~Author's POV~
Sinubukan ng simulan ni Yerin ang plano niyang maibalik ang ala-ala ni Taehyung sa kanya sa pamamagitan ng pagsisimula niya dun sa una nilang pagkikita.
(Sa klase)
May ipinapasulat ang professor nila sa buong klase, at sa puntong yun ay naisip ng gawin ni Yerin ang unang hakbang niya para sa plano niya. Bumwelo muna siya bago niya kausapin si Taehyung.
Yerin: hoy. Transferee ka diba?
Medyo inangasan niya ang pagsasalita dahil ginagaya niya si Taehyung noon. Agad namang nangunot ang noo ni Taehyung sa pagkakaapproach sa kanya ni Yerin.
Taehyung: oo. Bakit?
Initsahan ni Yerin ng notebook si Taehyung sa lamesa nito na ikinataka pa ulit ni Taehyung.
Yerin: ipagkopya mo ko. Gisingin mo nalang ako kapag tapos ka na.
Sunod nun ay umub-ob na siya sa lamesa niya, pero babago palang niya iyuyuko yung ulo niya nang pigilan siya ni Taehyung.
Taehyung: at sino ka para utusan ako? Hindi ka presidente at hindi mo ko sekretarya para sundin ka. Wag kang tamad, kaya ikaw magsulat niyan.
Initsa pabalik ni Taehyung kay Yerin yung notebook niya at nasalo naman niya ito. Sa puntong yun ay napayuko nalang si Yerin at nasabi niya sa sarili niyang FAILED siya sa plano niya, pero hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa.
Yerin: (okay plan B!)
(Canteen)
Kasama ni Taehyung ang mga kaibigan na kumakain nang biglang may magbagsak ng notebook sa harapan niya. Tiningnan niya si Yerin ng matalim.
Taehyung: ano na naman bang kailangan mo?
Yerin: dahil hindi mo ko ipinagkopya.. Kailangan kitang parusahan.
Taehyung: at bakit mo naman----
Hindi naituloy ni Taehyung ang sasabihin niya nang makatanggap agad siya ng malakas na suntok mula kay Yerin na ikinatumba niya sa upuan niya. Nagulat ang lahat sa nangyari. Maging ang BTS ay nanlaki din ang mga mata sa ginawa ni Yerin. Agad nilapitan nina Jimin at Jungkook si Taehyung para tulungang makatayo.
Jungkook: V, ayos ka lang?
Tiningnan ng masama ni Taehyung si Jungkook.
Taehyung: ikaw kaya ang suntukin ko sa mukha? Maging okay ka pa kaya? (habang halata ang inis sa tono)
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]
FanficBTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon. Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na par...