~Yerin's POV~
Tila mag-iisang minuto na ata akong pakurap-kurap lang habang nakatingin sa nakakagulat at magandang eksenang nakikita ko.
(Talaga bang totoo 'tong nakikita ko at hindi ako nananaginip? Totoo ba talagang andito siya ngayon na buhay at masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya?? Hindi ako makapaniwala. Buhay siya. Buhay si Taehyung! Buhay ang mahal ko at nagbalik na siya!)
Nabalik ako sa ulirat ko nang kunin ng mga kaibigan ko ang atensyon ko.
Umji: Yerin, okay ka lang?
Eunha: parang nastatwa na ata siya?
Yuju: titingin ka nalang ba dyan??
Sin Bi: wala ka bang balak lapitan?
Sojung: I'm sure na miss na miss mo na siya.
Sa mga sinabi nilang lima, kay Sojung ako napatingin.
(Tama siya. Miss na miss ko na talaga si Taehyung, pero hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan. Hindi ko alam kung paanong pangangamusta ang sasabihin at gagawin ko.)
Yuju: puntahan mo na kaya!
Bahagya akong itinulak ni Yuju paunahan. Medyo nabigla ako sa ginawa niya pero hindi na din ako nakakontra pa.
Umji: Go girl!
Tiningnan ko silang lima at pagkatapos ay huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad palapit sa BTS. Sandaling natigil at agad napatingin sa 'kin ang BTS nang makita nilang papalapit ako. Medyo tumabi pa sina J-Hope at Jimin para bigyan ako ng daan. Nang nasa harapan na ko ni Taehyung ay tila magkakahalong pananabik, saya, at kaba ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko din ay maiiyak ako ano mang oras dahil sa magkakahalong emosyon na nararamdaman ko.
(Sa wakas! Dumating na din ang araw na hinihintay ko. Natapos din ang dilubyo at pighating dinanas ko sa mga panahong wala siya. At masayang-masaya ako dahil dinulog ng Diyos ang panalangin ko na sana buhay siya. Sa wakas Taehyung, magkasama na ulit tayo.)
Agad din akong nabalik sa ulirat ko.
Ako: Taehyung.
Sa simpleng pagbanggit ko palang ng pangalan niya ay tila dumoble na ang kabang nararamdaman ko. Aaminin kong umaasa akong bilang tugon sa pagbanggit ko sa pangalan niya ay ngingitian niya ko at yayakapin, pero hindi yun nangyari. Nanatili lang blangko ang ekspresyon ng mukha niya.
Taehyung: sino ka?
Biglang naging awkward ang paligid matapos niyang sabihin yun. Kahit ang mga ekspresyon ng mukha ng BTS ay biglang nagbago at tila parepareho silang nagulat sa naging tanong ni Taehyung. Agad naman akong nakaramdam ng kirot sa loob ko at disappointment sa unang mga salita na sinabi niya sa 'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/121534806-288-k875286.jpg)
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]
FanfictionBTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon. Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na par...