Chapter 17: "HER FACE"

1K 48 14
                                    

~Author's POV~



Magkasama sina Jennie at Jimin sa isang bar. Panay lang ang inom ni Jimin habang pinagmamasdan lang naman siya ni Jennie. Kanina pa nag-iinom si Jimin kaya mahahalata na sa kanya na medyo nakakainom na siya.


Jennie: babe, let's go home? lasing ka na.

Jimin: hindi. Kaya ko pa.


Bigla namang may naisip na iopen na topic si Jennie.


Jennie: babe, are you really going to do it?


Agad napatingin sa kanya si Jimin.


Jimin: do what?

Jennie: ang makipagbalikan kay Yuju.


Uminom muna si Jimin ng isang shot bago siya sumagot.


Jimin: yun naman talaga ang plano diba? kaya tayo nagpanggap?


Biglang nakaramdam ng lungkot si Jennie. Hindi na kasi niya maikakaila sa sarili niya na lumalim na yung pagmamahal na meron siya para kay Jimin. Nung pumayag siya na magpanggap sila ni Jimin ay sinabi niya sa sarili niya na hindi na ulit siya mafo-fall sa ex niya, dahil aware na siya sa kung gaano ito ka-playboy. Pero habang tumatagal ay unti-unti niyang nakikita yung pagbabago ni Jimin, at dahil madalas silang magkasama ay di niya aakalaing lalalim na naman yung nararamdaman niya para sa binata. Nung una ay nagpapanggap lang siyang sweet kay Jimin, pero nung tumagal ay naging natural na ang sweetness niya dito lalo na nung maramdaman niyang tila natural din yung ipinapakitang sweetness sa kanya ni Jimin. Biglang napaiwas ng tingin si Jennie kay Jimin at bahagya siyang napayuko.


Jennie: pero pano naman ako? (pahina)

Jimin: huh?

Jennie: Paano na ako Jimin? Kasi... minamahal na naman kita eh.


Sa pag-angat ng tingin ni Jennie kay Jimin ay bahagyang nagulat si Jimin nang makita niyang lumuluha si Jennie.


Jimin: bakit ka umiiyak?

Jennie: Jimin, pwede bang ako nalang ulit?

Jimin: Jennie?? (pakunot noo)

Jennie: akala ko kasi hindi na ko maiinlove ulit sayo eh, kaya pumayag ako sa kagustuhan mong fake relationship. Pero Jimin ang hirap din palang makipagkasundo sa EX mo, kasi kahit anong pigil ko sa sarili kong ma-fall ulit sayo.. nafall pa rin ako eh! At ngayon... minamahal na naman kita.

Jimin: Jennie...

Jennie: Jimin alam mo ba, gustung-gusto ko sayong sabihin na wag mo nalang gawin yung balak mo. Masaya na naman tayo diba? Ako nalang ulit pwede ba yun??

Jimin: Jennie... I respected you, pero... alam mo naman kung sino talaga yung mahal ko diba?

Jennie: Jimin, sa loob ba ng 1 year and two months na yun.. hindi mo ko TOTOONG minahal kahit konti??

Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon