"Kailangan ba talagang sumama ka?" tanong ko kay Tristan. Nakaupo na kami sa bus.
"Masama ba?" tanong din nya.
"Ang pangit ng ugali mo. Nagtatanong ako magtatanong ka din" inirapan ko sya.
He chuckled. "Good looks and good attitude don't always come together, you know. Mahirap pagsabayin."
"Ewan sayo" tumingin ako sa labas ng bintana.
"Galit na naman yan" pang aasar nya pa.
Hindi ako umimik.
Naramdaman kong isinandal nya sa balikat ko ang ulo nya.
Tiningnan ko sya, nakapikit ang mata nya. Hinayaan ko nalang syang ganun.
Narating namin ang bus stop malapit sa bahay, gumising na sya at bumaba kami.
"Wag mo na'kong ihatid" sabi ko pagbaba.
"Makikikain ako" sagot nya.
Napatigil ako.
"Hindi mo manlang ba'ko pakakainin? Cake lang kinain ko maghapon" reklamo nya.
"Pssh. Kasalanan ko ba yun? Ikaw naman ang tumambay sa shop. Di ko naman sinabi." nakasimangot na sabi ko.
"Oo na, oo na. Ang ingay mo" Bigla nya inabot sakin ang teddy bear at binuhat ako.
Nagulat ako at nagpumiglas.
"Hoy ibaba mo'ko! Baka makita ng mga kapitbahay ko at nila mama" saway ko habang nagpipilit bumaba.
Mahigpit ang hawak nya sakin. "Wag malikot baby, baka mahulog ka." sabi nya.
"Ibaba mo kasi ako!" naiinis na sabi ko.
He sighed. "Fine" at ibinaba ako.
"Kaya ko nang umuwi" binalik ko sa kanya ang teddy at tinalikuran ko na sya.
"Ok" sabi nya.
Mabilis akong lumakad pauwi kahit nananakit ang mga paa ko.
Nakailang hakbang na ako, nilingon ko sya. Nandun pa rin sya nakatayo. Malungkot ang muka habang tinatanaw ako. Hawak nya sa isang kamay ang teddy bear, nakasayad yun sa kalsada.
Medyo naawa ako sa kanya. Naisip ko na hindi pa nga naman sya kumakain at hinatid pa'ko.
"Halika na" tawag ko sa kanya. "Akala ko ba makikikain ka?"
Nakatingin lang sya sa'kin. Tiningnan ko lang din sya.
Dahan dahan syang lumapit sa'kin."Si Zeus. Gusto mo ba sya?" Bigla nyang tanong ng makalapit sya sa kinatatayuan ko.
"Huh?" napataas ang kilay ko. Napakarandom nya talaga. Kung ano anong naiisip.
"Yes or No? Gusto mo ba sya?" nakatingin sya sa mga mata ko.
"Yes. Gusto ko sya dahil mabait sya" sagot ko.
"Ah" tumango tango sya. "Pano mo nasabing mabait sya?"
"May criteria ba sa pagiging mabait? Maganda ang pakitungo nya sakin kaya nasabi kong mabait sya" katwiran ko.
"Ganun ba" mahinang sabi nya.
Tiningnan ko sya. "Bakit mo ba tinatanong?"
"Wala naman. Iniisip ko lang din kasi kung gusto ka nya talaga." Namulsa sya. "Pero kung ako sayo, wag kang magtiwala ng husto sa kanya. I know him more than you do."
I gave him a puzzled look. "What do you mean?"
"Hey, hey. Wag mong isipin na sinisiraan ko sya or what. Kung gusto ka talaga nya, wala namang masama dun. Bagay naman kayo eh." he shrugged his shoulders.
"Wala naman syang mapapala kung lolokohin or pasasakayin nya lang ako" sabi ko.
"Ok, sabi mo eh" he agreed. He just stared at me. Point blank.
Pakiramdam ko nanunuyo na ang lalamunan ko kaya lumunok muna ako bago nagsalita.
"So, tara na" yaya ko sa kanya.
Matabang na ngumiti sya. "I'm not hungry. It's getting late, uuwi na'ko."
"Are you sure?" pero deep down gusto ko na ring umalis na sya.
He nodded. "It's nice walking you home. Goodnight"
Tinalikuran nya ako at mabilis na umalis. Naiwan akong nalilito sa mga kinikilos nya.
I let out a sigh at naglakad na pauwi.
Pagpasok ng bahay ay naabutan ko sila mama at Chandria sa sala.
"Andito na'ko" bati ko sa kanila. Nagmamadali agad akong umakyat sa kwarto ko.
Hinubad ang sapatos ko at padapang bumagsak sa kama. Ipinikit ang mata ko. Finally makakapagpahinga na rin.
Tok tok tok katok sa pinto ng kwarto ko maya maya. Tumingin ako sa pinto at pumasok si Chandria.
"Ate kakain na" sabi nya.
"Sige susunod na'ko" sabi ko at bumangon na.
Ilang sandali syang nakatingin lang sakin at saka umalis.
Nagbihis na'ko at bumaba para kumain. Lagi nila akong hinihintay at sabay sabay kaming kumakain ng hapunan.
"Chelsea, pupunta kami ni Chandria sa Palawan bukas. May buyer na ang lupa natin dun" sabi ni Mama nang makaupo na'ko.
"Sige ma. Ilang araw kayo dun?" tanong ko.
"Mga tatlo o apat lang. Bibisitahin na rin namin ang mga kamag anak natin. Ayaw mo bang sumama?" tanong ni Mama.
"Di kakayanin ma. Ayaw ko sanang umabsent." I looked at her. "Kailangan ba talagang ibenta ma? Wala naman tayong paggagamitan ng pera. And besides.. "
"Itatago lang muna natin sa bangko 'nak. Magcocollege na itong si Chandria" sabi nya.
"Kaya ko rin namang makakuha ng scholarship kagaya ni ate" ani Chandria.
"Tapos magtatrabaho ka din? Ayaw ko nang ganun. Hangga't maaari, school - bahay lang sana kayo. Magtatayo nalang ako ng business." sabi uli ni mama.
Nanahimik na ako.
Matapos kumain ay nagpaalam na akong magpapahinga.
~~❤
A/N :
Hi guys. XD pagpasensyahan nyo na yung mga typo, minsan kasi antok akong nagtatype 😜😜
Half asleep pero I still continue this thing even if di ko alam kung may nagbabasa or babasa 😄~xoEru ❤
YOU ARE READING
MY LOVELY STRANGER
RomanceShe used to believe in God's perfect time. She has dreams. She wants to explore the world and enjoy her youth. She never once imagined herself getting involved in anything that has to do with love. She is young to think about such things. Until one...