~Author's POV~
Nakaupo si Taehyung sa labas ng OR kung saan inooperahan si Yerin. Tahimik lang siyang naghihintay ngunit bakas sa kanya ang labis-labis na pag-aalala sa kalagayan ng babaeng mahal niya. Ilang minuto pa ang lumipas nang lumabas na yung doktor na in-charge sa operasyon ni Yerin, kaya naman agad tumayo at lumapit dito si Taehyung upang alamin ang resulta.
Taehyung: doc, kamusta po yung girlfriend ko?
Malungkot siyang tiningnan nung doktor at sunod na bahagyang umiling bilang pagsagot.
Doctor: ipagpaumanhin mo, ngunit ginawa na namin ang lahat pero sadyang hindi na kinaya pa ng katawan niya yung matitinding pinsala na natamo niya.
Marahang tinapik nung doktor ang balikat ni Taehyung bago ito tuluyang umalis. Dahil sa masamang balita na kanyang nalaman ay tila biglang gumuho ang mundo ni Taehyung. Hindi agad siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan habang pilit niyang inaabsorb sa kanyang buong sistema yung balita, na wala na ang babaeng mahal niya.
Taehyung: hindi. Hindi totoo 'to. Hindi siya pwedeng mamatay. (halos bulong nalang)
Nang magawa ng makagalaw ni Taehyung ay bilisan siyang pumasok ng OR upang siguraduhin yung sinabi nung doktor, baka kasi mamaya ay pina-prank lang siya nito at ang pasimuno nun ay si Yerin. Agad napatingin kay Taehyung yung mga nurse. Wala ng nagawa ang mga ito nang mabilis na nakalapit si Taehyung sa kama kung saan may nakahigang katawan na natatakluban na ng puting tela. Tila nanginginig na dahan-dahang binuklat ni Taehyung yung tela upang silipin kung si Yerin nga talaga ang nakahiga na wala ng buhay dito. Nang tuluyan ng matanggal ni Taehyung yung puting tela at makita ang taong nakahiga ay dun na siya tuluyang bumigay. Agad na kumawala sa kanya ang matinding emosyon ng sakit at paghihinagpis na pinipigilan lang niya kanina. Wala na siyang pakialam kung makita siyang umiiyak na parang bata ng mga nurse na nandun.
Taehyung: Yerin!!! HINDI!!!
~oOo~
(Now Playing >> Anatani Aitakute (Missing You) by Seiko Matsuda)
Malakas ang ulan ngunit hindi yun naging hadlang upang hindi makapunta sa libing yung mga taong malalapit at mahahalaga sa kanya. Ang lahat ay nakasuot ng itim bilang sign ng pakikiisa nila sa pagdadalamhati ng pamilyang namatayan. Samantalang bukod tangi namang nakasuot ng puti ang pamilya niya.
Present sa libing niya sina Sojung, Yuju, Umji, Sin Bi, at Eunha kasama ang kanilang mga partners maliban nalang kay Taehyung na mag-isang pumunta. Nababalot ng katahimikan at kalungkutan ang buong sementeryo. Walang ibang maririnig kundi ang paghikbi ng ilang mga kamag-anak nila, at ang may kalakasang pagpatak ng ulan na siya namang dumadagdag pa lalo sa malungkot na ambiance ng lugar.
![](https://img.wattpad.com/cover/121534806-288-k875286.jpg)
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]
Fiksi PenggemarBTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon. Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na par...