Umaga.
Tumunog ang alarm ng phone ko sa ilalim ng unan. Antok pang kinapa ko yun at pinatay."hmm" sabi ko habang tinitingnan ang oras.
Alas singko pa lang. Dahil ayaw ko pang bumangon ay pumikit ulit ako at sinabing 5 mins pa.. Tamad na tamad ako ngayong araw ng lunes, dahil na rin siguro sa monthly period.
Nakatulog ako ulit.
~~❤
"Ate" mahinang yugyog sa balikat ang naramdaman ko. "Ate, hindi ka ba papasok?"
Nagdilat ako ng mata at nakita ko ang kapatid kong si Chandria. Nakabihis na ito ng uniform sa school.
Kinapa ko ang cellphone ko at bigla akong napabalikwas ng bangon. Alas sais pasado na.
"Shit"
Tumakbo ako papasok ng CR at mabilis na naligo.
"Mauuna na ako" sabi ni Chandria at narinig kong sumara ang pinto ng kwarto ko.
"Tsk" hinampas ko ang pader ng cr habang nagsa-shower. Hindi ko akalain na makakatulog pa'ko ng isang oras. May quiz pa naman ngayon.
Mabilis kong tinapos ang pagligo at pagbihis. Hindi na ako nag almusal pagbaba ng hagdan.
"Late ka na nyan" sabi ng mama ko na naabutan ko sa sala, naghahanda na ring pumasok sa trabaho.
"Una na'ko ma. Tinanghali ako ng gising" sabi ko habang palabas ng pinto.
"Ingat" yun lang ang narinig kong sabi ni mama bago ako makatakbo paalis.
~~❤
Narating ko ang school bandang 6:40.
Inis na inis ako dahil feeling ko ang malas ko ngayon. Bukod sa late na ko nakapag asikaso ay naipit pa sa traffic.Tumatakbo ako sa pasilyo, nagmamadali kahit late na ako sa first period.
Dug!
Naramdaman kong bumangga ako sa isang bagay. Next thing I knew I was on the floor, sapo ang noo at tumingala.
"Ano ba?" inis na sabi ko at mabilis kong dinampot ang bag ko sa sahig at tumayo.
"Look where you're heading" sabi ng lalaking nabangga ko. Walang ekspresyon ang muka nito. Mukang hindi estudyante dahil nakasuot ito ng casual clothes. Naka jeans pa at may kulay ang buhok.
Amazing eyes. Napailing ako.
"Sorry" mabilis akong lumampas sa kanya at muling tumakbo. Na-late ako sa first subject pero good thing nakapag take pa'ko ng quiz.
Mabilis lumipas ang oras.
Dumating ang recess time pero wala pa rin akong kagana ganang kumilos. Kumalam ang sikmura ko at naalala kong hindi ako nakapag almusal.
I sighed as I get up from my seat. Napatingin ako sa bandang likuran ng room at sa dulong upuan ay may tulog na lalaki. Nakatungo ito sa desk. May kulay ang gulo gulong buhok. Hindi naka uniform. Bigla itong gumalaw at iniangat ang ulo. Tumingin sya sa akin.
It's the guy from the corridor. Pero nagtaka ako kung bakit ito nasa classroom kahit hindi ito nakauniform.
It was a moment of silence and we are both just staring at each other.
~~~
A/N
Hello guys! I'm sorry if I deleted my first published story from 4years ago. It's been a long time since I last visited watty and I have no idea what to write next 😝😝
So I came with a new one and hope I can update it whenever I have free time.xoEru ❤
YOU ARE READING
MY LOVELY STRANGER
RomanceShe used to believe in God's perfect time. She has dreams. She wants to explore the world and enjoy her youth. She never once imagined herself getting involved in anything that has to do with love. She is young to think about such things. Until one...