~Author's POV~
(Main BGM >> Spring day (piano version) by BTS)
Walang permanente sa mundo. Mapa bagay, pangyayari, at kahit tao. Lahat ng yun ay mawawala, lilipas, at aalis sa buhay na 'tin. Nasa sa tao nalang din siguro kung hahayaan nalang ba niyang mawala yun sa buhay niya o gagawa siya ng paraan para manatili ito sa kanya. Ngunit may mga bagay at tao na sadya talagang nakatadhanang manatili at mawala.
Tulad nalang sa relasyon. Hindi habang buhay ay maayos, payapa, at masaya lang ang pagsasama ng dalwang tao. Darating at darating din talaga yung oras na may mga bagay kayong pagtatalunan at pag-aawayan dahil sa magkaiba niniyong pananaw ukol dito. At ang pagtatalong yun ay parte lamang ng pagsubok na inyong pagdadaanan. Mga pagsubok na darating nang hindi niyo inaasahan.
Ang pagkakaroon ng conflict sa relasyon ng isang couple ay normal lang. Ang lahat ay dumadaan sa ganitong stage, sapagkat dito masusukat ang tibay at tatag ng isang relasyon. Kadalasan ay ito din ang nagiging dahilan kung bakit lalong tumatatag at tumatagal ang pagsasama at pagmamahalan ng dalwang tao, dahil sa nagsisilbi itong wake-up call nila sa tunay nilang nararamdaman para sa isa't-isa.
...
BTS and GFRIEND after Highschool graduation...
Masaya nilang winakasan ang buhay highschool nila, ngunit hindi nila aakalaing magiging hindi ganung kaganda ang salubong sa kanila ng College life nila.
Biglaan ang naging paghihiwalay ng landas ng dalwang grupo, ngunit nanatili silang magkakasama sa iisang unibersidad.
Maraming nangyari sa kanila kung kaya't ninais nilang maghiwa-hiwalay upang mabigyan ng ganap na panahon ang kanilang mga sarili.
Masyadong masakit para sa kanila ang mga nangyari sa unang taon nila at hindi nila gugustuhing magkasakitan pa lalo sila, kaya may ilan sa kanila ang nagdesisyon na makipaghiwalay sa kani-kanilang mga kapareha.
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]
FanficBTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon. Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na par...