I walked out of Tristan's life.
Tama ang Dad nya. Money and Power is everything. Hindi ko na hahayaan na gipitin nila kami. Maiintindihan nya naman siguro. Kung kami, kami talaga. I have to distance myself from this conflicting situation.
I love you Tristan. Sabi nga nila, great love takes time. Siguro, next time na magkita tayo ulit, we're both ready. Yung tipong hindi na tayo pwedeng sindakin ng mga tao sa paligid natin. I'm sorry. Sana mahintay mo ako.
I won't show myself until I'm good enough for you.
This is my decision. I left the country and went to study in Taiwan. Sinuportahan naman ako ng parents ko. Habang nasa ibang bansa ay nakiusap ako sa pamilya ko na wag nang magbanggit ng kahit anong balita tungkol kay Tristan. This way, hindi ako matetempt umuwi. Nagswitch ako ng course at nagfocus sa pag aaral. Humanap ako ng diversion para hindi ko sya maisip.
Nahumaling akong mag paint. Dun ko ginugol ang free time ko. Pero kahit ganun, may mga oras na bigla ko nalang syang naaalala. Lalo na kapag inaatake ako ng homesick. May mga gabi na umiiyak nalang ako hanggang sa makatulog.
~~❤
Four Years have passed.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid ng airport. I'm back in my homeland!
Natanaw ko kaagad sila Mama, Papa at Chandria sa di kalayuan. Ngumiti ako at lumapit sa kinaroroonan nila.
Mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin.
"Miss na miss ko kayo" masayang sabi ko.
For the past four years, sila ang bumibisita sa akin, atleast every five months. Hindi ako umuwi. Ayaw ko kasing mawalan ng focus. Dahil once na makabalita ako tungkol kay Tristan, I might come running to him again. Isa pa, nagkaroon din ako ng pinagkakakitaan sa ibang bansa. Nagtututor ako ng English sa mga gustong matuto. Nung una, nakakapagbenta rin ako ng mga paintings ko. Akalain mong may talent pala ako? May mga nagpapa portrait din sa akin, na tinatanggap ko naman lalo na kapag bakasyon. Hanggang sa dumami ang kliyente ko maging ang mga sikat na tao, my paintings are even featured on TV. I've got offers here and there.
Sabihin pa'y naging busy ako masyado. Pero prinioritize ko ang pag aaral.
"Miss na miss ka rin namin anak." sabi ni Mama.
"Tara na sa kotse" yaya ni Dad.
Halos walang humpay ang nangyaring kumustahan hanggang sa makauwi kami sa bahay. Ang dami nang pinagbago.
"So, anak, babalik ka pa ba sa Taiwan?" tanong ni Papa.
"Wag mo nang pabalikin si Chelsea. Sapat na yung apat na taong malayo sya." sabi ni mama.
"Pag iisipan ko pa po" sagot ko.
"Ayaw mo na ba kaming makasama, Anak?" tanong ni mama.
Tiningnan ko sya. "Hindi naman sa ganun ma. Alam nyo kasi, siniswerte ako dun. Balak ko na nga sanang magpatayo ng sarili kong cram school dun eh. O kaya art school. Ang dami ko kasing raket dun.."
Nalungkot si Mama.
"Don't worry ma, pinag iisipan ko pa naman. Matagal tagal naman akong mag i-stay dito kasama nyo." I assured her.
"Osige na, magpahinga ka na muna anak." sabi ni papa. Sya na ang nagbitbit ng mga dala ko mula sa airport. Malaki ang maleta ko, nasa loob na rin ang pasalubong ko para sa kanila.
"Sige po. Iidlip lang ako sandali. Ang aga ng flight ko kanina." Umakyat na ako sa hagdan.
Pagpasok ng kwarto ay sumunod sa akin si Chandria. Halos walang nabago sa kwarto. It feels so nostalgic.
"Ate.." she said. "Ngayong nakabalik ka na, ayaw mo pa rin bang makibalita tungkol kay Kuya Tristan?"
Natigilan ako.
"Ano na bang nangyari sa kanya?" tanong ko.
"His memory is back."
Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Now I felt excited na makita sya.
"Kailan pa?" excited na sabi ko. "Hinanap nya ba ako? Nagpunta ba sya rito? Anong nangyari.."
"Bumalik ang ala ala nya nung araw na umalis ka. Hinabol ka nya sa airport. Habang nagdadrive sya, muntik syang maaksidente, dun na trigger yung memory nya. Dahil sa shock. Ang problema, dahil nagka aberya nga sa kalsada, hindi na sya nakaabot sayo. Kami nalang ang nasa airport nung dumating sya." paliwanag nya.
I was left frozen. We could have met that day. Even so, what will happen? I have decided to prove something for myself first. Hindi naman maganda na dahil lang bumalik ang memory nya, babawiin ko na ang lahat.
"N-nasaan na sya ngayon?" tanong ko.
Nagbawi ng tingin si Chandria. "Umalis na sya. Nangibang bansa na rin. Siguro dahil nagtampo sya sa'yo. Hanggang sa huli kasi, ipinaglaban ka nya. Pero iniwan mo pa rin sya. Ang balita ko pa nga, itutuloy daw nila ang kasal once na makabalik na si Ate Xyerah."
Pumatak ang mga luha ko. What have I done? Ito ba ang bunga ng sakripisyo na ginawa ko? Bakit??.
"Sorry ate. Hindi ko talaga sinabi sayo. Kasi baka madepress ka dun sa Taiwan. Mag isa ka pa man din." hinagod nya ang likod ko.
Hindi ako nakasagot. Kasalanan ko naman. He's probably mad at me for leaving him behind. For all these years. Iniisip ko kasi masyado ang gagawin ng papa nya. I was too proud. Hindi ko manlang naisip yung mga paghihirap nya. I'm so stupid. Maybe I deserve this.
Hindi nga talaga siguro kami para sa isa't isa. Siguro hindi na rin nakita ni Xyerah ang boyfriend nya and they chose to give up in the end.
I see. So this is how it ends..
YOU ARE READING
MY LOVELY STRANGER
RomanceShe used to believe in God's perfect time. She has dreams. She wants to explore the world and enjoy her youth. She never once imagined herself getting involved in anything that has to do with love. She is young to think about such things. Until one...