(Main BGM > > Lie by Jimin of BTS)
~Yuju's POV~
Inakit akong kumain sa labas ni Hoshi at pagkatapos ay namasyal kami sa City. Habang sa paglalakad namin ay hindi namin inasahang makakasalubong namin sa daan sina Jimin at Jennie. Bigla kaming napatigil ni Hoshi at ganun din naman yung dalwa nina Jimin.
Jimin: uhm.. oh? kayo pala? (pangiti)
Medyo nagtaka ako sa tila friendly aura na ipinapakita ni Jimin, pero nahalata ko din agad na plastik lang yung mga ngiti niya. Tinanguhan lang naman siya ni Hoshi samantalang nanatili lang akong nakatingin sa kanila. Agad ko ding napansin ang tila bahagyang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Jimin nung bumaba yung tingin niya sa mga kamay namin ni Hoshi. Nun ko lang din narealize na magkahawak nga pala kami ng kamay ni Hoshi. Bibitaw sana ako sa kanya pero naramdaman kong lalo pa niyang hinigpitan yung kapit niya sa kamay ko. Nang muli akong tumingin kay Jimin ay nakangiti na ulit siya.
Jimin: Mukhang nagde-date din kayo ah? (pangiti sabay hawak sa kamay ni Jennie)
Ako: ah.. kumain lang kami. Pauwi na rin kami.
Jimin: ah ganun ba? (tumingin siya sa wrist watch niya) Maaga pa ah? (Muli siyang tumingin sa 'min) Ah! alam ko na!.. Gusto niyo bang magdouble date??
Hoshi: hindi na. Next time nalang sigur------
Ako: sige.
Nagtataka akong tiningnan ni Hoshi. Sinulyapan ko lang siya at agad na din akong tumingin kina Jimin.
Jimin: payag kayo??
Ako: oo, okay lang.
Wala na ring nagawa si Hoshi sa naging desisyon ko. Nagdouble date kaming apat. Napagpasyahan naming mag-mall. Nanood kaming apat ng sine.
(Sa sinehan)
Habang abala sa panonood ang lahat ay hindi ko naman mapigilang magpasulyap-sulyap sa gawi nina Jimin.
(Noon gawain din namin ang manood ng sine ni Jimin bilang pampalipas oras, lalo na kapag mahaba yung oras ng vacant namin. Tapos minsan inaaway ko siya kapag nalalaman kong sinasadya niyang umabsent sa next subject niya dahil gusto niyang tapusin yung movie.)
Nang mapatingin sa gawi ko si Jimin at magkahulihan kami ng tingin ay agad akong umiiwas ng tingin at patay-malisyang muling bumaling sa screen.
Pagkatapos naming manood ng sine ay pumunta naman kami sa arcade. Naglaro kami ng kung anu-ano, pero sa paglalaro namin ay madalas kong mahuli si Jimin na nakatingin sa 'kin. Sa tuwing magtatama ang mga mata naming dalwa ay ako din yung unang umiiwas ng tingin. Abala si Hoshi sa paglalaro dun arcade machine kaya naisip kong maglaro ng akin. Pumunta ako sa basketball at hindi ko inasahang maglalaro din dun si Jimin.
![](https://img.wattpad.com/cover/121534806-288-k875286.jpg)
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]
FanfictionBTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon. Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na par...