilan ako at muli akong humarap sa kanya.


Ako: Ano?

Jimin: galit ka pa rin ba sa 'kin?


Hindi agad ako sumagot dahil hindi ko inasahan yung tanong niyang yun. I compose myself bago ako nagsalita.

Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon