~Yerin's POV~
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Sa pagbangon ko ay agad kong inilibot ang aking paningin at wala akong ibang nakita kundi isang napakalawak na damuhan. May nakikita din naman akong mga magagandang bulaklak, pero bukod dun ay wala na. Nang makatayo na ko ay naisip kong maglakad-lakad muna, at sa paglalakad ko ay may nakita akong isang malaking puno. Masasabi kong malaki talaga ito dahil malayo palang ako ay kitang-kita ko na agad ito, at yun lang din yung bukod tanging puno na nakatayo sa gitna ng napakalawak na damuhan. Nacurious ako kaya pinuntahan ko yung puno. Nang makarating na ko ay pinagmasdan ko muna ito saglit.
(hmm... wala namang kakaiba sa punong 'to. Pero nakakamangha lang dahil ngayon palang ata ako nakakita ng ganito kalaking puno?)
Abala ako sa pagtingin sa puno nang may marinig akong magsalita na babae.
Siya: anak.
Agad akong napalingon sa nagsalita at bahagya akong nagulat nang hindi ko inaasahang makita si mama.
Ako: ma?.. Mama!
Maluha-luha akong lumapit sa kanya at yumakap ng mahigpit.
Ako: mama! miss na miss na kita!
Mix emotions ng tuwa at lungkot yung naramdaman ko, at hindi ko na din kinaya pa kaya tuluyan na kong napaiyak.
Mama: (hinagod hagod niya yung likod ko.) Alam ko. Alam ko anak.
Nang kumalas ako sa yakap namin ay agad pinunasan ni mama yung luha ko gamit ang daliri niya. Nang mahawakan niya yung mukha ko ay agad kong naramdam ang init ng palad niya, kaya lalo ko lang din naramdaman yung naging sobrang pangungulila ko sa kanya.
Mama: Yerin, patawarin mo ko kung kinailangan kitang iwan.
Yerin: Ma. (muling tumulo ang luha ko)
Mama: Sshh... tahan na.
Yerin: ma, isasama mo na ba ko?
Mama: (ngumiti siya ng tipid) Gusto ko mang isama ka, pero hindi pa ito ang tamang panahon para sayo.
Yerin: ano pong ibig niyong sabihin?
Mama: ang mga kaibigan mo, ang papa mo, at lalo't higit yung lalaking mahal mo. Hindi ba sila sapat na dahilan para hindi pa kita isama sa ngayon?
Bigla kong naisip ang buong barkada, ang BTS at Gfriend, si papa, at si Taehyung.
(Hindi ko sila pwedeng iwan ng basta-basta. Ayoko silang masaktan lalo na si Taehyung. Paano nalang siya kapag nawala ako? Masasaktan siya ng husto.)
Muli akong tumingin kay mama nang bumalik ako sa ulirat ko.
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]
Hayran KurguBTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon. Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na par...