~Taehyung's POV~
(Ang lalabo ng mga imahe ngunit isa lang ang sigurado kong nakikita ko ng malinaw...
Si Yerin.)
Hindi ko alam kung nasan ako pero base sa nakikita ko sa paligid ko... para akong nasa isang art gallery na napapalibutan ng mga framed paintings, pero sa halip na painting ang nakadisplay dun sa mga frames ay mga malalabong portrait ang laman nito, at ang tanging malinaw lang sa bawat portrait ay ang mukha ni Yerin. Sinubukan kong tumitig dun sa isang portrait at laking gulat ko nang makita kong dahan-dahan itong lumilinaw. Luminaw ito at dahan-dahang gumalaw yung nasa loob nung frame hanggang sa masmistulan itong isang short clip ng nakaraan ko.
Nang matapos mag-play yung short video ay sunod kong pinuntahan yung kasunod na portrait at tulad ng ginawa ko dun sa nauna ay tinitigan ko din ito. Pinuntahan ko isa-isa yung mga portraits at sinubukan kong panoorin yung mga nakalakip ditong mga videos, at sa puntong yun ay unti-unti ko ng naaalala yung mga bahagi ng nakaraan ko na nakalimutan ko. Unti-unti akong nakakaramdam ng saya at gaan ng loob sa bawat ala-ala na muling nanunumbalik sa 'kin. Nahinto lang ako sa panunood ko nang bigla na kong magising.
~oOo~
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nagtaka ako nang makita ko sina J-Hope, Jungkook, Jimin, at Jin na nakatayo sa harapan ng kama ko na tila mga gulat na gulat. Nang sunod akong mapatingin sa tabi ko ay nanlaki din ang mga mata ko at nun ko lang din narealize na katabi ko nga palang natulog si Yerin.
Ako: (Agad akong napabangon.) Teka, kung ano man ang iniisip niyo... nagkakamali kayo.
Muli akong napatingin kay Yerin nang maramdaman ko ang paggalaw niya. Nakita ko ang pag-inat ng mga kamay niya na sinundan ng dahan-dahan niyang pagmulat ng kanyang mga mata. Nang tuluyan na siyang magising ay halos parehas lang kami ng naging reaksyon pagkakita dun sa apat. Agad din siyang napabangon at sunod na naghisterical.
Yerin: Teka.. bakit ako nandito!? pano ko napunta dito!??
Ako: malay ko sayo. Sa sobrang kalasingan mo.. hindi mo na alam ang pinaggagagawa mo----- ARAY!
Hinampas niya ko ng unan.
Yerin: may ginawa ka ba sa 'kin!?
Ako: mapagbintang ka rin eh noh? Ikaw na nga itong nagtresspass dito sa kwarto ko kagabi tapos ako pa pagbibintangan mo ng masama??
Jimin: Ehem!
Pareho kaming napatingin kina Jimin.
Jin: Mukhang may dapat kayong pag-usapan na dalwa at hindi tamang marinig namin kung ano man yun.
Jimin: uhm.. kunwari wala nalang kaming nakita ah?
Sunond sinenyasan ni Jimin yung iba at sabay-sabay na silang umalis ng kwarto ko. Nakita ko pang ngitian ako ni J-Hope ng may malisya bago tuluyang lumabas. Pipigilan ko pa sana sila pero huli na nang maisara na nila yung pintuan. Nang maiwan nalang ulit kaming dalwa ni Yerin, at nang muli ko siyang balingan ay nahuli kong medyo masama ang tingin niya sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple 2 [BTS X GFriend FF COMPLETED]
FanfictionBTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubok ng pagkakataon sa pagdaan ng panahon. Dalwang grupo na may tig-anim at pitong myembro, anim na par...