Chapter 20: "TRUTH & LIES"

1K 47 16
                                    

~Taehyung's POV~



Nasa dorm lang ako at maghapon akong nagkulong sa kwarto ko. Wala akong ganang lumabas dahil abala ako sa pag-iisip ng mga bagay-bagay. At kahit pa sumasakit na yung ulo ko ay hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iisip, dahil hanggang ngayon ay nananatili pa ding magulo para sa 'kin ang lahat.


(ano bang nangyayari sa 'kin?.. Nung nasa ibang bansa pa ko, mabilis ko nalang naalala yung mga bagay na nawala sa memorya ko, pero ngayon... Bakit parang hirap na hirap akong alalahanin ang isang bagay na nananatiling kulang sa ala-ala ko?) 


Muli kong kinuha yung litrato namin ni Yerin na itinago ko sa drawer ko, at mataman ko iyong pinagmasdan. 


(hindi ko akalain na masaya ako sa picture na ito na kinunan kasama siya.) 


Humiga ako sa kama ko habang pinagmamasdan ko pa din yung litrato naming dalwa ni Yerin. 


(Kung pagbabasehan ko yung mga sinabi sa 'kin ni Tzuyu ay masasabi kong tugmang-tugma ang mga yun sa mga naalala ko, pero kung pagbabasehan ko naman ang mga nalaman ko sa barkada... doon ako mismo naguguluhan.)


(Flashback)


Matapos kong tanungin si Yerin at malaman sa kanya ang tungkol sa litratong natagpuan ko sa bahay ay sunod ko kinausap ang barkada.


Rap Mon: Oh V? Bigla kang nagpatawag ng meeting? May problema ba?


Sa halip na sumagot ay inilapag ko sa gitna ng lamesa yung litrato para makita ng lahat, at agad namang natuon ang tingin nila sa litrato.


Jungkook: teka.. kayong dalwa ni Yerin yan ah?

J-Hope: ooh! Ang sweet! Naks! Akala ko ba hindi mo siya maalala? Pero bakit may litrato kayong dalwa? yiie! (habang may panuksong ngiti)


Tiningnan ko ng masama si J-Hope dahilan ng biglang pagtikom niya ng bibig, at pagkatapos ay muli ko na ding ibinalik yung atensyon ko sa kanilang lahat.


Suga: base sa kuha niyong dalwa dito.. halatang nung highschool pa kinuha yang litratong yan.

Ako: tinanong ko na si Yerin tungkol sa litratong yan, pero hindi ko lubos magawang paniwalaan yung sinabi niya.

Rap Mon: V.. (sabay hawak sa balikat ko) We all know that you're not the type to trust someone easily. Lalo na kung stranger siya sayo. But at this point.. I'm telling you that you should trust Yerin, dahil hindi na siya iba sa 'tin, lalo na SAYO.

Jimin: tama siya bro. Sa kanilang dalwa ni Tzuyu.. si Yerin dapat yung pagtiwalaan mo. Hindi naman sa sinisiraan namin si Tzuyu, pero bro... malakas kasi ang kutob namin na may itinatagong sikreto si Tzuyu sa amin lalo na sayo.

Ako: huh? parang imposible naman ata yun?? Kilala ko si Tzuyu at hindi niya magagawang paglihiman ako.

Jin: yun din ang akala namin. Akala namin ay kilala na din namin si Tzuyu pero hindi pa rin pala. Hindi ngayon na sa palagay naming lahat ay nagbago na siya.

Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon